sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako magsisimula. sorry dahil nangyari na ang nangyari? patawad dahil hindi ko naman ginusto ang naganap? ngunit alam kong hindi sapat ang paghingi ng tawad sa lahat. kahit magsorry siguro ako nang paulit-ulit ay hinding hindi niyo pa rin ako mapapatawad.
at tanggap ko yun.
naiintindihan ko kung bakit kayo galit... sa totoo lang, mas alam kong dahil sa nangyari, lumipas na rin ang galit. mas dama ko ang pait. ang pighati. iyon ang mas masakit sa akin.
mas gugustuhin ko pang magalit na lang kayo sa'kin. burahin niyo ako sa kasaysayan. kalimutan ang aking pangalan. murahin. pero alam ko, hinding hindi niyo ako makakalimutan...
ako rin, hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari. kung pwede lang sanang ipikit ang aking mata para hindi na makita ang pagdurusang ginawa ko. kung pwede lang sanang mabingi ako sa mga pagtangis na aking hinatid... kung pwede lang sanang hindi na lang ako nabuo. kung pwede lang sana...
ngunit gaya nga ng sinabi ko, nangyari na ang nangyari. lumuluha ako habang ako'y lumalayo. sinubukan kong magmadali. mas paigsiin ang sumpang aking idudulot... pero kahit anong gawin ko, mabilis man... o matagal... dadaluyong pa rin ako. mananakit. at wala pa ring kapatawaran ang aking ginawa.
gusto kong iligtas ang batang nahiwalay sa kaniyang magulang...
gusto kong makitang nakatindig ang tahanang nagbibigay proteksyon sa nakasilong na pamilya..
gusto kong patahimikin ang mga nakapangingilabot na hangin...
gusto kong patilain ang nangangalit na ulan...
gusto kong pigilan ang malalaking alon...
gusto kong bumalik sa dagat...
ngunit kay hirap pigilan ng sarili. wala akong magawa. isinilang akong ganito. hindi ko man ito gusto, ito naman ang aking masaklap na pagkatao... sa kalagitnaan ng madaling araw, ako'y kung tahimik na umiiyak. bakit ko ba kasi ito ginagawa?
alam ko... kahit kitilin ko ang aking buhay, hindi ko naman maibabalik ang mga nawala. kahit tapusin ko ito, wala naman mangyayari...
sa aking paglayo, naririnig ko pa rin ang inyong pagtangis na dumudurog sa aking nawawalang puso. gusto kong malaman niyo na habang ako'y palayo, hindi ako makalingon... dahil kahit ako, hindi ko kayang makita ang bakas na aking iniwan.
tama lang ang lumayo.. patungo sa mas malalaking kalupaan... dahil alam ko
kapag pumunta ako sa kalupaan, unti unti akong manghihina...
mamamatay...
kulang pa marahil ang kamatayan para maging kabayaran sa aking nagawang kasalanan. pero mas gugustuhin ko na lamang maglaho sa mundong ito kaysa habang buhay multuhin ng mga panaghoy na ako rin naman ang may kagagawan...
sa aking pagkawala, alam kong nabago ko na ang inyong buhay...
...pero sa aking paglisan, isang bahag-hari ang guguhit sa maliwanag na kalangitan.
yolanda
Kinilabutan ako!
ReplyDeletehay naghahalo halo na rin ang pakiramdam kapag napapanood o nababasa ko ang news. siguro magandang umiwas muna ako sa balita. ang depressing kasi... though gusto ko pa rin syempreng malaman ang mga update. im so torned. howell...
DeleteIsang napapahong post na di tulad ng iba. Grabe, unique ka talaga mag-isip Kalansay. Malungkot ang content pero napangiti ako sa concept. Sorry ang sama ko yata. :(
ReplyDeletewell depende sa kahulugan nung ngiti but im sure you mean no harm. or pwedeng napangiti ka kasi alam mong wala na si yolanda. ganyan.
Deleteanyway salamat sepsep. hay nag sad lang nung balita. sabi ko nga kay javes ang hirap ng manood at magbasa ng balita.
Basta I love this post. Sana meron ding suicide note si Napoles. :P
Deletehaha well wala siyang suicide note. kasi itutumba ko na siya. charowt. hehe
Deletemahusay mahusay... im so............ speachless...
ReplyDeletesalamat phowz!
Deletenyahaha bakit naging jejemon? lolz. dinugo ka sa sariling obra? ahaha joke lang. Kung sa scholl paper ulit ilalagay ang sinulat mo benta ito for sure..
Deletelumalabas lang ang tunay na kulay sa pagka-jej. choz. haha
DeleteWow ha.. This kind of scared me at first pero yeah im pretty moved by how the flow of this note was written ;) Nice ka haha
ReplyDeleteaww thanks simon.
DeleteDear kinginang Yolanda,
ReplyDeleteNaiitindihan ko ang iyong nararamdaman at alam kong wala kaming karapatan para sisihin ka sa ngyari dahil isa ka rin sa gawa ni Papa God dito sa HG 1/144 model nya. Pero gusto pa rin kitang murahin at sabihin sa sa iyo na SHAMELESS PUTANG INA MO WITH FEELINGS. (caps lock para intense)
Sa dinami dami ng matatargetan mo ay bakit Pilipinas pa? Paki explain. Hindi naman sa "It's more fun in the Philippines" para gawin mo ito sa aming bansa. We don't deserve this.
Pero buti na lang talaga at hindi ka nagkatawang tao at hindi mo rin nakilala si Korina.
Hiling ko lang, sana wag ka na maincarnate, tama na ito. Pero kung hindi talaga maiiwasan na maincarnate ka uli, pakiusap, pwede hanggang signal number two lang? yung tipong ayos sa olrayt lang? yung tipong pagbigyan lang kaming walang pasok? Yun lang.
Your hater,
Pareng Cyron.
shet patay na si yolanda hindi na siya makareply. haha
DeleteOMG kinikilig ako ng slight ngayon. yung poker face para hindi halata dahil sa reply mo.
omg.
okay nakarecover na ako.
pakitali na lang daw sa lobo ang message para kay yolanda.
at oo hindi na siya marereincarnate dahil ayon sa lumang batas ng pag-asa na dati ay may standard names para sa bagyo, hindi na nauulit ang pangalan ng bagyo lalo na kung tumatak ito.
*fist bump* tol!
natigilan naman ako dito.... napipi ako.... pero maaayos ang pagkakasulat....
ReplyDeletekeep on posting....
salamat. uy salamat din sa pagpasok sa aking aparador. :)
Delete