Friday, August 23, 2013

the way out

"mom.. dad... i'm gay."

outside, the rain is pouring down like cats and dogs and penguins.
they did not hear what i just revealed to them.

"what?"

"i said i'm gay."

outside, the rain is still pouring hard like a mad man running amok with his angry chainsaw.
i don't know what is the connection of the psycho metaphor to the rain but i guess i just wanted to be a crazy person that moment because i know their silence is not because they can't hear me...

they just want to keep silent. so i'm forced to say it again... and again...

"i'm gay nga. bakla. bayot. shoke. beki."

outside, the rain is still pouring.
my topman-shirt-bought-from-sale is dripping with filthy rain water.

i'm cold.

***

...and that is not my coming out story. at hindi ko rin alam kung bakit ako biglang nag-ingles diyan. nyahaha.  well nainspire ang post ko na ito dahil sa coming out story ni sep because i realized it's a rite of passage lalo na sa ating mga beki.

sabi kasi sa wikipedia ang coming out ay isang figure of speech na ginagamit ng mga beki para sabihin ang kanilang sexual preference. dagdag pa ni mareng wiki, ang mga taong out naman ay nasabi na o hindi na tinatago pa ang kanilang orientation sa rainbow.

so in my case, sa family i'm out but not out. meaning i try to act as myself. pero alam ko naman na alam naman nila. hindi lang namin pinag-uusapan kasi pakiramdam ko mas lalo lang kasing magiging awkward. haha. so deadma na besides alam naman ng mga pinsan ko. at wala naman akong dapat itago pa. ang lame lang ng rite of passage story ko. haha.

sa totoo lang nanay ko pa ang in denial sa aking gender preference.  haha

***

"are you gay?" tanong nung pinsan ko from london in british accent habang nag-iinuman sa rooftop.
"yes."

niyakap nila ako. puro babae sila.
iniisip ko dapat ba akong maiyak? is this the big coming out moment? college ako nung nangyari yan. at bigla ko lang din naremember nun na nung high school ako, tinanong din nila ako sa hagdan sa probinsiya. sabi ko rin nun yes.

ano mga te may amnesia?

well back to present, kebs na. hindi na issue. ang boring ng mga coming out story ko. haha. laos.

***

mahirap ang mabuhay kung ika'y nasa closet pero sabi nga ng mga nasa closet mahirap din mamuhay kapag nasa labas ka nito dahil sa stigma and all. kaniya kaniyang trip lang yan kung gustong magkulong sa aparador, siguraduhin lang na wag lokohin ang sarili at wag manloko ng iba.

imagine may mga may asawa na pero nakikipaglaro pa sa mga lalaki sa kama? lakas lang maka-my husband's lover. well hindi naman issue sa akin kung may makalaro akong married hano? (haha i know bulok ang aking moralidad) pero nakakaawa rin kasi kung iisipin yung babae na walang kamalay malay sa ginagawa ng asawa.

so kung choice mong hindi mag-out okay lang naman basta ang mahalaga kilala mo ang sarili mo at hindi lang dahil nabubuhay ka sa takot.

***

back in college, my friends used to compare late outers/bloomers na mga young vampires based sa vampire mythology ni stephenie meyer. dahil kakaturn lang nila sa vampire, hindi pa nila makaya ang thirst kaya nagiging wild sila at  nakakagawa ng killing spree.

so back sa mga baklang late nag-out, in our observation, or baka nagkataon lang, sobrang nagiging queen sila! haha meaning baklang baklang bakla times ten. parang naging uncontrollable. i think sa tagal ng pagpipigil nila sa kanilang kabaklaan nung sumabog, sabog talaga! as in extreme. haha i guess it's their new found freedom kaya naging ganun ang effect sa kanila.

***

well alam naman natin na kaya takot din mag-come out yung mga tao ay dahil sa discrimination. pero para naman sa mga out and proud, nakababaliw din ang discrimination among the community sa mga taong out at hindi. sino ang mas mabenta? mga discreet kuno raw. mas preferred ang hindi raw out at walang nakakaalam. mas sexy. mas ganito. mas ganyan.

it's a sad reality that we preach against discrimination but we discriminate among our own bros and sisters in our colourful community.

that topic deserves a separate post.


19 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Langyaka kalansaycollector, ang lakas ng tawa ko dito sa post mo! *hahahahahahaha!*

    Nakangisi pa din ako habang tinatype ko to. :D

    Pero tama ka. Check check at check. Ayaw natin madiscriminate pero grabe din tayo makalait sa iban bakla. Well, guilty lang. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano yung dinelete na comment? haha

      anyway medyo guilty din naman ako sa discrimination laban sa ibang bading. hahaha

      Delete
    2. Wala. Ni-repaste ko lang. :P

      Sana nga mawala na iyon eh. Hay. Eh kasi naman, madami din gumagawa ng hindi maganda... Kaya mahirap din hindi manghusga...

      Delete
  3. iniimagine ko na lang na di ko na kailangan mag-come out pa. yung tipong pag may family reunion tapos may dala kong lalaki. understood na. yung wala ng usap-usap. well, ganun naman kami sa pamilya kasi ayaw pag-usapan ang mga bagay. takot lang iacknowledge ang feelings hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha ayaw nga ring pag-usapan sa'min. well mas chill yun kaso ang kulit din ng mga tiyahin minsan. haha

      Delete
    2. sila talaga yung insistent, di mo alam kung talagang curious o may gustong sabihin. hehe

      Delete
  4. Minsan napapaisip ako kung ano ang benefit kapag nakonfirm ko sa family ko ang sekswalidad ko. Hmmmm. Masaya nanaman ako sa setup na ito. yung medyo pa-misteryoso. Hahah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. agree. gusto ko rin pa-misteryoso. haha nanghuhula levels kung what will happen. though minsan nakakahon sila sa konsepto ng pagkabakla na inaabangan siguro nila akong magcross dress or something. haha

      Delete
  5. Ako , hmmmm, wala akong sinasabi , silence means yes!!!! Bhala na sila mag isip , hindi ko kya ng ganung revelation mahihimatay ako lols

    ReplyDelete
  6. i haven't outed myself sa parents ko... but i think they know since every weekend samin umuuwi kasintahan ko.

    i was thinking of outing myself sa fb kanina... but opted not to... wala naman ako magain if i do that. may kaaway lang kasi ako... hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang sweet naman ni kasintahan at dumadalaw sa inyo lagi. hihi.

      hahaha oo nga wag sa fb. hehe

      Delete
  7. pareho tayo we never sat down and talked about it however.... a different case was rested with my relatives (titos and titas)

    They are the one who come out for me. Like they prepared a dinner for me to come out. well actually the dinner is not all about my coming out but it was a way so I can come out. after dinner when everyone is settled and the only people left in the dinning area is my titos and titas (mother side) ayun pinatawag nila ko lahat sila nakaupo ako nakatayo sa dulo ng table. It was really scary tapos they asked me kung bakla ako as in "bakla ka ba?" napaisip ako kung aamin ako o hindi eh ayoko mag sinungaling so sabi ko "opo" and then sabi nila "ok lang yan basta wag ka lang magiging baklang kalye"

    ReplyDelete
    Replies
    1. panalo ang baklang kalye. haha parang kalevel lang ng asong kalye at pusang kalye. lol

      pero nakakapressure at nakakastress yung ginawa nila ha? haha pero atleast no drama. hehe

      Delete
    2. Hehehe! they're afraid I might end up sa parlor at gumagastos sa lalaki ma-pride ang family ko palibhasa may image na pinangangalagaan sa ibang tao so ayun. they don't need to worry about that hindi ko din naman gusto maging ganun :)

      Delete
  8. naalala ko ung pinsan ko. he's 37. bata pa lang kami tinutukso ko na siya na bakla. in denial siya. pero a few years ago, nakikita ko na mga indications. hindi ko siya matanong ng direcho. recently na lang, pareho na kaming nasa 30s. nagbiro lang ako about him and his boys. kumagat siya sa joke. pero hindi niya talaga inamin directly that time. i guess mahirap talaga mag-out. parang iyong isang kasama ko sa work. late 40s na sya nang nakapag-out. funny story. when he was in his 20s, gusto na niya mag out sa parents niya. naunahan siya ng brother nya. eh dadalawa lang silang magkapatid!

    eh yung ang daldal ko? :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha ang cute po nung dalawang beki sa iisang family tas hindi siya nakapagout kasi naunahan siya ng kuya niya. hehe

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...