kaya hindi rin naman nakagugulat kung mahilig ako sa pelikulang horror. at isa na nga sa pinoy horror film na bet na bet ko ay ang shake, rattle and roll (srr). napanood ko ang lahat ng episodes nito mula baso sa pinakaunang pelikula na pinalabas noong 1984 (syempre sa tv ko na ito napanood no!) hanggang sa unwanted sa part 14 na last year lang ang showing. may mga taeng episodes pero syempre meron din mga tumatak!
dahil walang srr nitong taon sa metro manila film festival, namiss ko naman ang nasabing film franchise (though boto naman ako sa pananahimik muna nito this year. hehe) naisipan kong balikan ang sampung pinakapaborito kong episodes mula sa favorite hanggang sa most favorite!
at simulan natin ito kay ate...
10. ate. shake, rattle and roll iii (1991)
starring: janice de belen, gina alajar, joel torre, armida siguion-reyna, subas herrero, inday badiday, pen medina
![]() |
| fresh pa ni ate janice. |
tungkol ito sa dalawang magkapatid na hindi nag-uusap ng matagal na panahon pero one time biglang nabalitaan ni janice na namatay ang kaniyang ate na si gina alajar. so may i gora naman siya sa kanilang probinsiya... but wait si ate wala na sa ulirat! kumakain ito ng lupa (na gawa sa brownies! yum.) at zombie-like ang kilos. boom. naging member pala ng kulto si gina na pinamumunuan nina subas at armida na bumubuhay ng patay.
i love it! though nung pinanood ko ito ulit nakatulugan ko siya... twice. lol pero still one of srr's best eps.
9. tulay. shake, rattle and roll vi (1997)
starring: matet de leon, aiza seguerra, tom taus, ara mina
![]() |
| hello raw sabi ng mata ni tom taus. |
hindi matahimik ang kaluluwa ni tom taus at binibiktima ang mga dumadaan sa tulay. so to the rescue naman sina matet, aiza at ara at napag-alaman nila na dinukot pala si tom taus noon at pinatay para i-alay ang kaniyang dugo sa gagawing tulay.
well i was torned between telebisyon at tulay sa kung ano ang ilalagay ko sa 9th place. bago pa kasi lumabas si sadako, nauna nang lumabas si mr. boo sa tv para takutin ang batang si camille sa nasabing ep. pero i guess mas may creepy factor itong tulay dahil naging part ng childhood ko ang panakot ng mga matatanda na huwag maglaro sa gabi dahil dudukutin daw ng gumagawa ng tulay!
8. nieves. shake, rattle and roll x (2008)
starring: marian rivera, diana zubiri, buboy villar, pekto etc etc.
| gondong albularyo nomon niyan. |
funny and super entertaining. kaya mababa ang rank nito sa aking fave list ay dahil feeling ko lang out-of-place siya sa iba pang episode at sa timpla na rin ng iba pang kwento sa srr franchise. kahit kasi may comedy horror din na episode like kulam sa srr 2, mas lamang pa rin usually ang horror feel nito. ito kasing nieves mas fantasy at comedy and this ep merits a separate film sana.
7. pridyider. shake, rattle and roll (1984)
starring: janice de belen, charito solis, william martinez
![]() |
| mula sa "pridyider" remake ni andi eigenman. iconic ang eksena nito ni janice. click the link for the episode. |
kakalipat lang nina janice ng bahay. may naiwan dung misteryosong refrigerator na pumapatay. nadiscover niya na ang ref pala ay dating pag mamay-ari ng isang serial killer kung saan doon niya tinatago ang katawan ng kaniyang mga biktima.
wala pa ring tatalo sa unang srr at thumbs up din sa mga kritiko na ang first film ang pinaka the best sa buong series. at isa ang episode na ito ang pinaka bongga sa kanilang listahan. how creative lang na ang isang household appliance ay maging isang nakatatakot na halimaw. reportedly, noong pinalaabas daw ito noong 1984, ilang araw din daw umiwas ang mga tao sa kanilang ref sa takot na patayin sila nito. cool right?
6. lrt. shake, rattle and roll viii (2006)
starring: manilyn reynes, kimpee de leon, eugene domingo, empress, ehra madrigal
![]() |
| hindi man siya makakita, naamoy naman niya. yum daw! |
does the plot ring a bell? yes! ang ahas lang sa robinsons ang peg. edge of your seat suspense ang hatid ng episode na ito at for me, ito ang episode na nagpa-balik ningning ng franchise after nung
lackluster na 2k5.
5. class picture. shake, rattle and roll x (2008)
starring: kim chui, gerald anderson, jean garcia, erich gonzales, niña jose, eda nolan, ic mendoza and some starlilets. chos. haha
| lagi kasing nasa noisy list si kim! |
i love the gore and i must say ito ang pinaka gory na srr episode ever (though pwedeng maging ka-tie niya sa gore ang susunod na episode).
4. punerarya. shake, rattle and roll xii (2010)
starring: carla abellana, nash aguas, sid lucero, mart escudero
![]() |
| dinner is served. |
nice story, superb directing at bongga ang cinematography. fan talaga ako ni direk jerrold tarog.
3. nanay. shake, rattle and roll iii (1991)
starring: manilyn reynes, aiai delas alas, joey marquez, vangie labalan at ang
...undin.
![]() |
| surprise. |
nakuha ng kaibigan ni manilyn sa isang lake ang kakaibang slimy eggs not knowing na itlog pala ito ng undin. upang bawiin ang mga itlog, sumama ang undin sa dorm ni manilyn at inisa-isa niya ang mga taong pumisa ng kaniyang mga baby by vomitting acid to them.
ay isa talaga ito sa mga paborito ko dahil sino ba naman ang makakalimot kay undin na nasa inidoro? at impressive ang prosthetics at make up nitong episode na ito that time ha? specially yung eksenang pagkatunaw nina joey marquez at aiai! pak na pak.
2. pamana. shake, rattle and roll xiv: the invasion (2012)
starring: janice de belen, herbert bautista, arlene muhlach, empress, dennis padilla, dimples romana
![]() |
| kung siya ba ang mabubuhay na bampira papayag ka ba? |
namatay ang tiyuhin nina janice, herbert at arlene pero imbis na pera ang iniwang pamana nito, pinaalagaan niya sa kaniyang mga pamangkin ang kaniyang mga gawang comics. ang kinaloka lang nina janice ay para makuha ang inaasam na manang pera, kailangan nilang harapin ang mga tauhang nabubuhay mula sa pahina ng mga horror comics.
quirky ang episode at naaliw ako dahil cast sina janice, herbert at arlene. silang tatlo kasi ang bumida sa unang shake, rattle and roll kaya that makes this episode special! hihi at gustong gusto rito ang character ni janice na swapang at masama ang ugali pero in the end siya ang nakakuha ng mana... pero syempre with a price...
1. aswang. shake, rattle and roll ii (1990)
starring: manilyn reynes, ana roces, aljon jimenez, richard gomez, vangie labalan, anjo yllana
![]() |
| welcoming ang mga tao sa baranggay na itey. |
inimbita si manilyn reynes para makipyesta sa barrio ng kaibigang si anna. ang hindi niya alam siya pala ang gagawing handa ng buong barrio ng mga aswang.
hands down. ito ang pinakapaborito kong episode at pinakanakakatakot for me. nakakaloka ito. bokot levels.
bonus ang nakakatawang trailer na well malayo sa scary na pelikula. hahaha
***
bukod sa pagkamiss ko at wala ang shake, rattle and roll this year sa metro manila film fest, isa rin sa life long dream ko na makapagsulat ng kahit isang episode man lang. haha at higit sa lahat... iniisip ko rin kasi na ang maging costume ko sa aming high school party (na yearly may theme at this year ay iconic characters from films) ay si manilyn sa nanay episode. hahaha madali lang kasi siya. wala nga lang akong wig at hindi pa ako nakakahanap nung peg ng top niya. haha
...so thats it, ang 10 episodes na dapat mong mapanood bago ka nga katayin ng ref, o lunurin ng aquarium or atakihin ng giant christmas tree! :p
p.s.
ang mga larawan ay hindi ko pag-aari.








I LOVE THIS! Fan din ako ng horror movies at syempre ng Shake Rattle and Roll. Agreeng agree ako sa lahat ng episodes sa list mo, pati na ang number 1. Sya nga ang pinaka nakakatakot!
ReplyDeleteDahil ata dito ay ayaw ko mag overnight pag may pyesta, kung ma invite man, pag palitin ko ang inumin naming ng friend ko ng sya ang mapatay at malapuk ng mga aswang hehe :)
Maganda din ung nasa ospital tapos kinukulam sila ng doctor, sina Aiko at Joey Marquez ata andun. Kulit lang :)
haha zai! true ang classic hung palit inumin scene. haha
Deleteyan yung kulam episode. sa part 2 yan. si carmina kasama ni joey marquez hindi si aiko. si aiko sa madre episode lumabas sa part 4. hehe shet ako na ang kabisado! haha
ay bat wala yung kay ruffa, camille tsaka kay kris magaganda din yun e
ReplyDeleteWeird ba na may mga parts sa post na ito na sarcastic? lol
Deletehahaha eh mas fave ko yung mga yan. haha yung kay ruffa yung engkanto ep sa srr 5 ba? tas si kris yung yaya ep sa srr 3 actually sapat lang siya for me. haha yung kay camille na tv sa srr 5 bet ko rin naman sad nga lang kasi it didnt make the cut. hehe
Deletehindi weird na may mga sarcastic part. nyahahahaha
I've never been a fan of SRR pero I did see the first 5 SRR and I agree with your number 1 choice (as if naman important na mag agree ako noh?)
ReplyDeleteAnyway, isang malaking THANK YOU for this post dahil it got me curious about the franchise. Curious enough that I just finished watching all SRRs including last year's entry. Nag enjoy ako. Thanks.
talaga anon tinapos mo lahat? haha
Deletewell hindi maganda yung 2k5, srr 9, srr 11 (na for me pinakapangit sa lahat! haha) at yung 12 ang saving grace lang ay ang punerarya ep. hehe
pero buti't nagenjoy ka. :)
Yup, nagenjoy ako hehehe pero I agree with some of the comments here na the best pa din talaga ung mga luma. Though medyo hindi na ganun kalakas ung dating nya kagaya before dahil parang nakakatawa na ung effects compared to lugaw, but if you look at it during their years, astig talaga sila
DeleteHahaha i agree rin naman na mas magaganda talaga mga nauna. I guess technology fucked the series up. Haha
DeleteHaha. Kinilabutan ako while reading this sa pantry.
ReplyDeleteAko nmn not a fan of horror stories.duwag ako. But ive watched some and i found lrt as my top favorite sa lahat ng napanood ko. :)
nakakatuwa yung kinilabutan ka sa baklang pagkakasulat pa ng mga yan. haha
Deletepanalo nga ang lrt. intense! hehe
I hate u. Haha. Duwag e. :))
DeleteOo nga e. Sakto lang nmn takot ko sa shake rattle amd roll pero grabe talaga yang lrt. :))
Nyahaha ang sarap mo sigurong takutin! Lol
DeleteUtang na loob wag po. Haha.
DeleteMay mumu sa pantry niyo alam mo ba yun? Hahahahahaha :p
DeleteI hate u. :))
Deletei loved this post. hindi ko man nasundan yung series... pero marami akong napapanuod na pinapalabas sa cinema one.
ReplyDeletepero alala ko pa rin til now yung undin, aswang, pridyider. classics.
hihi sayang. panoorin mo yung ibang mga bago may magaganda naman at nagstastand out. :)
DeleteDi ako mahilig sa SRR series post-2000. I find it jologs. *hehe* Pero gustong-gusto ko yung early SRR movies. Sa list mo, ang naalala ko lang ay yung #9 Tulay, #3 Nanay, at #1 Aswang. :P
ReplyDeleteNuong bata ako, takot ako sa inidoro dahil sa lecheng Undin na yan. *hahaha*
hehe jologs ako eh! hahaha pero yeah mas maganda talaga yung mga luma compared sa mga bago pero i think may mga nagstastand out naman na mga episodes sa mga latest installment though may mga chaka talaga. haha yung nakakabwisit sa kachakahan like yung 2k5, 9 at lalong lalo na ang 11. haha
DeleteAyaw ko rin kasi masyado i-tolerate ang MMFF. Lalo na yung mga ginagawang movies para perahan lang ang mga tao... :|
DeleteHahaha well actually yan naman talaga ang objective ng big studios, ang kumita pero ang sa akin lang okay lang akong magbayad para sa kanila pero dapat worth it yung pera ko. Kasi naniniwala rin ako na hindi ibig sabihin ng commercial o ng mainstream ay pangit so dapat bigyan nila ako ng pelikulang worth my time and money. Haha
DeleteAgree @geosef
DeleteHindi ganun ang case sa Enteng series eh. *hahaha* Yun ang literal na holdap sa sinehan.
DeleteWell, since SRR fan ka, I believe you. At least, napabago mo ang opinion ko sa post-2000 SRR movies. :3
Ugh. Enteng? Ugh. Naghinayang ako sa pera ko nun. mali kasi nabili na ticket namin nun kaya ang ending ung si enteng si agimat at si ako ung nakuha namin. Ang pangeeet
DeleteHahahahahaha sa enteng!
DeleteWell ok pa rin naman sepsep kung tae o jologs pa rin tingin mo sa SRR if ever mapanood mo yung mga post-2000 (na sabi ko nga oo may jologs at taeng ep pero di lahat! Haha). Keri lang naman. Jologs lang talaga ako! Hahaha
I'll go for pridyider, Nanay, LRT at aswang..
ReplyDeleteSuper iconic ang pridyider, aswang at nanay ahahaha.
May isa pa yung kasama si alma moreno tapos, aiza siguerra at manilyn reynes bongga yan lolz.
Madalas na charcter sa SRR ay si Manilyn, Janice at si Aiza ahaha darling ata sila ni Mother Lily lolz.
Haha rix hindi shake, rattle and roll yung kasama si alma moreno. Ibang film yun. Aswang ang title. Maganda rin yun hehe
Deleteay hindi ba? hindi ako na inform... wala ako narecieved na email ahahaha.
DeleteHehe may memo ka na raw sabi ni mother lily.
Deletehala bakit? ahaha :D
Deleteawwwww.... nostalgic ang SRR sa ating childhood... may mga flod na storylines pero may mga havey din talaga... da best ung kay manilyn and ana roces! ever since, hindi na ako namimyesta sa province ng friends!
ReplyDeletehaha sinabi mo pa senyor! intense talaga yung ep na yun. grabe lalo na yung smooth na pagglide ni vangie labalan sa bintana! creepy! hehe
Deleteyang Aswang episode nina manilyn at ana roces ang paborito ko! as in hindi ko yan makalimutan. too bad lang na i cant find a copy
ReplyDeletesa quiapo mac! gora ka pagbalik mo. hehe
Delete