Thursday, July 24, 2014

sporty spice


grade five yata ako noon or grade six. 
excited akong umuwi sa bahay namin kasi atatchiba akong ibalita sa nanay ko na nag-champion ako.


nag-champion ako sa jumping rope. 

pota. 
how beki can you get di ba? bwahaha
oo nag-champion ako sa jumping rope nung intrams namin. 
kabog di ba? 

at pinanlaban din ako ng classroom ko nun sa piko. 
shet. base sa pagkakaalala ko, hindi kami nanalo pero may place naman kami sa piko. haha

pero ibang klase e. hindi pa rin matatawaran na nag-champion ako sa jumping rope. bwahaha. 
at take note, nilibre ako ni mudra sa jollibee dahil sa uwi kong gold medal. hihi.

masasabi kong hindi ako sporty na bata. 
mas bet ko kasi ang art nun pero i can say na active naman ako kasi i enjoy habulan, patintero, putubong at kung anu-anong pisikal na laro. 

kapag tinanong mo ako kung anong sport ko... uhm wala akong masasagot. 
ayun. tumanda na ako, hindi rin naman ako nahilig.

kasi noong high school naalala ko bumabadminton levels kami ng mga barkada ko pero hindi ako kasing adik nila na bumili pa ng raketa at talagang gumogora sila sa mga tennis court pag may time. ako salingkit lang, nakikipalo at isa na rin kasi yung reason na yung crush ko naglalaro rin. hihi. 

pagdating nung college, best in pe naman. infair kakaiba ang mga kinuha kong pe nun. nung first year first sem arnis ang pe ko, tas sumunod sepak takraw! pak. intense di ba? ang daming boys. haha tapos nung second year, yung peyburit kong hand ball tapos nung second sem binalak kong mag-foot ball ang kaso usapan namin ng mga orgmates ko sama-sama kami, e yung iba nakapag-football na so laos kaya nauwi kami sa social dance. i hate dancing pa naman. haha 

last december sinubukan ko namang magswimming lessons. hindi ko nabetan yung coach namin. haha. ewan parang masabi lang kasi. haha pero may natutunan naman akong mga survival kemerut so achib na rin. 

so at present, naisip ko gusto ko namang magkasport. wala lang. para cool ang peg. haha charot. 
hindi kasi active ang trabaho ko kaya kailangan ko ng fun physical activity bukod sa gym. 

so far this year feeling ko sporty ang theme kasi nakatry ako ng mga cool sports na if mabibigyan ako ng chance, pwede kong ituloy tuloy. like surfing!

biglaan kaming nagbaler ng aking mga kaibigan last summer and grabe super na-enjoy ko ang adrenaline rush! the waves! the sea! the buwis buhay alon sa baler! ang pagsalpok sa akin ng surf board! feeling ko second life ko na'to. charot. haha 


oh di ba ang sexy ko sa picture? charot. haha ang lakas magpa-misteryoso. haha grabe ang intense talaga ng wave. as in pramis, buwis buhay talaga. haha pero sobrang fun. kaso nganga, kahit gustuhin ko man ipush ang sport na ito parang haggard masyado dahil baler na yata ang pinakamalapit na surfing destination sa manila, e halos anim na oras ang biyahe. well tama na yung naexperience ko siya pero pramis kapag nadayo ako ulit ng baler or la union, i-pu-push ko 'to! 

hanggang sa last week may nag-aya sa'kin magfoot ball. eh kasagsagan pa naman this year ng fifa world cup da ba? eh hindi naman ako faney ng fifa bilang ang boring panoorin. haha pero gusto ko siyang laruin bilang noong college ay inattempt ko na siyang subukan. so i guess, this is the right time na i-push ang naudlot kong pangarap na magfoot ball! 

grabe ang saya ng football! as in naenjoy ko siya with feelings. hihi

credits kay jay f. for the pic. hihi
ang lakas maka-poser ng picture. bwahaha. well isa yan sa mga drills. naglaro naman kami ng game. shet natalo kami sa first game nung team ko. bwahaha pero bumawi na kami nung second kaso tabla levels lang at halos mga bata pa mga kalaro namin. nyahaha. pero all in all sobrang nag-enjoy ako. as in. bet ko siyang ulit ulitin at nakikita ko ang future ko sa azkals. charosa rosal. hihi 

pero siguro kung may pwede akong seryosohin, posible ang football. sa katunayan kanina galing kami ng aking mga workmates (na sila rin kasama ko last week sa feu diliman para sa soccer clinic) sa world citi colleges kung saan may free workshop ng futsal (indoor football) at grabe mas nakakapagod ang mga drills niya compared sa foot ball. same pa rin naman ang enjoyment bukod sa may cute na goalee kanina. hihi. isang middle eastern hottie. hihi 

howell habang hindi pa super duper busy at habang kaya pang isiksik sa sched, push lang. besides may talent naman ako pagdating sa paghawak ng balls. 

charooooooooot. hihi 



36 comments:

  1. di ako maka-get-over sa atatchiba! :P

    halos ganyan din PE ko noon: softball, handball, fitness at social dance.

    Gusto kong maging active pero ayaw ko ng sport :p
    Buti ka pa sporty spice ang peg. ako na lang is baby spice hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha

      well hindi ba sapat na maging motivation ang boys?
      charot. haha

      Delete
  2. Omg ang sexy ng back mo kalansay. Pwede ba magpaphysical examination sayo? Hahahaha!

    ReplyDelete
  3. hahaha sarap ng pakiramdam kapag nakapagsurf ka noh? lalo na yung makakaabot ka sa shore lolz.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay true rix! sabi ko nga para kang binigyan ng second life. haha

      Delete
    2. tama... Ngayon nga eh susubukan namin yung medyo wild na waves. Baka itry namin mag bagasbas

      Delete
  4. Ikaw ba yung cuty sporty na nakita ko sa may feu-fern? Char! Haha

    Meron ako ditong badminton, soccer ball at jump rope na hindi nagagamit.

    Kelangan talaga din ng physical activities and exercise. Kahit nakakatamad, kelangan pa din mapawisan :)

    Goodluck sa paghawak ng balls! Paturo ako minsan ng proper handling. Hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa feu-fern ka ba nagtuturo madam? hehe

      oo bongga naman ang pagiging aktib. sarap mapagpawisan. masarap ding magboy watching. ahihihi

      sure. handlingballs101. lol

      Delete
  5. buti ka pa may sport... ako wala talaga sa dugo ko...

    video games lang. lol

    loser lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha hindi ko pa naman siya officially sport.
      well sana mapanindigan ko gillboard! haha

      Delete
  6. Sabi ko na nga ba ikaw si ________! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. *eeeeeeeeeeeehihihihihi* I love you na! :D

      Delete
    2. eh matagal na kitang mahal. yikeee. hahaha #anglalandi

      Delete
    3. ---si Doc Ferds. *ayiiiieee!*

      Uber crush ko yun eh. Parang ikaw kapag nakatalikod. *hihi*

      Delete
    4. cute nga si doc. hehe

      ay para lang talaga kasi pag humarap sobrang layo na. hahahahaha

      Delete
  7. Nakakatawa sa kalandian levels nitong post mo! *hahahaha*

    Nag-wet ako sa pics huh. Yum! :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha kaya nga nakatalikod e para kunyari yummy! haha #talikogenic

      Delete
    2. Hulaan mo kung ano ang sport ko? *hihihi*
      Clue: Uber sa hingal at pawis. :P

      Delete
    3. uhmm ano kaya yun? *painosente* haha

      Delete
  8. Hanggang ngayon, tanong ko pa rin kung ano ang sports ko. Sana counted yung nagbubuhat ng bakal sa gym.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasok na ang gym! haha active keme naman yun. haha

      Delete
  9. Ikaw na si Sporty Spice! Haha :)

    Bakit ayaw mong revive ang iyong first na ikina gold medal? Baka may jumping rope competition somewhere keri mo yun :)

    Ang saya nga mga surfing, sya lang favorite kong sport kaya lang kalayo nga. Kaya i-push mo yang football, mukhang enjoy nga. pero mukha ng mas enjoy ang futsal dahil sa cute goalee, sipa mo yan, este push mo yan! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha why not sa jumping rope competition?
      pwede kong isuggest sa christmas party na isa sa mga games. hahaha

      oo zai über sayang magsurfing and yeah kay layo nga ng tatawirin at lalanguyin bago maachib. haha sana mapanindigan ko ang football. hehe

      Delete
  10. Daming kong smiles sa post mo na ito! :) :) :) :) :)
    Nais ko ring magpa-active sa sports para naman mabago ang lifestyle ko hahaha. Kailan naman kaya? lols.

    Mukhang marami ka pang magiging adventure sa sporty life mo ngayon. Kwentuhan mo ulit kami hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ilang smiles? charot. haha

      sana nga mapanindigan jep! hehe

      Delete
  11. ang sarap naman ng katawan mo... hahaha... ikaw na ang sporty! mas bet ko talaga kasi si scary spice eh... post ka pa ulit... ung nakaharap at half naked...heherhe

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyek. kaya nga nagpost ako ng nakatalikod kasi pag nakaharap, wala na! hahahaha

      Delete
  12. Wow ang manly! Ako naman saksakan ng tamad sa ganyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha ang boyish ng drama ko. alam mo na bet ng mga boys ang mga tomboyish. charot. haha

      Delete
  13. sana may picture din na nagjujumping rope ka kahit drama drama lang hahahahah

    ReplyDelete
  14. I am so entertained with this post of yours. follower mo ako. I normally read your posts. very raw ang mga sinasabi mo. natural sa lipi mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks naman benedict! Hihi masaya na napasaya ka ng post na ito hihi

      Delete
  15. Ha ha ha!!! pati mga comments dito lahat ay binasa ko at nakitawa rin ako to the maxi-level. ang saya naman ng buhay mo.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...