Thursday, October 31, 2013

utak(ot)

pumunta si mama sa bicol para sa pista ng peñafrancia. ilang araw siyang mawawala. hanggang sa isang gabi, hindi ako makatulog. paano kung may mangyari sa kanyang masama sa bicol? paano kung bumalik siya tapos ibang tao na siya?

sa kakaisip ng mga worst case scenario, maiiyak na lang ako. ganyan ang eksena kapag umaalis si mama noong bata ako. hindi ako mapakali lalo na kapag alam kong malayo at matagal bago siya bumalik. ang pinaka kinatatakutan ko nun ay yung bumalik siya pero alam kong ibang tao na siya. so bago ko pa matutunan ang concept ng doppelgänger, naisip ko na nakakatakot makasama ang taong minamahal mo pero alam mong hindi naman siya yun...

teka, narinig mo yung pagkatok sa pinto? may inaantay ka bang bisita? e alas dos y media na ng madaling araw ha?

matandang bahay yung isang tiniran namin dati sa cabanatuan. ancestral house siya nung land lord namin. may vacant room na hindi namin ginagamit after mawalan na kami ng kasambahay. isang hapon, may naririnig akong tawa. parang tawa ng mangkukulam. nanggagaling sa bandang banyo.

natakot ako.

pero pakiramdam ko kapitbahay yun. baka nanalo sa jueteng.

inaantok ka na? sabi nila mas bukas ang mata sa lahat kapag nasa gitna ng pagkagising at pagtulog... may nakikita ka? wala yan. antok lang yan... itulog mo na lang...

wala akong nagawa.

napakapit na lang ako sa aking upuan habang naririnig ko ang sigawan ng mga tao sa aming flight. namatay ang mga ilaw. mas nakapanghihilakbot ang mga sigaw sa dilim. pagtingin ko sa bintana, nasusunog ang pakpak ng eroplano. nakikipag-agawan ang ugong mula sa kung saan man sa mga hiyawan. isang malakas na pagsabog.

nagkalasog lasog ang aking katawan.

hindi ko mapigilang hindi maging morbid every time na nakakasakay ako ng eroplano. it's actually my fear, ang pagsakay ng airplane. i love travelling pa naman kaya imagine what i have to endure in an hour or more sa loob ng eroplano. minsan pinipilit kong matulog pero nagagawa talagang sumikit sa kasuluk-sulukan ng utak ko ang mga dark thoughts...

what if bumagsak ito? ayoko lang sigurong mamatay ng walang closure. agad agad levels. or dahil alam kong wala akong control at kaunti lang ang survival rate sa plane crash. jusko. imagine kapag may turbulence, feeling ko mamatay na ako. haha.

may kumakatok nga. pagbuksan mo na kaya? ano? walang tao? baka yung branch nga lang ng puno ng mangga tumatama sa alulod niyo... kaya parang may kumakatok... 

...or minsan hobby lang siguro ng utak ko ang mag-isip ng worst case scenario. kapag tumatawid ako, feeling ko may kotseng sasalpok sa akin. iiwan ang katawan ko in a weird angle habang kinukulayan ng pulang dugo ko ang naulanang kalsada.

o paghinto ng mrt sa isang certain station, bago ako lumabas, may bombang sasabog and unfortunately isa ako sa mga nagkaluray luray.  gaya nung nangyari sa plane crash, kumalat ang katawan ko sa tren. or paa na lang ang natira sakin. paano pa ako makikilala niyan?

o biglang hoholdapin ang bangko habang nasa loob ako naghihintay ng turn. may isang customer na nahuling tumatawag sa pulis. binaril siya agad sa ulo. sinunod ang iba pa. nakita ko na lang ang pira piraso kong utak sa makintab na sahig.

hanggang sa makaramdam ako ng takot... nakakatakot lang kung ano ang kayang gawin ng utak natin sa'tin.

kaya niyang makakita ng white lady sa dilim. kaya niyang makaamoy ng sigarilyo ng kapre sa ilalim ng sampaloc. kaya niyang makarinig ng iyak ng matanda sa walang taong silid.

kaya niya tayong takutin kahit sa wala.

well nasa utak lang naman talaga ang takot hindi ba? hindi totoo ang naririnig mong tawa ng baby ngayon kahit wala namang sanggol sa inyo. 

guni-guni mo lang din ang dumaang puti sa may bintana. hangin lang din ang nagbukas ng inyong mabigat na pinto. may paparating na bagyo di ba?

mag-aalas tres na ng madaling araw. walang bumubulong sa'yo. 





wala. 


12 comments:

  1. nyahaha pareho tayo minsan ganyan din ako.

    Nung flight ko pabalik ng Manila kahapon galing Iloilo kung ano ano naisip ko gabi pa naman ang flight ko ahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha nakakaloka di ba? nakakaparanoid. hehe

      happy halloween! :p

      Delete
    2. sinabi mo pa... Tapos pag titingin ka sa bintana wala kang makita kasi ang dilim minsan yung mga stars di mo din maaninag... wala ka na lang magawa kundi magdasal ahahaha

      Delete
    3. TRUE! haha mas scary nga sa gabi. haha

      Delete
  2. Is it wrong na tawa ako ng tawa habang binabasa to? Ang kulet mo eh! *hahaha*

    Parehas pala tayo. Pessimist.

    Nung una kong sakay sa eroplano, ganyan din ako. Nasanay na lang kinalaunan. Pero minsan di ko pa din mapigilan mag-isip ng masama.

    Kapag sumasakay ako ng public transportation, naiisip ko din yan madalas. Bomba, holdap, aksidente... *whew!*

    Mind-boggling naman masyado tong post mo; nakaka-stress! *hahaha!*

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha well i guess okay lang maging pessimist minsan pero dapat manageable. haha i mean yung tamang pambalance lang sa expectations sa mga bagay bagay. para kapag hindi nakuha ang gustong result, hindi sobrang sakit at naihanda ang sarili. hehe

      pero in general medyo optimistic din naman ako. haha
      though hindi maiwasan maging paranoid paminsan. hahaha


      Delete
    2. Pessimist ako halos most of the time. Imagine the stress. *hahaha*

      Delete
  3. May pagka morbid ka pala magisip! Gamit na gamit ang imagination mo sa mga pwedeng scenario, tingin ko okay ka maging writer ng susunod na Final Destination :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe. salamuch. haha iniisip ko tuloy ano kayang mega killing spree ang gagawin ko if ever ako ang susulat ng final destination? haha

      hmm airplane, traffic jam, roller coaster, race car mishap, tas bridge collapse... so what's next?

      napaisip ako dun ha? haha

      helicopter crash sa isang residential area? lol

      Delete
  4. naku anlakas maka undas ng post na ito... hehehe... entertaining! galing!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...