Sunday, February 9, 2014

so many questions (but the answers are so few)

paano kung paggising natin kinabukasan, tanong na tayo nang tanong? anong una mong itatanong sa unang taong makakasalubong mo na sinalubong ka rin ng tanong? paano kapag sumagot ka? ikamamatay mo ba ito kasi bawal sagutin ang tanong at dapat tanong din ba ang sagot? paano nga?

paano kung matatanong mo na ang diyos? ano ang mga itatanong mo sa kaniya? bakit ka niya ginawang bakla? bakit asul ang langit? paano niya ginawa ang mundo in scientific method? totoo ba ang atlantis at ang bermuda triangle? nasaan na si amelia earheart? paano siya nakikinig ng dasal ng mga tao? paano siya nagdedecide kung sino ang mamamatay ngayon? yun mga baby ba na hindi pinapanganak glitch sa kaniyang system? totoo kayang malas at swertehan lang ang buhay?

bakit inaasa ng mga tao ang kaligayahan nila sa #100happydays sa internet? ano kaya ang mangyayari kapag nakamiss sila ng isang araw? hindi na kaya sila magiging masaya? bakit mahilig nga ba kasi tayong iasa ang kaligayahan natin sa iba? mabibigay ba talaga ito ng pagkakaroon ng boyfriend? liligaya ka ba kung 1000 ang friends mo sa fb? magkano ang halaga ng iyong kaligayahan? ano ang tunay na magpapaligaya sa iyo? nasaan na nga ba ang fountain of youth? magagawa nga kaya ang sorcerer's stone ni alexander flamel?

saan nagtatago ang mga diwata at engkanto kung nabubuhay sila dati? nagdadiet na nga kaya ang mga aswang kaya hindi na sila nakikita ngayon? sino kaya ang tunay na baliw sa kanta ni kuh ledesma? bakit ang mga relihiyon nagsheshare daw ng god's love pero nagpropropagate din sila ng hate gaya ng anti-homosexuality? bakit hindi makuntento ang mga tao? sino kaya ang dapat sisihin sa pagbaha sa maynila?

sino kaya ang unang sirenang lalantad sa mundo? ano kaya ang salita ng mga mermaid? kilala kaya nila si ariel? bakit may mga tanong na walang sagot? hanggang kailan kaya tatagal ang labanang vhong, deniece at cedric? makukulong kaya si janet napoles at ang mga corrupt na kasamahan? bakit kaya tuluyang bumaligtad si benhur luy? kinulang kaya ang padulas sa kaniya kaya tuluyan na rin siyang kumanta?

kung hindi kaya nag-martial law, mas mayaman na kaya tayo sa japan ngayon? paano kung ang sumakop sa atin noon ay mga briton? hanggang kailan kaya ako magtatanong ng walang kwentang bagay? kung ikaw ay isang tanong anong klaseng tanong ka? bakit kaya sa pilipinas ako pinanganak? bakit  kaya ako maganda at ilusyunada at the same time?

sino kaya ang mananalo sa 2016 presidential elections? ano kaya ang kinabukasan ng pilipinas? sino kaya ang may kakayahang sumagot ng mga tanong na ito? paano nanganganak ang kisses kung wala naman siyang pepe? hotdog pa rin kaya ang hotdog kapag malamig na? gaano kalayo ang dagupan sa mars?

paano kung ang mga tanong ay wala talagang kasagutan?

paano kung gawa gawa lang natin ang mga sagot para mapaniwala lang ang ating mga sarili?


20 comments:

  1. "bakit mahilig nga ba kasi tayong iasa ang kaligayahan natin sa iba?"
    - bakit nga ba kasi tayong nahihirapan maunawan na ang kaligayahan ay nakasalalay sa atin, kung ito lamang ay ating pipiliin?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano nga kaya ang dahilan kung bakit pinapakomplika natin ang mga bagay na kung tutuusin ay simple lang naman?

      Delete
  2. Deep thoughts maybe it will all come to place in time..

    ReplyDelete
    Replies
    1. kailan kaya masasagot ang mga libo-libong katanungan? :p

      Delete
  3. Bakit bigla kang inasulto ng mga tanong habang isinusulat mo ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano nga kaya ang misteryong nababalot sa pag-ulan ng mga tanong? sanhi kaya ito ng global warming?

      Delete
  4. Bakit ba ang dami mong tanong huh ????? : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa tingin mo masasagot kaya ng universe ang aking mga katanungan?

      Delete
  5. sahi nga sa kanta Someday We'll Know.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kailan kaya ang someday sa kantang someday we'll know?

      Delete
  6. Isa lang ang kasagutan sa lahat: Someday we'll know LOL. Malamang sa isang sagot sa isang tanong diyan, manganganak ng mas marami pang bagong tanong...

    ReplyDelete
    Replies
    1. bakit kaya likas tayong palatanong? paborito kaya natin ang tandang pananong?

      Delete
  7. ang itatanong ko lang siguro kapag dumating ang panahon na kapag gising mo pa lang eh magtatanong ka na ay

    why do birds suddenly appear everytime you are here? do you know where you're going to? do you like the thing that life is showing you? lolz

    gusto ko yang kanyang so many questions...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikaw, do you know where you're going to ba this valentines day? hehe

      Delete
  8. Genius! *haha*

    Ika nga, mabuti ng magtanong. At least, may chance kang malaman ang sagot. Hindi ka naman bibigyan ng sagot kung hindi ka magtatanong di ba? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh bat minsan kahit alam naman natin ang sagot pero tanong pa rin tayo ng tanong? hehe

      Delete
  9. Ako hindi ako matanong ! Hahaha yung tipong walang tanong tanong isubo na agad haha!

    ReplyDelete
  10. oo nga...ang dami mo ring tanong. okay na yan kesa naman maging assumerang frog ka. diba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. tunay nga bang ang mga assumera ay hindi lumiligaya? hehe

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...