ako ang katabi mo habang ginagamot ka sa ospital.
ako ang unang nakinig habang pinapaliwanag mo sa akin ang iyong ginawa.
sabi mo, hindi mo siya ginahasa.
naniniwala ako sa'yo,
kasi mahal kita.
ako ang naglalanggas ng mga sugat mo sa gabi habang dumadaing ka sa sakit.
hawak ko ang kamay mo habang paulit-ulit mong sinasalaysay sa media ang iyong sinapit..
sa iyong laban, hindi kita iiwan,
kasi mahal kita.
ano kaya ang iniisip mo bago ka pumunta sa condo niya?
iniisip mo ba ako? excited ka dahil makakalaro mo siya?
noong bugbugin ka, naalala mo ba ako?
hindi ba sumagi sa isip mo na baka ako pala ang may sala?
nalaman ko ang kataksilan mo, inutusan ko silang gulpihin ka...
gawing asul at itim ang balat mo gaya ng puso kong bugbog na.
saktan ka, dahil labis labis ang dusa ko kapag alam kong nambababae ka..
hindi ba ako naman talaga ang tunay na biktima?
masisisi mo ba ako?
pero gustuhin ko man na akuin ko ang kasalanan,
gustuhin ko man na pagtawanan ka dahil sa karma,
hindi ko magawa..
kasi mahal kita.
***
ito ay kuwentong fiction lang na nais tignan mula sa mata ng non showbiz gf.
Alam mo soya tlga ang kawawa sa nangyari ako gf niyan ako puputol ng putotoy niya lols
ReplyDeletenakakaloka no? naawa nga ako sa kaniya. sabi ko nga kung ako yun, fine susuporta ako pero once na gumaling na siya, break na kami.
Deletemaganda ang metáfora na ginawa mo dito sa itong poste!!
ReplyDeletesalamat zero journal. welcome sa aking aparador. :)
Deletebaka kasi mahal nga talaga... ng sobra...
ReplyDeleteay sinabi mo pa virkky. hehe
DeleteGaling galing talaga oh. Pa-kiss nga! *smooch!* :)
ReplyDeletesalamuch. hihi
Deletemwah mwah mwah with tongue. lol
parang napapanahon...
ReplyDeletepupunta ka din ba sa condo na may dalang food? kems
Bwahahaha truth. Bulalo dadalhin ko.
Deletepush harder lol ahaha.
Deletehaha true wag sumuko. lol
DeleteWow!!!
ReplyDeleteSalamuch jm! :)
Deleteawwww... chrew love!
ReplyDeleteNomon!
Deletewow ang galing lang. I asked the same questiions when I was in her shoes a long time ago. napaka nostalgic hehehe...
ReplyDeletethanks jeki. ayan tama hinala ko, nasa spam yung comment mo. hehe sinasabotahe ka ng blogspot. lol
DeleteLove and more love!
ReplyDeletespread the love. hehe
Deletenawala na naman comment ko. sadness ampf.
ReplyDeletewhen I was in the situation described above, I decided to stay beside the one I love. Kahit masakit. because no matter how painful it was that time when I asked those very same questions, mas masakit at mas malungkot ang mawala sya sa buhay ko.
owdibah! ang drama lang. lelz
taray may pinaghuhugutan jeki? chos. haha
Deletenapupunta sa spam comments mo! weird.
friends of the girl do not approve that she's staying. a friend even said, "kung puwede lang, tutuluyan ko na si vhong eh!" ambait lang kasi noong girl. plus oo, mahal niya talaga si vhong.
ReplyDeletemukha nga. kasi baka hindi pa nya iwan kahit after at baka nga naman titigil na si vhong mambabae after nito.
Delete