Dear God,
Kailan ba tayo nag-usap ng masinsinan? As in yung ganitong
levels. Miss mo na ba ako? Ikaw ha pumaparaan kung paano ako kalabitin. Chos.
Haha. Anyway highway, I like to believe we have this special relationship.
Haha. Pinalaki akong Katoliko kaya
napagdaanan ko rin ang magsimba tuwing linggo, hindi maligo tuwing Mahal na
Araw at ang kuwestiyunin ang sarili ko dahil isa akong bakla at labag iyon sa
utos mo. Pero malaki na ako. Tumigil na kami sa pagsisimba tuwing Linggo.
Naliligo na ako tuwing Mahal na Araw at alam kong hindi ka naman talaga
namamatay kapag Biyernes Santo at hindi rin December 25 ang birthday mo. Okay
lang naman. Paborito ko ang mga araw bago mag-Pasko. At higit sa lahat isa na
akong NPC.
Non-practicing Catholic.
Narealize ko kasi bakit ako magsisimba sa isang institusyong
naniniwalang masusunog ang kaluluwa ko sa impiyerno? Nakakaloka di ba Lord?
Pero huwag kayong mag-alala sa kabila ng pagtalikod ko sa mga utos ng
kinalakhan kong relihiyon, sa tingin ko mas lalong nag-mature naman ang
pagtingin ko kung Sino at ano Kayo sa buhay ko.
Naniniwala ako na nasa langit kayo. Naniniwala ako na hindi
kayo lalaki at hindi rin kayo babae basta powerful. Hindi masyadong humanize.
Naniniwala ako na kayo'y mapagpatawad at hindi mapagparusa gaya ng sinasabi sa
Biblia. And with that, I believe na isa lamang literature ang Bible at hindi
niyo talaga sinulat. But yeah, I still respect it, remnants ng aking pagiging
Catholic. Haha.
Naniniwala ako na kayo ang may likha ng lahat at nakita na
kita sa iba't-ibang mukha. Mga random good samaritan. Ang magandang Coron at
ang Lawa sa bunganga ng Pinatubo. Alam kong Ikaw yun. Alam kong nakikinig ka
kapag nagdadasal ako pero hindi ibig sabihin nun sinasagot Mo na. Para Kitang
kaibigan. Ikaw lang ang mas nakakaalam ng mga sikreto ko higit pa sa aking mga
kapamilya at matatalik na kabarkada. Minsan nagdadasal ako sa Iyo ng mga
masasamang bagay. Haha. Pero kebs lang dahil pakiramdam ko kaya ako tao at
Diyos ka dahil dun. Feeling ko pinagtatawanan Mo lang ako sa tuwing nagdadasal
ako ng mga ganun pero ginagabayan ako para makuha kung ano talaga ang dapat
kong makamit.
Marami akong bagay na hindi maintindihan na gusto kong
itanong sa iyo. Gaya na lamang kung sino nga ang pinakikinggan Mong dasal, o
kung paano Ka nagdedesisyon kapag may namamatay nang biglaan. Natatakot ako sa
totoo lang sa kung ano ang kaya Mong gawin. Pero kapag iniisip ko, mas lalo
lang nagsasanga-sanga ang mga tanong. Naisip ko kaya mas masarap ding maging
tao dahil mas maraming tanong. Siguro nababagot Ka na dahil alam Mo na ang
lahat. All knowing Ka pala e. Chos. Haha.
Minsan naisip ko paano kung hindi naman pala Kayo totoo, eh
di nagmukha lang akong tanga na umasang may Diyos akong makikilala someday.
Pero naisip ko naman, mas mabuti na yun kaysa naman hindi ako naniwala tapos
malalaman ko na lang na totoo Ka pala hindi ba? Hehe.
Ewan. Minsan iniisip ko simple lang dapat ang paniniwala
Sa'yo. Hindi masyadong complicated. Basta ang alam ko marami Kang mukha. Ikaw
ang Diyos, pati rin si Allah, minsan trip mong maging si Buddha o kaya ang mga
nakakatakot na mga Diyos ng India. Pero feeling ko wala Ka naman talagang
mukha. Ninais lang ng mga tao na i-physicalize Ka para meron silang mahawakan,
masamba, masumbatan kapag hindi nasagot ang kanilang mga panalangin, maalayan
at kung anu-ano pang ritwal. Gusto Mo ba talaga ang mga prutas na ino-offer
sa'yo sa offertory?
Minsan mas madaling paniwalaan na totoo Ka kaysa hindi. Ewan.
Nararamdaman ko namang totoo ka. Kaya nga ako nandito e. Naisip ko ang swerte
siguro ng mga taong nakausap mo. Bakit noon nakikipag-usap ka kina Moses? May
drama ka pang burning bush. E bakit ngayon ayaw mong mag-tweet? Or gumawa ng FB
page? Ang saya lang siguro na makakuha ng mga sagot at magabayan sa mga
desisyon sa buhay kung nakakausap Ka. Mas madaling maniwala Sa'yo.
Kung tutuusin ang daming kumplikasyon sa mundo para hindi Ka paniwalaan. Bakit may mga bagyo? May giyera. Kamatayan. Mga sakit.
Si Tita Aida. Ang mga mamatay tao at masasamang nilalang. Gusto ko rin yang
itanong at alam kong marami akong makukuhang sagot pero iba siguro kung Ikaw
mismo ang nagsasabi di ba? Hehe. Howell siguro masyado Kang busy para sagutin
kami isa-isa. Ilang language din siguro ang kailangan Mong i-on at i-off.
Natutuwa ako na alam kong mahal Mo ko sa kabila ng aking
imperfections. Siguro ang hirap nun no? Kaya
minsan nahihiya akong humarap Sa'yo sa simbahan. Nagdadasal na lang tuloy ako
sa simbahang sarado kahit na alam kong tumatagos ang iyong mga tingin sa
makapal na pinto. Tinging walang judgement, wala akong dapat ikatakot dahil
kahit paulit-ulit ang mga dasal ko na walang katuturan, kahit minsan walang
laman, alam ko, alam Mo na yun. Basta umaalis ako, naramdaman kong sapat na ang
mga pinagsasabi ko dahil hindi naman talaga nasasabi ang dasal ng puso.
Nadidinig Mo.
XOXO,
Kalansay
PS
Pasok ang post ko pala sa isa kong blog about morality.
PS
Pasok ang post ko pala sa isa kong blog about morality.
"Paglabas ko ng locker room at gym, mas madaling mag-discern ng tama at mali dahil malayo sa mga nagkalat na “temptations”. Naisip ko siguro kung wala ang ahas at ang mansanas, naging maganda ang buhay nina Adam at Eve. Wala sanang kasamaan ngayon. Mas madali naman talagang umiwas sa kasamaan kung wala ang pag-uugatan nito.""Morality and the Male Locker Room"
Natanong ko na din yun sa sarili ko yung bakit dati si God direktang nakikipag usap sa tao thru Adam, Abraham, Noah, Moses at kung anek anek pa sa old testament. Meron nga siyang mga pa ekse-eksenang plagues at yung pag destroy sa soddom and gomorrah at magiging pillar of salt ang sinomang mag look back. Eh bat di niya uli gawin yun sa Las Vegas, Amsterdam, Cavite at sa Senado noh? Umeksena lang si Jesus nag silent treatment na si God. Lerks!
ReplyDeleteTapos naisip ko din noon yung theory of evolution... eh bakit ang mga unggoy ngayon hindi na nage-evolve na maging tao bukod sa mga movies. di ba?
But you know what, I always believe that God and Jesus are not related to each other. Magkaiba sila ng paniniwala eh. Si God sa Old testament maraming demands at terms and conditions (parang HSBC) pero si Jesus isa lang ang bet niya - Love one another as I have loved you. Ganun lang tas kebs na. Dapat kasi ibang religion si Jesus tas ibang religion yung sa Old. Actually ang mga Muslims yung ang religion and history nila yung Old tas si Jesus ay prophet nila. Basta. Ewan. Haha!
Pero same tayo ng paniniwala. pareho tayong NPC. Yung mga kagagaguhang doctrines na tao lang din naman ang gumawa eh di na dapat sinusunod.
hehe ang mahalaga naniniwala tayo sa kaniya. i think sapat na yun at wala kang ginagawang masama sa kapwa mo pak na pak na.
Deletesometimes religion blurs your judgement and sadly will make you do bad things. hehe how ironic di ba? :p
Religion blurs judgement? Maybe religion blurs/changes/clouds character that leads to inequitable judgement?
DeleteEwan :p
pwede. hehe
DeleteKin. :)
ReplyDeleteanong kin? lol
Deletegusto ko ang post mo na ito KC :D
ReplyDeletesolomot rix. hehe
Deleteganda naman ng post na ito ... nakakawindang he he he ... can I repost it in my site KC ? maka-KC eh noh ! : )
ReplyDeletesure edgar. pwede naman. hehe salamat.
DeleteHindi ako naniniwala sa simbahan, pero naniniwala akong may Diyos. Or a being or matter or force na responsible sa lahat ng ganap sa Universe. Ang paniniwala ko rin ay walang direct interaction ang Diyos na ito sa Earth. Isa lamang tayong produkto ng Universe na nilikha niya.
ReplyDeletePara sa akin, ang importante lang ay ang magpakatao.
tama sepsep! ganun lang naman talaga ang dapat gawin. ang magpakatao. madaling sabihin pero marami hirap yan gawin.
Deleteanyway anong ibig sabihin nitong hindi ko maaccess ang blog mo?! :(
I shall return. May aayusin lang ako. :)
Deletenice read! apir! ikaw na!
ReplyDeletesalamat naman senyor. :)
Delete