Wednesday, September 3, 2014

assumptionista

mainit ang steam bath. ang sarap lang ng feeling ng init.
mga apat na kami sa loob nang may pumasok pang isa.
there's this hairy bear (and kinda cute) na nagkahulihan kami ng tingin.
lumabas siya. kasi siguro maraming tao sa steam.

lumabas na rin ako. mainit na kasi masyado at hindi na rin ako makahinga.
lumipat ako sa sauna. favorite ko rin mag-sauna.

nandito si hairy guy! at may isa pang middle aged guy na mas malapit sa furnace.
so nasasandwiched namin si hairy bear. napansin ko blatantly siyang tumitingin sa akin, para bang ready to strike a conversation. syempre malandi ako at lalabanan ko siya ng tingin. hihi

hanggang sa finally umalis na si middle aged guy. naiwan kami ni hairy bear --

agad niya akong hinatak, sinibasib ng mga mapang-ahas na halik, hindi alintana kung may makakakita ba sa kaniyang kapusukan. lumaban ako, nakipagespadahan ng dila sa kaniyang sabik na  halik ---

charot.

so lumipat ako malapit sa furnace para mas malapit sa init. at napapansin ko kasi blatant nga siyang tumitingin so gusto kong masiguro na para sa akin nga ang mga tingin na yun di ba (aba kahit na maliit lang ang sauna ayokong mapahiya na i'm reading it all wrong pala). so ayun, ang sabi niya...

"anong tinitingin-tingin mo?"

"ano?" sabi ko naman.

okay nabingi pala ako. haha ang sabi pala niya anong meaning ng tattoo mo?
...at doon nagsimula ang aming chikahan sa sauna.

isang diwatang naligaw sa lupa aka ako: ah seize the night. carpe noctem! (proud na pinakita ang braso)
hairy bear or hb: galing ba yan sa kanta ni (nakalimutan ko name ni dj nung una e nagoogle ko na!) tiesto na carpe noctum?
ako: hindi. sino yun?
hb: dj.
ako: okay. (sandaling katahimikan) so maling grammar pala napatattoo ko? okay lang kaunti lang naman ang nakakaalam e.

so nagsimula na ang tanungan kung anong work out ko hanggang sa natanong niya kung na-try ko na ang combat training.  at nalaman ko ring pre-med siya. oooh sexy. lol

ako: hindi.
hb: try mo ang combat training. halos everyday siya.
ako: saan? dito?
hb: (smirked) hindi sa taas.
ako: (pilosopo ampota! haha) dito sa new manila?
hb: oo.
ako: e bat hindi kita nakikitang madalas?
hb: nasa taas ako e. at sa hapon pag buhat naman para kaunti ang tao.
ako: ok.
hb: sa thursday at friday meron. punta ka.
ako: sana free...

mainit na sa sauna. as in.

hb: sige, see you around.

nauna siyang umalis. naiwan akong mag-isa. grabe inaya ba niya akong magdate sa combat training? ginawa pa niyang pick up line tat ko e... yiiih. hahaha wow ang lakas kong maka-assumera! haha.

as if naman.

pero ang hindi ko kinaya ay nawala yung jersey shorts ko sa gym.
shet.

feeling ko na-mara clara moment yun, meaning na-ilagay ng some one sa bag niya mistakenly ang shorts ko. howell.
...or may taong fetish ang pawising shorts tas ninenok. choz. haha
...or pwede ring kinuha ni hb para maalala niya ako. hahaha ang feelingera ko naman as if alam niyang shorts ko yun.


hay naku. ayoko sanang bumili pa ng bagoooo.

ang random lang ng pagkawala ng shorts ko. ugh.
speaking of random..

nagbasa kasi ako kanina sa mcdo tomas morato ng book ni maria ressa na 10 days, 10 years: from  bin laden to facebook. ang sarap ng caramel mcflurry nila! yum. nasa itaas ako unang nagbabasa ang kaso bumaba na ako kasi naglilinis na sa taas at nahiya naman ako (though 24 hours naman yun).

nakaupo ako sa tapat ng salamin sa tabi ng cr. shet. mukha akong walang inorder. haha doon ko ipinagpatuloy ang aking pagbabasa.

so habang nagbabasa ako may pumasok na mga customers. mga college students siguro na halos girls. tas kasama dito ang dalawang lalaki, cute parehas. hihi. naka-green at naka-black. parehas silang mestizohin. chinito yung naka-green at yung naka-black nakasalamin at may goatee -- my type. hehe. sa bunch of kids parang sila ang pinakamatanda. siguro mga nasa pa-mid 20s?

nakatingin sila sa akin. lumapit pa yung naka-black para kausapin ako...

"taga-up ka ba?"

"hindi."

"ah okay. mukha ka kasing taga-up e."

bakit? mukha ba akong busabos?! charoooot lang phowz. hihi.

"bakit?" i asked back.

"wala. akala ko... (may sinabi siya na hindi ko maintindihan)" tas bumalik na sila sa mga kasama nila at umorder.

nagpatuloy ako sa pagbabasa. tapos nakita kong bumalik na yung dalawang lalaki sa table ng mga kasama nila na dala yung mga orders for the group. at ang nakakaloka, nakatingin sila sa akin at may sinasabi sila sa mga ito. so pakiramdam ko pinag-uusapan nila ako kasi tumingin sila sa'kin! ang weird. para akong transferee na kumakain sa cafeteria mag-isa ang feeling! haha.

medyo kinabahan ako ng eklayt kasi ang weird. anyway na engross naman ako sa binabasa ko, hanggang sa makita kong nagmumumog sa faucet sa may salamin si naka-black na guy. naramdaman kong may sasabihin siya sa'kin.

true enough, after niyang gawin ang kaniyang business ngumiti siya sa akin at may sinabi siyang something na "itext mo ang *insert weird something here*"

sabi ko, "ha?"

nakangiti lang siya at may tingin na parang wag akong mag-maang maangan.
hala. hindi ko talaga gets.

hanggang sa lumabas na sila. dinedma ko na lang.
nagpatuloy ako sa pagbabasa at nung mabetan ko nang umuwi dahil naweirduhan nga ako sa ganap, nakita ko pa sila sa labas. may kausap si naka-black na guy sa phone pero ngumiti siya sa akin tas si naka-green he acknowledged me with a small smile.

ang weird talaga. feeling ko nasa novel ako ni murakami na ala after dark. or yung film ni stanley kubrick na eyes wide shot doon sa kulto scene.

hindi ko pa rin gets yung nangyari.
ang labo.

iniisip ko napagkamalan ba nila akong ibang tao? tas the naka-black guy is sending some clues or codes? weird talaga. haha

ang theory ko baka frat members na gusto akong irecruit kasi akala nila im from up?
...or sindikato na may kikitain sa mcdo morato at kamukha ko yung middle man na pinadala para sa human trafficking ng mga dala nilang babae?

ah ewan.

ang daming assumptions.

16 comments:

  1. Akala ko naman.kung anong assumptionista hehe bet ko yung mga ganyang random things. Nakakarelease ng adrenaline :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. assumption kasi school ko dati. haha charooooot. pa-gurl.

      Delete
  2. Kung gaano ka naguluhan sa mga nangyari, ganun din ako nung nabasa ko to. *hahaha* Lalo na yung last part.

    Pero aliw yung sa sauna. Ano na nangyari kay Hairy Bear? *hihi*

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha nakakaloka di ba sep? hahaha


      naging busy ako last week till now kaya di ko siya nabalikan. huhu well kung sabi niya lagi siyang asa combat training well may next week pa naman. haha

      Delete
  3. nakakatuwa naman ang kwentong ito hahaha
    nagpapakita lang na napaka-kritikal mong mag-isip :)

    pag taga-up mukhang busabos? lols
    bakit ako mukhang busabos, hindi pa rin mukhang taga-up hahaha

    ReplyDelete
  4. nakakatuwa ka mag kwento angdaldal lang parang ako. hehe. at natawa ako sa shorts mong pinitik. sino naman pipitik ng pawisan mong shorts? ahaha anlakas ng tawa ko.

    why not pwde naman tau meet. email mo ko :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakaloka di ba? ang sad. fave ko pa naman yun.

      sige mac! yeeeey. :)

      Delete
  5. never pa akong inapproach sa mga ganyang eksena siguro dahil mukha akong ewan.. conservative type dito sa Davao pero nung pumasyal ako sa Manila may lumapit naman pero parang callboy..hahaha

    ReplyDelete
  6. Oh my... I'm officially hooked on ur blog. This is highly entertaining to read. Ang galing. Keep it up. :-)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...