Monday, December 9, 2013

seven years ago

humigit kumulang isang buwan na ang nakararaan mula noong salantahin tayo ng bagyong yolanda. napakadepressing at umabot pa sa puntong ayoko nang magbasa at manood ng balita at mag-log on sa social networking sites dahil sa kanegahan ng balita.

mas lalo tuloy namagnify ang mga pinagagawang kababuyan sa ating gobyerno na pumutok lang nitong agosto. what if napunta sa tama ang mga perang ninakaw ni napoles at ng mga kasabwat na pulitiko, magiging ganun din kaya kagrabe ang magiging epekto ng yolanda? im sure hindi. mas napaghandaan natin sana ito.

ito na ba ang tunay na end of the world at hindi ang nasurvive natin na 2012? baka dala ng 2012 bug kaya a year ago naisipan ko nang tuparin ang isa sa mga gusto kong gawin... ang magpatat! ewan. YOLO levels lang. siguro yung highschool self ko will not approve pero ang 25 year old self ko that time doesn't care. haha

last year din nung pakiramdam ko nawala ang isang malaking bahagi ng childhood self ko. my family decided to leave cabanatuan after 20 years. seeing the post again makes me feel sad.

kaya kung aalis man ako, i will always go back to my home, my pin as. actually maraming nangyari pala sa aking life changing last year. 2012 din ang unang out of the country trip ko noong pumunta kami ng barkada ko sa singapore! this year we went to cambodia and thailand. nakapagside trip pa sa hong kong. :)

two years ago naman i tried fulfilling my dream na mag-MA! it was an exciting experience  pero dahil na rin sa work at dahil sa pagkakasakit ko hindi ko na rin siya naasikaso. huhu.

three years ago tumambling tayo at pumalakpak sa dalawang higanteng balita: ang muling pagta-top ng philippines sa miss universe at ang nakakahiyang manila hostage crisis.

four years ago, hindi ko inasahan na makakasama ako sa premyadong programa na napapanood ko lang dati. grabe. ang amazing lang. pero ang programang iyon ang naging susi para maabot ko ang mga pangarap ko. :)

five years ago natakot ako sa kantang kapag tumibok ang puso dahil sa trabaho at ang struggle sa paghahabol sa aking pangarap. mabuti na lang naging karamay ko ang blog na ito upang ilabas ang aking saloobin at limang taon na nga ang nakararaan noong una akong maka-100 post. 

hindi rin ako makapaniwala na limang taon ang lumipas mula noong naghanap ako ng trabaho at nakipagsapalaran sa mga job interviews at hindi rin ako makapaniwala na pinapangarap ko lang noon, ang trabaho ko na ngayon.

at syempre ang higlight ng 2008 ko ay ang aking pagtatapos sa pag-aaral. grabe five years ago na pala yun? ang tanda ko na! lol

six years ago na pala nung nagkudeta si trillanes? akalain mo senador na siya ngayon! and that time i was in my last year sa college. na ang issues ko lang sa blog ko nun ay school, college org ko at kung ano ang ibla-blog. hay i miss those days na mas inspired at i think mas natural pa ang aking mga post. and i believe iyon ang golden age ng blog ko kung meron man kasi mas carefree pa ako nun. mas hindi jaded sa buhay. haha. mas gusto ko actually ang mga post ko nun.

and this exact same day, seven years ago pinanganak ang blog na ito.  shet. actually ika-apat ko nang blog ito. ang una ko ay sa livejournal (kinilabutan ako nung makita ko pa siya. shet. i feel so old. ang laman nun mga wrong grammar post about college life. haha), xanga (na nagexpire na yata yung blog ko di ko na makita. lol) at multiply (na sadly nagsara na. :(.) hindi pa kasama diyan ang pagsusulat ko nun sa aking talaarawan at ilang diary nung bata ako. haha

hindi ko inisip na tatagal ang pagblablog ko. ilang beses ko ring inisip na itigil na ang pagsusulat dito. pakiramdam ko kasi wala na namang nagbabasa, walang inspirasyon at wala namang may pakialam kasi nawala na yung mga bloggers na kakilala ko dito dati (well ang masaya may mga bago na akong kakilala. :)). hindi na sila bumibisita. hindi na sila nagcocomment. ganyan. akala ko dati ang sukatan ng magandang post ay kung may nagkumento. o kailangan kong magpost para may magcomment.

hanggang sa naisip ko, hindi naman ako nagblog para sa ibang tao in the first place. nagbla-blog ako para sa aking sarili.

kaya naisip ko ba't ako titigil? kahit pa ilang perennial love woes. (as in.  (na i was looking for love na pala)
jusko hindi na ako natuto inay.pa yan o ilan pang bagyo ang dumaan hinding hindi ako titigil magblog. may magbasa man o wala.

magpopost pa rin ako at magsusulat ng kahit na ano like random musings from teleserye-ish reality , to confused post na kailangan pang i-highlight (haha) hanggang sa taong masasarap saktan. haha

dahil sa blog na ito nasisilip ko ang kasaysayang nasaksihan ko at kinabibilangan ng aking ginagalawang lipunan, yung mga pangarap na ninais kong abutin at tinupad at mga bagong pangarap pa na aking bubunuin. masayang balikan ang mga year-ender posts (2012 2011 2010 2009 2008 ok wala nung 07 lol)  na nagbigay kulay sa aking buhay.

at higit sa lahat sa pagblablog mas nakikilala ko ang aking sarili, mas nababalikan ko ang ako na hindi ko inakalang ako pala o ang ako na hindi ko lubos naisip na kahahantungan ko.
(taray best in gamit ng ako at ko. lol)

sa bawat post, mababaw man o pa-deep, walang kwenta man o may ganap, mas lumalalim ang pag-unawa ko sa aking sarili...

...sa mga kalansay na nilalagay ko sa aking aparador.



16 comments:

  1. maligayang kaarawan sa blog mo!

    isang taon lang ang tanda ko sayo. hehe

    ReplyDelete
  2. trarush ng travel... puro out of the country... inggetero much lang nyahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. uy hindi ah. syempre ineexplore ko rin ang ating bansa. ehehe fave ko ang coron. :) uber ganda. hehe

      Delete
  3. huwaw... ikaw na! legendary sa mundo ng blogging... hehehe! may u have better years ahead!

    ReplyDelete
  4. happy bday to ur blog. :)

    ReplyDelete
  5. Marami pa akong kakaining bigas bago maabot ang level nyo. *hehe* Di na ako babati, kasi alam mo namang happy ako at nagsusulat ka pa din. I-celebrate na lang natin yan ng kain! *woohoo!* ;)

    Enweys, di pa ako tapos mag-backread! Uubusin ko pa lahat ng post mo hanggang sa latest. Ang dami nyo kasi eh... Seth, Mamon, Space, Gillboard, Rix, FSOQ, etc... *whew!* Blogworm lang? *haha* New word! :P

    ReplyDelete
  6. nyek. haha woooh pakain ka naman! (ang naughty pakinggan!) haha

    naku sigurado ka ba talaga sa balak mong magbackread?! baka masayang oras mo. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkainan daw ba? *hahaha!*

      Oo, seryoso akech. :P

      Delete
    2. hihihi sarap magkainan. nyahaha

      anyway... shet. haha yun na lang nasabi ko. lol

      Delete
  7. Clap clap sa tat! Gusto ko ding mag pa tat pero kulang pa sa yolo thinking :)

    Anyways, happy blogsary! More happy years to come sa iyong blog! Yoohoo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat naman zaizai. hehe



      cool ang tat!!! hehe i want one pa nga e.

      Delete
  8. More years to come :) I sure hope my blog can eventually reach its prime like yours. Keep on blogging ah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo yan! hehe just keep on writing.

      parang nagpasahan lang tayo ng advise. hahaha

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...