Friday, November 29, 2013

free wi-fi

"so matagal ka na sa grinder?"

para kang nakarinig ng mura.

"wag ka ngang maingay!" suway mo sa'kin.

pakiramdam ko, isa kang librarian at nahuli mo akong nag-iingay. natatawa ka pang lumilingon sa paligid, tila nagdadasal na walang nakarinig sa sinabi ko.

natawa lang ako. "ang paranoid mo." sabi ko na lang.

hindi ka kamo out. ang nakakaalam lang na ganyan ka ay ang mga taong minimeet mo simula nung nagsimula ka nung september sa grinder. bilang pa sa mga daliri ng kamay at paa ang mga kinita mo... ako, lagpas lagpas na.

"pero hindi lahat nun may ano ha..." mabilis kong bawi, hindi natin masabi ang mga salitang bakla at sex, para tayong nasa simbahan.

"hindi naman yun lang ang habol mo kapag nakikipagmeet ka di ba?"

"depende sa kausap. syempre kung yun ang gusto bat naman ako tatanggi?" natawa ka na lang. ikaw kasi umaabot pa ng dalawang linggo o ilang kitaan pa muna bago may mangyari sa inyo ng mga nakikilala mo. at lima dun ang masasabi mong naging kaibigan mo... with benefits syempre.

hindi na mainit ang gravy sa buttered chicken. sabi mo mas masarap yung chicken na walang gravy. totoo nga. nagsign of the cross ka bago ka kumain. nahiya naman ako, pansamantala akong natigil sa pag-chibog sa manok.

ako lang ang nakilala mo na out sa maraming tao kumpara sa mga nameet mong iba.

"hindi ako naghahanap ng boyfriend kasi ang kumplikado."

"eh sa ginagawa mo mas prone na ma-inlove ka sa mga minimeet mo."

kasi naman, kinikilala mo pa. parang yung ginawa natin nung tuesday: kumain, mahabang kuwentuhan, may tsansang masilip ang pagkatao.

"bihira ba yung namimeet mo na ganito?"

"oo. kasi alam ko naman ang hanap ng ibang tao run... gusto lang nila ng free wi-fi."

natawa ka ulit. wi-fi na kasi ang naging codename natin sa sex. "masaya naman na kaibigan mo na may free wi-fi ka pa di ba?" dagdag ko pa.

kilala mo ang sarili mo. pinili mo na agad ang kinabukasang mag-aasawa ka at magkakaanak.

"...pero hindi ko rin masabi. pero ayoko talagang magkaboyfriend."

"alam mo kapag dumating wag mong hayaang umalis, may iba, ang tagal naghihintay pero hindi dumarating. enjoyin mo lang." sabi ko sa'yo.

"parang ang expert mo ha? hindi ba nbsb ka nga."

nagtawanan tayo. "eh ako kasi secured sa sarili ko na gusto ko 'to." depensa ko naman. umayon ka. ikaw kasi nga, hangga't maaari hinding hindi ka tatandang bakla. sabi mo nagkakagusto ka rin sa babae. pinagdudahan kita.

"baka pinipilit mo lang."

"hindi. may feelings talaga."

tumango ako. "e di good for you."

sabi mo ako naman ang magkuwento. bihira sa mga nakakameet ko sa grindr na sinasabi ko kung saan ako nagtratrabaho at iba pang personal na detalye, pero sinabi ko sa'yo. kung ikaw may limang tao na naging kaibigan sa grindr ako dalawa.

alam mo rin na yung isa run, mas matagal pa yung dirty talk namin kumpara sa kuwentuhan pero yung isa naman mag nag-open sa akin at tinalakan ko pa dahil may isang tao siyang gustong i-win over pero pinili niya sa akin makipaglaro minsan isang gabi.

ubos na ang buttered chicken.

pero may panibagong ulam tayong nakita paglabas natin sa parking lot. may poging lalaki na nag-aasisst ng isang kotse. nagkatinginan tayo. sa mga ngiti natin sa isa't-isa nagkaintindihan na tayo. pagpasok natin sa kotse mo, nagtawanan tayo dahil sa pogi.

akala ko uuwi na tayo pero pinatugtog mo lang ang radyo sa kotse mo habang nasa parking lot tayo. pinagchismisan natin si pogi at yung matandang kasama niya na mukhang beki. pinaniwala natin ang ating mga sarili na tatay niya yun para lang hindi tayo mainggit.

...natawa ako sa boyband playlist mo. natawa ka rin.

"kumakanta ka?"

"oo pero ayaw ng kanta sa'kin."

kumanta ka. okay naman ang boses mo. sumabay ako.

"okay naman ha?" natawa tayo kasi alam nating hindi.

kinuwento mo sa akin ang mga nameet mo. yung una na muntik muntik ka nang ma-inlove. kung paano siya humiling ng halik. kung paano niya hinawakan ang hita mo at sinabi kung tinitigasan ka ba. dinemo mo nga sa'kin e.

"wag mong gawin sa'kin yan!" sabi ko naman.

"bakit tinitigasan ka ba?" hirit mo.

"oo!" nagtawanan tayo. kasi sabi mo tinigasan ka rin nun.

malalim na ang gabi. kailangan mo nang umuwi dahil may trabaho ka pa.

"ihahatid kita sa inyo? unless ayaw mong makita ko ang bahay mo..."

hindi ko alam kung bakit hinayaan ko lang. dati hindi ako pumapayag.

"okay lang. unless serial killer ka or stalker." natawa ka ulit.

"gwapo lang ang mga serial killer... kaya hindi ako serial killer!" biro mo naman.

tumigil tayo sa harap ng tinitirhan ko. tumingin ako sa'yo.

"so isasama mo na ako sa lima mo?"

"oo. okay ka naman." napangiti ako sa sagot mo. pero may baon ka rin palang tanong...
"e ako ba isasama mo na sa dalawa mo?"

"pwede. kaso dalawang linggo pa muna di ba?"

natawa ka ulit.

hinintay kong makaalis ang kotse mo.

pagpanik ko sa bahay, binuksan ko ang grinder ko, nakita ko ang profile mo.
pinindot  ko yung star.

minsan talaga hindi rin masaya na lagi na lang free wi-fi.

13 comments:

  1. Aw, I miss having a grindr acct. Ahaha. I met a genuine friend thru that. Kaso paranoid din ako ng konti makipagkita dun kaya ang ginagawa ko noon. Biglaang short meetups, kapag trip ko may second time pa. Longer pa. Anyway, good for u may nakilala kang tulad nya from the sea of profiles with bare chest pics. Hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. sinabi mo pa. haha pero syempre hindi pa natin alam.
      isang beses pa lang naman kaming nagmeet.

      pwedeng polite lang siya na sinabi niyang kasama na ako sa lima nya... pwedeng totoo talaga... pwedeng hindi...

      sabi nga hung character na sinulat ng boss ko sa isa niyang film, "minsan mahirap na ring umasa sa pag-asa."

      hehe

      Delete
  2. Late bloomer ata yan ah? Aba, hindi pa yan nabe-break. *ehem* Seth, ikaw na bahala diyan kay Mr. Free Wi-fi. *hahahahahaha*

    ReplyDelete
  3. HAHA AT ALL CAPS TALAGA. I'M FINE NAMAN. DI NA KO NAGBOBLOG HOP EH.. PRANG DIARY NA ALNG BLOG KO. KUNG SINO MAPUNTA KERI LANG KUNG MAGBASA SILA. LOL

    ReplyDelete
  4. wow sobrang belated naman yun kuya dave. hahahaha

    yes yes show. :)

    ReplyDelete
  5. this is a very interesting story. I met my partner sa Grindr. We've been together for almost a year na :)

    nakaka inspire magblog. thanks.

    - DK -

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow buti ka pa DK. hehe. go mag-blog ka. hehe masaya. :)

      Delete
    2. Yep. I am looking forward to your stories. :)

      Btw, bakit ganun do nagaappear comments ml sa blog ko dk? Di ako mkpagreply

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...