Tuesday, February 25, 2014

ang huling tatlong minuto ni macario ortiz *


Sabi nila kapag malapit ka nang mamatay sasariwain daw ng utak mo ang lahat ng iyong mga alaala mula pagkabata pero ako ayoko sana sino ba naman kasi ang magkakagusto na bago pa mamatay ay mga problema at mapapait na alaala pa ang huling gunita kaya pinipigilan ko ang utak ko na ipaalala sa akin ang mga ito kaso wala naman akong magawa kahit anong pilit ko kahit anong pikit ko tila pelikulang nagsusumingit sa akin ang lahat ng mga ito simula pa noong bata ako  na nagpatuli ako high school at pinagtatawanan ako ng mga kababata ko dahil binatang supot daw ako ang kaso kamo ano nga namang magagawa ko e mahirap lang kami at noon lang nagkaroon ng libre tuli sa bayan uunahin ko pa ba ang burat ko kaysa sa pangangailangan ng aking mga kapatid kaya nilunok ko ang lahat e ano naman wala silang pakialam basta dapat unahin ang kalam ng tiyan kaysa  ang pagkawala ng kupal e kaso kahit anong sakripisyo ko at paghihigpit ng sinturon hindi pa rin nakatapos ang aking mga kapatid na babae dalawa sa kanila nag-asawa ng maaaga at sabi nga ng ama hindi naman daw kailangan ng diploma ng mga kapatid ko dahil aasawahin lang sila totoo nga naman wala pang disiotso ang pangalawa namin buntis na ang bunso ganun din kaya mas lalo kaming nasadlak sa kahirapan dahil pati mga anak nila samin umaasa e anong mapapakain ni ama barya lang kinikita nun sa pangongopra hayun ako hindi na nga tinapos ang high school at lumuwas dito sa Maynila na puro kaputang inahan naman ang sinapit ng buhay ko lintek sa mga taong nagsabing madali ditong umasenso at matutupad daw ang mga pangarap dito siguro sa mga may pinag-aralan pero para saming mga kapos sa edukasyon wala kaming mapapala kundi maging taga-linis at utusan lang mga bwakang ina akala mo kung sino makapag-ingles lang akala mo ang tali-talino umaastang Kano sabi ng asawa ko magtiis daw kami para kay Junior na kakasilang lang at nabaon pa kami sa utang e kahit anong tiis at pagsusumikap ko sa putang inang lungsod na ito kulang pa kung anu-ano na ang pinasok ko at kung anu-ano na ang ginawa kong trabaho sa gasolinahan sa Jollibee maging guwardya magkargador magtinda ng balot at heto na ngang maging janitor hindi naman ako yumayaman kundi pinupulitika sa trabaho kakarampot ang sahod dapat magpadala pa kina ama pag napaso ang kontrata palit agad siguro ang magandang nangyari lang sa'kin dito ay yung nakilala ko ang asawa kong si Marissa na saleslady sa SM na hindi naman niya ako mapasok dahil dapat tapos ng high school tapos wala na puro kamalasan na lang ano bang kasalanan ko ako naman itong nagsusumikap pero putang ina ang mga bwakaw na pulitikong yan bida nang bida na lumalago na raw ang ekonomiya pero heto ako ngayon kakasisante lang sa trabaho dahil late daw ako e kasalanan ko ba kung barado lahat ng kanal dito sa Metro Manila at konting ulan lang lubog na sa baha at kailangan ko nang magbangka kasalanan ko ba yun lintik namang buhay to kasalanan ko bang mastranded sa baha na kung hindi ninakaw ng mga gagong senador yan ang pera baka hindi na tayo binabaha at hindi na tayo nagdadasal sa lahat ng santo kapag may ulan at hindi na tumatanga sa EDSA ng matagal dahil sa buhol buhol na trapik aasa pa ba ako sa kanila wala na akong malapitan trabaho ko na lang ang meron ako pero pinagkait pa sakin pano ko mapapakain si Junior ang asawa ko na buntis na naman may mahahanap pa ba akong trabaho e ang dami ng kaagaw ko yung iba nga may diploma tapos wala rin naman silang napapala makakasingit pa ba ako sa mga yun san na lang ako pupulutin kahit pumasok ako sa ibang trabaho uulit at uulit na naman ito baka kapag binawasan ko ang papakainin ng pamilya ko mas guminhawa pa ang buhay nila at hindi na ako maging pabigat dahil ilang buwan o baka umabot pa ng taon ang paghahanap ko ng trabaho putsang buhay to o paano na mangholdap na lang kaya ako magnakaw  o manarantado tutal tinatarantado rin naman kami ng mga ganid na mga senador na yan wala na talagang pag-asa wala na mahal kita Marissa at mahal din kita Junior sana wag kang gagaya sa tatay mo na tatanga tanga at mas pinili na lang humalik sa  ----

Nagkalat ang utak ni Macario sa kongkretong kalsada ng EDSA na katutuyo lang sa nagdaang ulan.

 *o depende sa bilis ng iyong pagbabasa





12 comments:

  1. Naubusan ako ng hininga; wala kasing punctuation! *hehe*

    Ang mainam atang title sa post na ito ay 'Ang Huling Rant Ni Macario Ortiz'. :P

    Ano kaya ang ikinamatay niya? *tsk tsk*

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga 'Sef ... kasi dapat mabilisan at walang preno in 3 minutes tapos mo na itong basahin lahat he he

      Delete
    2. Nagpakamatay siya sep. Tumalon mula sa billboard. Hehe

      Delete
  2. Ang morbid naman ng ending.

    ReplyDelete
  3. nice entry..rant kung rant.
    magaling *palakpak*

    ReplyDelete
  4. Akala ko nabundol! Tumalon pala. Feeeecccckkkk!!!

    At hindi siya 3 minutes sakin. Halos 10! haha Naduling ako sa talas ng tagalog (at sa kawalan ng punctuation) Magaling kasi ang spot on nung naramdaman ko dun sa pinaparamdam mo. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre big deal ang comment mo dahil galing sayo yan. eeeeeh. salamat citybuoy. hihihi

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...