Sa
mundo ng twitter kailangan mong masabi ang gusto mong sabihin sa 140
characters. At sa mundong ito, pinagsisigawan ng lahat ng tao ang mga bagay
patungkol sa kanilang sarili o sa kanilang mundong ginagalawan. Mula sa
pinakamalalaking impormasyon na maaaring lumikha ng balita hanggang sa
pinakamaliliit na bagay na kung tutuusin wala namang pakialam ang makababasa
pero karamihan ay umiinog ang sandamukal ng tweet sa mga walang katorya-toryang
bagay (guilty!). Ano nga bang pakialam ng follower mo kung naliligo ka o kung
nakatambay ka sa Starbucks? Ano? Nagpapastalk lang? Sana lagyan mo nang latoy
ang pagtwitweet para ganahan naman ang mga follower mo. Lagyan ng indayog ang
iyong tweet, yung tipong nanlalandi kapag binabasa? O kaya yung nang-aakit na
hindi matiis kung hindi i-retweet. Ewan ko na lang kung hindi dumami ang
follower mo niyan, at kahit na adik ka at bino-broadcast mo sa buong mundo na
nangungulangot ka lang, tiyak patok pa rin ang tweet mo.
Pero
paano nga kaya kung makata kang nagtwitweet? O kaya'y isang kuwentista?
Mabibigkas mo nga kaya ang iyong tula o kuwento sa loob lamang ng 140
characters? Kaya mo bang ipahiwatig ang mga salitang nais mong sabihin sa
kakapirasong espasyo ng twitter? Posible nga bang maging isang twitterati?
Umaga.
Bubuksan ang laptop.
Log in agad sa twitter.
username: nagtataengbolpen
password: *********
nagtataengbolpen tiriririt
kumakandirit, paulit-ulit na sinusuntok, pilit ginigising ang tulog. tiriririt
ayaw pa ring sumirit, ng diwa sa bugtong ng antok.
Mabuti na lang pwedeng magtweet sa cellphone. Pwedeng dalhin, kahit saan
at kahit kailan...
nagtataengbolpen tinitingala ka man
sa labas aking mahal na hari ngunit tandaan po na sa puting tronong ito, tayo'y
pantay. iisa lang ang baho nating taglay.
nagtataengbolpen kuskos banlaw.
inanod nang tubig at sabon ang bangungot na kagabi ay dumalaw. kuskos banlaw
tangay nang bula ang agam2 sa parating na araw.
nagtataengbolpen puno ng alindog ang
plato kong namimintog, nang agahang si nanay ang may handog. tutong, bagoong,
sa lata mo'y matayog, tiyan pa ri'y gutom.
nagtataengbolpen siyaman pero pilit
sumusiksik at ginagawang sampuan. ang kalahating puwitan, pilit
nakikipagsagupa, sa upuang katiting na pakana ng sugapa.
No cellphone sa klase. Laos. Pero papatalo ka ba?
nagtataengbolpen sinong may sabi na
bawal ihayag ang sarili? sinong may sabi? isang
taong makasarili. o ikaw diyus-diyosan na blackboard lang ang kakampi?
Tanghali.
nagtataengbolpen lahat sila'y
mapang-akit. mamilipit sa pait o madarang sa anghang. madali! pagkat ito lang
ay quickee, bastedin man, ikaw pa rin ang lugi.
nagtataengbolpen sumisilip na ang
hikab, ako'y nakikipagtuos. pipikit na dahil sa taksil na antok, litanya ni
mam, tila awit ng ibong adarnang naghihimutok.
Hapon.
nagatataengbolpen kumakalembang na
ang kampana ngunit hindi misa ang kaniyang binabalita. mga ate't kuya, oras na
para dasalan ang santong patron ng mga gala.
nagtataengbolpen nakikipaglaro sa
aking dila ang gatas at tsaa, kinasal ang dalawa nang supling ay mga sago at
nata. pinagkakaguluhan, tila palabas sa perya.
nagtataengbolpen o dapit-hapon bakit
ganito ang iyong hatid? isang digmaan ang nag-iinit, nagbabadya,
makikipagpatayan makasabit lang sa mga dumadaang jeep.
Gabi.
nagtataengbolpen sa aking mga kamay,
hawak ang kapangyarihang tumalon ng daigdig. bawat drama, tawa at eksena, sa
isang pindot lang magbabago ang mundo nila.
nagtataengbolpen "assignment
assignment suntukan, ayan si barakuda, siya'y kaawa-awa abukaka abukaka siya'y
palaka." inaawit, nakatulala, ako ang palaka.
nagtataengbolpen nagbilang na ng mga
bituin, nagbilang na ng mga tupa,bakit hindi pa gumagana ang mahikang tumatawag
sa antok na kanina lang ay nagmamaganda.
Log out.
Bukas ulit.
some paper na hindi naipasa nung nag e-MA pa ako. lol
Sa umpisa nakakabilib and fascinating kung ganyan mag tweet pero nung nasa gabi na ang weird na basahin wala ng touch of relativity. Choz!
ReplyDeleteSubtle plug ah. Nice! :)
bwahaha eh kasi naman bored lang ang magstastatus ng ganyan.
Deleteor pacool. haha
uy hindi ko yan twitter ha! lol pero gusto ko yung username. lol
Mahusay, mahusay! Mala-Amaya at Indio ng Kapuso! Paano kaya kung may twitter na nung panahon ng mga Kastila. Lol
ReplyDeletetalagang amay at indio ang peg? hehe
Deletewell kung may twitter nung panahon ng kastila im sure nakaban ito dahil marami silang mababasang angst mula sa mga pinoy. hehe
Tama! You know naman how much we love our Freedom of Speech haha. Babahain ng batikos ang mga prayle pag nagkataon. Tapos astig siguro kapag yung mga myembro ng KKK eh nag-Instagram ng Blood Compact. Pak na pak!
Deletecool. kung sana nga ganito kacreative ang lahat ng tweets eh di ok pa...kaya lang may mga tweets n talagang mapapa-WTF ka.
ReplyDeletehaha well mundane stuff are being tweet. guilty din naman ako sa mga tweet na memasabi lang. haha
Deletenakakaaliw! reminds me of that book na nabasa ko (twitterature!). :D
ReplyDeleteinteresting book. :) sino author?
Deletenyhahaha. sige na nga ganyan na rin ako mag-tweet simula ngayon, tapos papalitan ko na ng nakabarong ang dp ko sa twitter... charooot ahahaha.
ReplyDeletewhy not? haha kaso tapos na nag buwan ng wika. lol
DeleteSakit sa ulo ng malalim na Tagalot tweet! *hahaha*
ReplyDeleteLakas ng tawa ko sa username! :D
nalunod ka ba? haha
Deleteuy gusto ko yung username. naisip kong gamitin someday. haha
hahhaa natawa naman ako sa nagtataengbolpen na handler mo.
ReplyDeletee may twitter ka ba? follow kita
meron kaso personal levels. you know pamisteryus ang bakla. hahaha
Deletehaha this entry made me laugh. was about to follow that username in twitter buti na lang i read the comments muna ;)
ReplyDeletealam mo magandang idea siguro na gamitin ko na siyang twitter handle. haha
Deleteuy salamat sa pagbisita kapitan. :)