isa na rito ang kamias road, pugad ng mga masahistang nag-aalok ng extra service at mga babaeng nagbebenta ng aliw sa mga lalaking kulang sa kaligayahan.
pag ganitong oras, madalang na ang mga jeep pero naghahari ang taxi sa kahabaan ng kalsadang ito.
nagsasakay ng mga lasing o ng mga lalaking abot langit ang ngiti dahil nakascore sa ka-table o sa mga baklang nagpaputok ng kanilang mga katas gamit ang bibig o kamay ng mga masahistang hindi marunong magmasahe.
nakikita ko sila. minsan din nila akong inaalok, ng mga nakaspaghetti strap na pokpok at ng mga machong nakasando, iiling lang ako o hindi ko sila papansinin.
nakikita ko rin ang mga parokyano. walang pansinan at hiyaan sa daan. ito ang kanilang mundo, walang pakialamanan.
pero huminto ang oras naming lahat dahil sa katawang nakabalandra sa kalsada.
duguan.
tila wala na itong buhay.
"tumawag na tayo ng pulis!"
"dalhin na yan sa ospital!"
sabi nila. mga bulungan, mga babang nakalapat na sa maduming semento dahil sa nakita.
nanlamig ako.
parehas kami ng suot nung katawan.
hanggang sa nakita ko na lang nakatingin sila sa akin... ang mamasan, ang machong nakasandong itim, ang parokyanong lasing, ang nagtitinda sa angel's burger ng buy one take one burger, ang taxi driver at pati ang baklang katatapos lang magpaspakol...
tumalon ang puso ko.
duguan ang aking mga kamay.
napatingin ulit ako sa katawan.
binuhat siya ng tanod. inangat ang duguang lalaki, lupaypay ang ulo, nakita kong nakatingin ako sa akin.
walang tunog na lumabas sa aking bibig.
nakita ko ang aking sariling buhat nung tanod.
nakita ko rin ang mapangusig nilang tingin sa akin at sa duguan kong damit.
pinatay ko ang ako, ako ang pumatay sa akin.
***
bata pa lang ako, mahilig na akong humabi ng mga kuwento. kaya pagtuntong ng high school alam ko na ang gusto kong kurso sa college, journalism or mass communications. true enough, communication arts ang tinapos ko sa kolehiyo at isa sa mga hilig ko ay ang magsulat. sa theater org namin sumulat ako ng play. naging staff ako ng college based paper. tuwing pageant or events patol din ako. alam ko na agad ang gusto ko, ang magsulat.
hindi naman ako nabigo. natupad ko naman ang pangarap ko.
pero pagkatupad ko naman nito, pinatay ko naman ang aking sarili.
***
pakiramdam ko kasi naging trabaho na sa akin ang pagsulat. naging kritikal sa akin ang panonood ng telebisyon at ng sine. hindi na basta basta nood lang para magenjoy, sa ayaw at sa gusto ng utak ko, magiging calculating siya sa plot, sa twist and turns, kung effective ba ang eksena, kung buo ba ang character at kung ano pang puna na ang dapat ko lang naman gawin ay manood.
kung dati ay wala akong takot, mas nabuhay ang pakialamero sa loob ko. laging palahaw kung magbawal, napuno na ng what ifs... paano kung... paano kung ganiyan... nagsimula na akong magself edit sa mga sarili kong idea na kung dati ay walang takot at malaya ko lang nilalabas. mas nauuna ko nang icensor ang sarili ko. pinapatay ko na agad, hindi pa man nabubuhay. sabi nga nila, anak mo ang iyong obra... ayun naging abortionist ako in a snap.
pakiramdam ko nakulong na ako. naging mas critical at laging may bala ang hawak kong baril handang pumatay ng umuusbong na idea.
masaya naman ako sa ginagawa ko at sa trabaho ko... pero namimiss ko lang yung dating ako, yung batang ako na walang takot sumulat, yung mas malakas ang boses...
natakot ako na baka napatay ko na pala siya. baka nalason ko na at bumubula na ang bibig. baka nasaksak ko na o baka nabaril ko na sa utak.
***
gaya na lang sa post na ito na naburo na rin sa draft section. 300th post ko kasi ito at iniisip ko dapat special. kaso wala naman akong maisip. kung anu-anong idea ang pumasok. nafrustrate ako.
pati ba naman blog ko pupulisin ko pa ba?
hanggang sa may dumating na idea.
ang insecurities ko lately about myself.
...in writing.
napag-usapan din namin ng mga kaibigan ko na na feeling namin mas okay kaming magsulat noong mga bata pa kami. inisip nila dahil mas naging bukas ang aming mundo at mata sa maraming mga bagay, sa mga bagong karanasan, mas maraming libro, tv series at pelikulang napanood mas naging critical kami sa aming mga sarili.
and it dawn on me na baka nga napatay na pala namin ang aming old self.
naging two in one kami. victims and suspects in one.
the murderers and the murder victims.
the hunter and the prey.
...ang aming lumang sarili na ang sandata lang ay ang mangarap.
***
pero hindi ako nawawalan ng pag-asa...
alam kong naghihingalo siya, hawak niya ang aking kamay, pinaglalaban ang kaniyang buhay.
minsan kailangan ko ring huminga para madugtungan ang buhay niya.
mabubuo rin kaming dalawa.
ipaglalaban ko ang buhay niya.
ang lalim :)
ReplyDeleteako kaya? gusto ko rin magsulat dati nung bata pa ako... kaso hindi ko pa siya ganun kagusto... o naisip na kunin bilang kurso sa kolehiyo... nung nakatapos na ako, saka ko na lang ulit na-enjoy at na-appreciate... kaya marami din akong hinahangaang writers o bloggers...
siguro dahil marami kang alam sa technicalities ng pagsulat kaya ganun ka ka-critical sa iyong mga gawa o akda, hindi mo rin marahil maiwasan.
gayunpaman, hangad kong maibalik mo ang laya sa kung anong nais mong isulat :) sige lang!
haha yeah yan naman pramis ko sa sarili ko, hinding hindi ko hahayaang mamatay ang hilig ko sa pagsusulat kasi yun nga pag pinatay ko ito, parang pinatay ko na rin ang sarili ko. hehe
Delete"ipaglalaban ko ang buhay niya."..dahil pag may katwiran, ipaglaban mo! #waley!
ReplyDeleteI believe naman that we do not kill our old selves. We just outgrow them. Like a caterpillar, we turn into beautiful butterflies. It is inevitable.
But indeed our innocence vanished as we progressed - as we have more experiences, be it great or bitter, we come upon other people's ideas and work that are so better than what we can come up with. We become more critical of ourselves as we fear being criticized by others.
Pero kebs lang sa iisipin ng iba, basta gusto mo at tingin mo okay naman - sulat lang! Gaya ng sulat mong kwento sa umpisa ng post - ang galing galing. Nailagay ko talaga ang sarili ko sa lugar at eksenang nilarawan mo. Pag patuloy mo lang yan. Ng ma-practice lang ng ma-practice :)
Happy Sunday! :)
alam mo zaikai the best ka rin sa payong kaibigan e. nafeel ko na isa nga akong beautiful butterfly. charot. haha
Deletepero seriously i like it when you give what's on your mind. :) nakakatuwa. ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang sarape magblog at making-interact sa mga bloggers na tulad mo. mas lumalaki ang mundo at mas bongga ang mga perspektibo. hehe
ang seryoso lang inay? hahaha
true! seryoso nga inay, parang payong kaibigan lang hehe :)
Deletenatawa ako sa na typo mo na "sarape" sa comment mo. Parang rape na masarap. Hahahaha! :)
actually sinadya ko yang sarape. chararat! haha
DeleteDi na ko magtataka if sa mga susunod na panahon ay makakapagsulat ka para sa Cinemalaya or PETA or sa kung saang theater arts...
ReplyDeleteYung pagiging victim or suspect, minsan nalilimutan na lang naman yan dahil gusto mo ang gingawa mo. Siguro napapagod ka lang kaya mo nararamdaman yan. Napeprrssure dahil sa deadline, pero mahal mo ang ginagawa mo.
Hanggat kaya pa magsulat ng may puso, push lang :D
hahaha shet nakakapressure naman iyang cinemalaya at peta kembutar na yan haha. pero yeah sana... someday. :)
Deleteoo yccos ipupush ko ito. hehe push lang nang push!!!!
Ang tagal mong nawalaaaaaa kalansay! Namiss kita. Mwuah mwuah tsup tsup virtual hugs and kisses hahahha
ReplyDeleteAnyway, nabasa mo na ba yung trip to quiapo? Di ko pa sya tapos pero ung mga nauna tungkol sa pagbuo ng kwento. sabi ni ricky lee dun maging malaya kasa pagsulat. Hanapin mo lamang ang kwento sa lahat. :)
awww namiss din kita fsoq. :)
Deleteoo naman. i love trip to quiapo. hehe
bongga yang si sir ricky. super generous sa kaniyang talents. :)
naku tapusin mo na ang librooo! basahin mo rin ang sinulat niyang "para kay b". :)
I like how the story dun sa first part relates to your current dilemma. Writing is one of the most difficult forms of art, lalo na kapag formal and when it is a part of your job. There is just too much pressure, up to the point na we already forget to enjoy it.
ReplyDeleteDati I hate writing, lalo na yung mga essay. Kaliwete kasi ako, kaya ang pagsusulat ay isang nakakabwisit na chore para sa akin. I like telling stories though, pero mas nadadaig ng katamaran ang creativity ko. *haha* That's why I am still surprised sa na-accomplished ko sa blog ko; it's like the stories were written by a totally different person.
fave na fave ko ang pagsulat ng essay nun. haha yung levels ng mga sulating pangwakas noon sa filipino. haha
Deleteang saya kasi parang may ibang persona talaga tayo kapag nagsusulat. ang amazing no?
Gaya mo, nararamdaman ko na malapit lapit na mapigti ang hininga ko sa pagsusulat. Hindi dahil wala na akong maisulat, kundi dahil salat na ako sa oras.
ReplyDeleteNgunit hanggang maisisingit ang pagsusulat, patuloy pa rin akong magbloblog.
kapit jm!!! hehe wag na wag bibitaw. :)
Delete