isa sa mga naging fave kong readings nung college sa literature class namin ay ang classic na gawa ni dante alighieri na inferno. unfortunately, hindi magaling ang naging prof namin sa class na yun. haha hindi ko rin tuloy tinapos ang buong ganap pero inaral naman namin yung summary niya. hanggang ngayon isa ito sa mga literary classics na hindi ko pa nababasa ng buo pero peyborit ko na dahil sa tema. so naisip ko lang out of boredom habang nagcocommute papuntang magallanes ang post na ito... what if sa modern world ito nakaset?
so samahan natin si kalansay (si dante rin kasi bumida sa likha niya. epal. self-centered masyado. charot. haha) sa kaniyang paglalakbay patungo sa kaibuturan ng impyerno... (babala medyo mahaba kung bored basa na lang ng iba. lol)
naglalayag sa gitna ng madumi at mabahong pasig river si kalansay kasama ang isang taong grasa na maghahatid sa kaniya sa pintuan ng impyerno. galing lang siya sa malawak na luneta na puno ng mga naglalarong batang walang mukha. iyon daw ang purgatoryo... kung saan kita mo ang mga pokpok na naghihintay ng customer at ang mga bulaang propeta na umaasang may makinig sa kanilang mga gawa-gawang propesiya...
"baba. pupunta punta dito hindi pa naman patay. atat ka bang bata ka?!" sabi ng masungit na taong grasa. ano ba yan. madumi na nga ang panlabas na anyo, madumi pa ang ugali. sabi naman ni kalansay sa sarili. "narinig ko yun baklang echosera!" bulyaw nito.
"ay sorry naman. stop invading my privacy." dali-daling bumaba si kalansay. may pandidiring tumapak sa gabundok na basura. lumubog ang kaniyang paa. nakasusulasok ang amoy.
"welcome to hell!" taray. yan ang sabi ng taong grasang inglisero.
first circle. (limbo)
dito raw napupunta ang mga taong hindi ba nabibinyagan (so pati mga virgin. chos) at atheists. isa lang siyang malawak na tambakan ng basura. may mga mmda lang na laging nakabantay sa mga kaluluwa na walang ginawa kung hindi magtapon ng basura pero lagi silang nasisita. tas pupulutin ulit tas itatapon ulit. paulit ulit. boring. sabi ni kalansay. so may i gora na siya sa next circle.
second circle. (lust)
nagulat siya dahil bumukas ang pinto ng tren. mrt. jusko pati ba naman sa impyerno rush hour? reklamo ni kalansay sa isip niya. hanggang sa lumabas sila sa tunnel. sa liwanag mula sa labas, hubo't-hubad pala ang mga kasama niyang pasahero tila nasa perpetual orgy pero imbis na ecstasy ang nakapinta sa kanilang mga mukha ay agony dahil kada tigil sa ibang station, dagdag lang ng dagdag ng pasahero in all shapes and sizes. para silang sardinas na pinagpipilitang ipasok sa isang maliit na lata. buti na lang buhay si kalansay kaya hindi niya nararamdaman ang pasakit. yun daw ang parusa sa mga malilibog. tutal gusto nilang madikit sa mga katawan, ayan, sinumpa sila sa isang habang buhay na rush hour sa loob ng mrt.
third circle. (gluttony)
lumabas si kalansay sa isang madilim na station. kaunting lakad lang nasa loob na siya ng isang food court. sm ang peg. nakikita niya na may mga nakapila sa iba't-ibang stalls. no big deal. pero paglapit niya nakatanghod ang mga patpating kaluluwa. bakas ang gutom sa kanilang mga mata. sa mga stalls ng pagkain, nakaserve ang pinakapaborito nilang mga putahe. abot kamay pero hindi dumadampi sa kanilang bibig. at sa dulo ng pila, may pinagkakaguluhan ang mga demonyo. nakisingit naman si kalansay. pinagsisihan niya ang kaniyang ginawa dahil nasaksihan niya na pinagsasabong ang dalawang kaluluwa at ang matalo ay kakainin ng nanalo pero kahit na ilang beses kumain, hinding hindi sila mabubusog. nandiri si bakla kaya may i takbo siya sa elevator...
fourth circle (greed)
nasa second floor siya ng mall. ayala mall ang look. very elegant. ito na ang pinakamaliwanag na lugar na nakita ni kalansay. wala siyang makitang kaluluwa rito. puro designer brands. luxurious ang place. mga high end items ang nasa display. sobrang tahimik. shala naman dito. paglapit ni kalansay sa isang designer pants, naloka siya dahil made in human skin ang pantalon. kaloka may buhok pa. ito ang mga kaluluwa ng mga taong greedy. sa sobrang pangangamkam ng mga bagay, naging material na bagay din sila.
fifth circle (sloth and vanity)
nakapasok si kalansay sa isang room. ang daming gadgets. parang power mac center. may mga bukas na laptop at mac. may mga ipad at iphones ding nakakalat sa puting puting estante. pagsilip ni kalansay nakita niya ang iba't-ibang social network accounts. may fb at instagram. puro selfie. yung iba walang like. yung iba punong-puno ng likes at nadadagdagan kapag kusang nagrerefresh ang page. nagtaka siya kung anong point nun. pagsilip niya sa isang ala aquarium na room, nandun yung mga kaluluwang may selfie. yung mga walang like ay ang mga vain na habang buhay magdudusa na walang naglalike sa mga pictures nila at yung mga tamad naman ay yung mga pics na may maraming like (dahil ang mga taong puro selfie ay parang walang ibang ginagawa. sabi yan nung masungit na taong grasa na laging busy) at kada like ay body pain ang babalot sa kanila. levels nung sakit na nararanasan ng mga kumakakayod kabayo sa araw araw at hindi nakakapag-alaxan.
sixth circle (wrath)
sa next floor, isang game centre. mukhang time zone. mangay dahil sa tunog ng games na nilalaro ng mga kaluluwa. pero nang tignan itong malapitan ni kalansay, sila sila na rin pala ang pawn ng kanilang mga game. dahil ang taong galit ay dapat matutong magchill at magrelax at ilabas ang nagbabagang poot... sa isa't-isa.
seventh circle (envy)
bongga! hirit ni kalansay sa sarili dahil nasa salon siya. inisip niya na sa pinagdaanan niyang stress kinailangan niyang magretouch. kaso pagpasok niya sa loob mismo ng salon halos mabingi siya sa sigawan ng mga taong animo'y baliw na nakastraight jacket. nakaupo sila sa salon chair at infair may pampering. may hot oil treatment. may mga nagmamani-pedi sa kanila. pero pagtingin ni kalansay sa salamin, doon niya nakita na ang nakikita pala nilang reflection ay ang taong kinaiinggitan nila na tila perfect ang buhay at ang mga bagay na wala sila. tsk tsk. nakakabaliw nga naman. atleast not so morbid, napaside comment na lang si kalansay.
last circle. quezon memorial circle (pride)
nagulat si kalansay dahil nasa circle na siya. pero extra beautiful dahil mas malinis. mas green. mas fresh ang hangin. sa hindi kalayuan, may nakita siyang grupo ng mga nagjajogging while chanting. habang papalapit ang mga ito napagtanto niyang lahat sila ay nakayuko at may mabibigat na kadenang bakal na nagpupush sa kanila para tumungo. forced humility. at dahil mas malapit na sila, dinig na dinig na niya ang kanilang chinachant... "im sorry" ng paulit ulit.
hindi ko na bet. ang depressing. sabi na lang ni kalansay. ura-urada dumating si taong grasa at hinawakan siya.
sa isang iglap, nasa swing na si kalansay ng isang lumang playground sa loob ng quezon memorial circle. malamig ang hangin ng disyembre. may mga nagjojogging habang nakikinig na sa kanilang mga ipods talking about mundane stuff. may taong grasang namamalimos sa kaniya. umiling lang si kalansay at nagpatuloy sa pagswiswing habang naririnig ang mga batang naglalaro...
"im.. im... impyerno... saksak puso tulo ang dugo...
patay... buhay... umalis ka na diyan..."
nangungulit pa rin si taong grasa.
nine ang circles sa totoong inferno. eh masyado ng mahaba. napagod na raw si kalansay. chos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
Bravo! Talino mo talaga Kalansay. *hehe* Pwede ka ng mamahala sa impyerno. :3
ReplyDeleteSan kaya akong circle mapupunta? Baka dun sa second. :P
haha pwede naman akong mag-full time sa hell. lol
Deletesalamat salamat sepsep. :)
haha masaya naman sa second di ba? hot bodies. yum. lol
masikip at mainit. shet. hehe
Malamang maraming "nakatayo" dun. :P
Deleteang sayaaaa! hahaha eh pano ang mga basang pechay? lol
DeleteWapakels na sa mga basang pechay. *hahaha*
DeletePwede bang nakaluhod na lang ako habang nasa loob ng second circle? Kelangan talaga nakatayo? *hihihi*
haha pwedeng pwede naman. pwede ring nakatihaya ganyan. haha masikip nga lang. haha so struggle. haha
DeleteDi ko pa natatapos at nasa jeep ako pero grabe. Hanga talaga ako sa pagsulat mo. :)
ReplyDeletesalamat fsoq! uy ingat ingat sa jeep baka madukot phone mo! :p hehe
Deletehahaha naaliw ako sa post na ito... ayos ang pagrerelate into modern chever ha lolz.
ReplyDeletesalamat rix. hehe gawa ng boredom. lol
Deleteminsan out of boredom don ka talaga nakakagawa ng mga obra maestro.. good job and keep jobbing.... teka pangit ata pakinggan yun... lolz.
DeletePlease tell your HAND to keep its great JOB up. *hihihi*
Deleteang kulit niyong dalawa. haha
Delete(in a principal na madre tone) basta kabastusan, ang gagaling niyo! stand there and face the wall!!!!
choz. haha
*oooh* I would like that... Please spank me. For the love of God, spank me hard!
Delete*hahahaha*
omg bdsm levels. ichika mo yan kay fsoq. haha
Deleteparang bongga nga yung nakamadre costume... though mas nakakatakot pala kasi mas naassociate ko ang madre sa mga multo haha... pari costume na lang para mas sexy. AMEN! hihi
nyahaha sabi ko na nga ba may panget sa sinabi ko lolz...
DeleteWe are all sinner to some extent but in my opinion what really matters is how pure our hearts can be because there are times we have to do bad things for good intentions.
ReplyDeletewell iba yung may ginagawang masama para sa ikabubuti ng lahat sa may ginagawa tayong hindi maganda para lang sa ikabubuti ng sarili. hehe
Deletewell i guess it's in the choices we make kaya natin nasasabing masama o mabuti ang ginagawa natin. at lagi natin jinujustify ang isang desisyon kapag alam natin masama ito to lessen the guilt.
True that :) I can fully relate to this and I hope to read more from you soon ha!!
Deletehehe yeah yeah. I'm just here. hehe
Deletenicely written! u got my respect sa post na ito!
ReplyDeleteso hindi mo pala ako nirerespeto dati senyor?! hahahaha
Deletecharot. salamat. salamat. nakakaantig. :)
ang effort effort ng post na ito. lols. pero sobrang nakakaamaze. pwede ka ng maging makabagong dante. :D
ReplyDeletehaha salamat lj.
Deletewelcome sa aking aparador! :)
Andun ako sa Timezone. Naglalaro ng Tekken. hehehehe
ReplyDeleteaww pasok sa huli mong posts about your anger.
Deletepero you're in heaven now. hehe
eeeh kinilig na naman ako. lol :)
hehehe pero tambayan ko talaga kasi ang arcade minsan mas inuuna ko pa kesa pagkain may pambili lang tokens LOL
Deletehahaha namiss ko na rin mag-arcade. jusko bet na bet ko ang house of the dead keme ba yun? basta yung babarilin ang mga zombies. haha fuuuun!
Delete