Monday, July 14, 2014

rags to riches

nakatingin ang lahat sa taxi. may pagtataka.
sino naman ang magtataxi dito? 
basa ang tanong na iyan sa kanilang mga mata.

tabi-tabi ang mga bahayan. masikip. maingay.
puno ng batang walang pang itaas na suot ang naglalaro sa gitna ng basketball court.
gabi na. ilang oras ding naghintay sa tindahan, nagtanong.

may kabog sa dibdib.
pwede kang magripuhan sa lugar na ito. 
o manakawan. halatang dayo. 
...hindi matigil ang mga panghuhusga sa isip...
kung nagyoyosi lang sana...

ilang beses naghintay sa telepono.
mumurahin lang pero may takot pa ring mahablot ito.
san ka ba? walang sumasagot kahit subukang tawagan.
lapit sa maliit na gate sa likod ng basketball court. 
sabit sa text.

lalagpasan ang mga maraming tao. marurungis na bata. chismosang kapitbahay.
bakit ko ba pinasok ito? mga tanong ng pagdududa.
panunumbat sa sarili. wala nang atrasan.

ang pagsisisi ay tunay ngang nasa huli.

squatter

patong patong ang mga apartment. 
pero natabunan na ng lahar ang mga mas lumang nitso. 
matagal pa ulit ang araw ng mga patay kaya matataas ang mga damo at talahib na nakausli sa mga singit-singit ng mga musoleo. 

naglalakad at dinig na dinig ang lutong ng mga patay na dahon sa paanan. 
tahimik din naman kasi ang buong paligid.
parang horror movie. 
or sa suspense.
unang namamatay/pinapatay ang mga magdyowang nagsesex. 

hindi alintana ang init ng tag-araw. kamamatay at kabubuhay lang ni kristo.
napagod. umupo sa pinaka dulo kung saan walang mga makakakita kung hindi ang mga kaluluwang hindi naman nakikita. patuloy ang pagpapawis, hindi sa pagdidikit ng katawan pero dahil sa tindi ng araw. 

ang alamat ng iyong pagbibinata at pagdadalaga ay nabuo na. 
may mahal lang babae at gusto mo ng pamilya sa hinaharap. 
pero may tawag din ng laman sa iyong kapwa lalaki. 

wala pa sa kalahating araw ang pagsasama, wala ka nang sikretong maitatago pa.
sa katahimikan ng kinalakhang nayon, nabuhay ang lahat ng patay sa iyong rebelasyon...
si kuya at dikong ang unang nakatikim sa iyong katawang musmos.

sementeryo


mabilis ang pag-uusap. gaya ng teknolohiya ngayon, wala nang patumpik tumpik pa. 
mabilis lang din sana pero napigilan dahil walang lugar na pagdadausan sana ng kasalanan.
pero naroon na. gawan na lang siguro ng paraan. 

hindi pwede sa itaas?
hindi.
bakit?
mahigpit. bawat floor may guard. 
sa room mo?
may security din.
bakit masyadong mahigpit naman dito?
anak kasi ng mga pulitiko ang nandito.

hanggang sa unti-unti, alam ko na ang iyong pagkatao. 
isa ka sa kanila. 
makapangyarihan. mapera. 
kung mahuli man, kaya mong lusutan at walang kukuda.

pero mas naengganyo ako sa iyong kuwento. ang mundong iniikutan mo, malayo sa daigdig ko.
ang kaya mong bilhin. ang pangarap mong maging kagaya ng iyong pamilya. ang ibang pagtingin sa mga bagay. lahat nang hindi ko kaya. kaya mo nga sigurong bilhin pati na ang aking kaluluwa.

nakalimutan na nga natin ang ating pakay. para tayong magkaibigang matagal na hindi nagkita. 
ang daming naglaro sa isip ko. mga tanong na gusto kong tanungin sa mga taong kagaya mo. mga tanong na hindi dapat tanungin. 

pero naisip ko ang kaya mong gawin. 
sa totoo lang natakot ako. 

baka nga ngayon binabasa mo na'to. 

hanggang ngayon namamangha pa rin ako. 
parang hindi ka totoo kasi nung nag-usap tayo, tila tumawid ako sa ibang mundo.
...pero sa mundong iyon, pisante pa rin ako.

dorm

#meetupdiaries







15 comments:

  1. Gusto ko yung sementeryo, andami kong naisip, sa huli ay ang rebelasyon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat. hihi

      uy welcome nga pala sa pagpasok sa aking aparador. hihi

      Delete
  2. #meetupdiaries... interesting :)

    ReplyDelete
  3. Ayun, na-gets ko na kung bakit 'rags to riches' yung title. At yung connection ng mga kwento sa bawat isa. *hahaha* Nahirapan din ako dun huh.

    ReplyDelete
  4. katulad ka talaga ang isang kaibigan namahusay gumawa ng maikling kwento...

    mahusay mahusay mahusay!!!

    ReplyDelete
  5. :) Nice nice.. Hope to read more :)

    ReplyDelete
  6. Marami pa ba? Sana may kasunod pa

    ReplyDelete
  7. galing galing mo talaga mag kwento! nadala talaga ako sa eksena, na i-imagine ko ang lugar, nararamdaman ko si kuya at dikong na gumamit sa aking musmos na katawan..ay ano ba yan, sabi syo ang galing mo e :)

    More, more, more! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat zaizai. nakakilig naman ang papuring yan. hehe

      Delete
  8. Hi, I enjoy reading your site! Is it okay to contact your through your email? Please email me back.

    Thanks!

    Cailyn
    cailynxxx gmail.com

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...