Monday, August 19, 2013

the blinding blue light

"gumuhit yung liwanag. nadistract ako. tapos ayun.. bumangga na kami."

pinanindigan nung kapitan ng barkong bumangga na nakita niya ang isang maliwanag na ilaw sa coast guard.

hindi ito pinalabas sa media. hindi nila alam kung naapektuhan ang utak niya dahil sa nangyari. baka trauma dahil sa aksidente.

gabi nung nakaraang biyernes nang bumangga ang barko niya sa isang passenger ferry sa karagatan malapit sa cebu. ang sabi niya nadistract siya sa isang maliwanag na ilaw na gumuhit mula sa kalangitan kaya hindi niya napansin na may ferry na pala sa harapan niya. hindi niya maipaliwanag kung ano yun. hindi naman fireworks. baka eroplano. pero ibang klase raw. maliwanag at asul na ilaw.

kabilang ang barko niya sa kumpaniyang kilala na sa mga lumubog na barko kaya hindi malayong madiin na naman sila sa kasong ito.

hanggang ngayon, sinusuyod pa rin ang karagatan para sa mga nawawalang bangkay.
umaasa rin ang mga rescuer na makakita pa sila ng mga survivor.

***

ginaw na ginaw na ako. nakakakapit ako sa styro habang nilalaro ako ng alon.

"joy? anak?..."

nabitawan ko ang aking dalawang taong gulang na anak noong lumubog ang barko.
gusto kong umasa na buhay pa siya.

naririnig ko ang mga palahaw ng mga kasamahan ko sa tubig. ang dilim. alam mo yun? nakadilat ka na nga pero para ka pa ring nakapikit sa sobrang dilim. nakakakilabot ang mga paghingi ng tulong sa gitna ng gabi.

tumingala ako sa langit. ang naaalala ko minuto bago may sumalpok sa amin ay may maliwanag na asul na ilaw sa kalangitan. namangha ako. ibang klase. hindi ko alam kung bulalalakaw yun o kung ano... pero parang falling star ba yun? di ba sabi nila humiling ka kapag nakakita ka nun?

hihiling palang sana ako kaso biglang may malakas na tunog.

bang! 

may bumangga sa'ming barko... nawala ang ilaw... nagulat na lang ako lumulubog na pala kami...

***

i'm watching the news nga about the tragedy in cebu. it was sad kasi may ilang namatay na. then suddenly namatay ang tv namin. brown out.

i've heard may paparating na bagyo. but when i looked outside i saw a blinding blue light.
as in. grabe. i blinked, nawala na then biglang bumalik na ang power.

i continued watching the news about the victims. so before i went to bed that night, i prayed for their souls at sana may makita pang buhay.

***

nagsanib pwersa ang bagyong maring at habagat sa pananalasa sa luzon. binaha ang buong metro manila at ilang kalapit na probinsiya this weekend. it's like ondoy all over again.

ang mga nagdiwang sa nangyari ay ang mga estudyanteng walang pasok ngayong lunes at naglabas na rin ang ibang mayor at paaralan na kinakansela ang klase bukas, martes.

***

ngunit ano ang kinalaman ng blinding blue light sa mga trahedyang ito?

thursday night bago ang nangyari sa isang trahedya sa visayas at ang ulan sa luzon...

sa isang hidden underground room, may isang babaeng pinaputi ng glutha ang may kausap sa isang kakaibang communication device. mukha itong satellite dish na maaaring magbeam ng kaniyang voice frequency sa outer space.

"hello? hello? yes. nakafreeze lahat ng accounts ko. nakacancel na rin ang aking passport. i need diversion para makatakas ako..."

hindi natin maintindihan ang sagot mula sa kabilang linya. parang galing sa mars at matitinis ang boses. alam natin kapag pinarinig natin ito sa expert sa language ay hindi pa rin niya madidistiguish ang salitang iyon. pero ayon sa translation na sumasabay sa kakaibang boses na nagfla-flash sa monitor na nasa harapan ng babae, mahal daw ang bagong teknolohiya nila, idagdag pa raw dun ang shipment dahil mula sa ibang galaxy pa raw yun.

"i'm rich you know. as in superrrr rich. kaya kong bilhin yang weather tampering machine na yan with the help of my powerful friends."

pero duda ang nasa kabilang linya. boses intergallactic. sabi sa translation, e pano yun nakafreeze nga ang accounts mo?

"sus. after natin silang i-distract... unti-unti silang makakalimot... tas may cash din naman akong nakatago so don't worry."

papayag ang kaniyang out of this world friend. pero may iba pa itong offer, makikita nating magflaflash sa monitor ang translation: kung gusto mo ng discount meron din kaming instant amnesia gun na kapag tinutok mo sa tao makakalimutan na nila ang lahat.

matatawa lang ang babae. "hindi na kailangan. sabi ko nga bigyan mo lang ng ilang buwan.. o taon.. parang walang nangyari. makakalimutan din nila ako. gastos lang yang amnesia gun na yan, ilalaan ko na lang ang pera sa shala bags and cool parties para sa anak ko."

she smirks.

***

hay naku kung sa tama lang napupunta ang pera mas magiging okay ang safety ng ating karagatan at may maayos na infrastructure para sa perennial flood problem. tsk tsk. dapat magbayad ang mga magnanakaw!




15 comments:

  1. This is nice. I felt a mixture of emotions while reading this. Galit, lungkot, inis, tuwa, atbp.

    ReplyDelete
  2. Haiy. Ang laki ng nawala sa buong bansa. Di ko lubusang maisip kung pano nila nagagastos ang perang di dapat sa kanila. Sa dinami rami ng naghihirap.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sobra no? walang pakundangan.

      may march nga sa august 26 sa luneta e. parang trip kong makibaka. haha

      Delete
  3. Hindi ko nasundan ang story ni Napoles kaya hindi ako maka react

    ReplyDelete
    Replies
    1. sobrang mangangalit ka kapag nabasa mo pinagagagawa nilang lahat. :s

      Delete
    2. Was she proven guilty? I'm seeing this as another "erap" or "gloria" or "jun lozada" incidents but look, nothing's really happening.

      Delete
    3. well well well pinaghahanap siya ngayon at kasalukuyan siyang hindi makita.
      ang sinampa palang sa kaniya yata ay illegal detention.

      may kinulong kasi siyang empleyado at noong narescue ng mga pulis naging whistleblower kaya binulgar niya ang baho ng dating amo at ang diumanong illegal dealings nito. hehe pota nakakainis kapag naaalala ko.

      Delete
    4. Aaaahhh... wala na ko tiwala sa government eh they're all filthy kaya kahit imbestigahan pa siya wala din masyadong effect. Masa-satisfy lang ako kung pati yung may mga illegal dealings with her kasuhan. That would make me happy

      Delete
  4. Ganda ng pagkasulat ng mga current issues! Astig! Saludo ako sayo

    ReplyDelete
  5. Si Napoles pala ang may sanhi ng bagyo na to! Hmp! AT sineryoso ko no haha :) Pero ang galing, very much galing ang pagsasama sama ng current ganap. Nice read :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uy salamat naman zai. hehe

      bwisit si napoles. grabe siya sana makonsensiya siya at makita niya ang direktang epekto ng pinagagawa niya.

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...