ang sabi sa bibliya, isang malawak na dagat ng apoy ang impyerno.
...pero iba ang aking impiyerno ngayon.
mukha siyang langit. maliwanag ang gabi dahil bilog na bilog ang buwan. naglalakad ako sa isang magandang tulay, malinis at gawa sa semento. may mga magagandang sculptures sa gilid at mga maliliwanag na poste na makikita ang malinis na ilog.
may mga kotseng dumadaan, taxi, jeep at isang tram.
i realised nasa jones bridge ako.
pero ibang-iba.
sa kasalukuyang maynila na hindi binomba ng mga hapon noong giyera at napreserba ang ganda nito.
sa kasalukuyang maynila na hindi madumi ang ilog pasig at hindi rin mabaho, hindi madumi at hindi yung inilalarawan ni dan brown sa kaniyang nobela na gates of hell.
...but this is the gates of hell.
...i don't understand.... bumisina ang tram.
napatingin ako, i can see the people, maaayos ang suot, naka-iphone 6 halos lahat ay may mga naka-samsung phone din. nakikinig sa some catchy music with tagalog lyrics... sikat daw sa asia.
"hurry up." sabi nung naka-uniform na i guess ala-kunduktor ng tram.
pagtingin ko sa ka niya, i was flabbergasted.
he keeps on changing faces.
or she. nagiging si binay, tapos si imelda, tas si lolit, tas biglang iba naman, si denise, si cedric tas si madame auring, hanggang sa mga mukhang hindi ko na kilala.
"ano bakla? sasakay ka ba?" ang boses niya sumasabay kung sino ang mukha niya.
hindi ako makapagsalita. what is happening?
"kung ayaw mong sumakay, humiling ka sa akin... pero kapalit ang kaluluwa mo..."
nakakapangilabot ang kaniyang paiba-ibang boses kada salita sa iisang sentence. shet siya.
ano nga ba ang kayang hilingin sa demonyo kapalit ang kaluluwa?
...
okay exag. natense ako kasi naman mag-aalas tres na ng madaling araw. naalala ko ang pelikulang emily rose. kaya erase! erase! pwede naman daw kasing wish sa genie. or kahilingan sa fairy god mother di ba?
eh walang audience impact kapag ang title if you can wish to that genie in the bottle or if you can wish to your fairy god mother di ba? mas kabogera ang if you can sell your soul to the devil! pak.
ok. daming kuda. haha. pero sige sa fairy god mother na lang at sa genie para hindi morbid.
so direk, take two!
ano nga kaya ang magandang hihilingin kay fairy god mother or genie in a bottle?
...ay wait since ber months na at october na nga this week, naisip ko what if kay mary ka na lang hihiling? do you remember her? si jolina magdangal sa puso ng pasko as mary, ang mahiwagang pabitin! da who? haay don't you remember? dahil diyan, please watch this starting sa 6:00.
...
dear mary ang mahiwagang pabitin,
pwede bang hindi na lang tayo dumaan sa lost of innocence at tumandang parang kasing linis at dalisay ang puso natin gaya nang sa bata?
yung simple lang ang outlook sa buhay. walang complications. walang muwang at virgin na virgin. charot. sumpa ba ito dahil kinagat ni eba ang mansanas at kailangan nating mamulat sa kamunduhan? haay imagine a world na puno ng adults with innocent and pure minds?
what a perfect world sabi nga sa kanta.
dear mary ang mahiwagang pabitin,
pwede bang may bonus na rin na maretain ang ating innocence plus yung courage natin nung ating teen days na wala tayong pakialam at ang mga issue lang ay crush at pimples at kakirihan sa buhay? haha.
ay contradictory masyado no? haha. innocence tas simpleng kalandian nung high school? haha
wala lang. naisip ko lang kasi last time, habang nakatambay sa kopiroti sa morato with my friend, namiss ko ang high school. that high school life where small things become bigger and complicated issues but you still don't care and you will make a fuzz out of it anyway while of course acing your exams. haha ang saya lang ng kababawan noong high school.
...if i can feel that teenage don't care less attitude again while in my late 20s... or my child like innocence way back... my make believe stories of fairies, and magic, and powers, and different dimensions... that child like wonder too...
please mary ang mahiwagang pabitin...
give my innocence back.
***
walang babasag sa paniniwala natin noon bilang mga 90s babies na nananganganak ang kisses, lumalaki ang isang plastic dinosaur kapag binabad sa tubig. may ahas sa robinson's. may multo sa balete drive. kaya nating lumipad. makarating sa kung saan man natin gustong marating.
kayang tuparin ang mga pangarap. kayang makilala ang ating prince or princess charming.
mga make believe stories na para sa atin fact na nakasulat sa ating mga personal encyclopaedia.
kaya nating maging si red ranger, si eugene ng ghost fighter, ang maging priestess ng suzaku, si mara o si clara, ang maging hari at reyna... o kahit lalaki ka maging isang prinsesa...
lahat posible.
dahil tayo ay bata.
hanggang sa tayo ay tumanda.
***
or baka sinumpa nga tayo bilang mga tao.
sinumpa tayong tumanda at makalimot.
we grow up and we grow old, then our brain is in a state of amnesia, hindi na tayo inosenteng bata na madaling maniwala kay santa or isang teenager na walang pakialam sa mundo basta matawagan lang siya ng kaniyang crush sa gabi...
we become adults, entangled with our own complicated lives, trying to see or decipher the meaning of things we just don't understand. adults with our fucked up routines or failed relationships or trapped regrets or nonsensical wonderings... just like this post...
hoping that mary the mahiwagang pabitin can grant wishes.
...to never lose that innocence
that is actually long lost...
this curse, so called growing up and growing old...
maybe even the devil will trade his soul just to be innocent again.
...back then bata lang din naman siya, an angel, isang cherubim na walang muwang.
sa musmos na isip niya,
nilikha niya ang dagat ng apoy at siya ang hari,
naniniwalang darating din ang kaniyang reyna
...na hindi takot mapaso sa apoy na nilikha niya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
This was a good read though I wouldnt really want my innocence back
ReplyDeletehaha salamat simon.
Deletewala lang naisip ko kasi minsan nakakastress maging adult. haha ang daming adult issues at nakakamiss lang na yung inosente ka lang sa mga bagay at ang pinoproblema mo lang mga trivial things. haha
pero well yeah part of growing up ang tanggapin ang growing up. hehe
pwede siguro in between but not total innocence. for me lang naman... hehehehe. i can totally relate sa pagiging 90s baby. how i missed those days when we were just kids growing up with all those urban legends and myths. problem with knowing too much is losing the magic of exploration. yung wonderful feeling you get discovering new things. you lose your magic to "believe"
ReplyDeletetama! hehe iba pa nga rin yung feeling ng bago, yung may sense of wonder in small things. :)
Deletehowell. hehe
Pinanood ko yung link. Naalala ko yung mga child actors dun, ang cute nila. Na-Google ko tuloy. ;)
ReplyDeleteaaaang cute di ba sep! haha sa christmas break papanoorin ko yan ulit ng buo sa youtube. im soooo excited. haha
DeletePapanoorin ko nga ng buo ngayon eh. Pinakagusto ko sa kanila si Justin Simoy, mukhang nyarap! lol #PedoAlert
Deletesi justin simoy ba yung pilay? haha
Deleteoo ang hot nga niyang bata. hehe
sinearch ko siya sa facebook. chubby na siya. hehe
Hinanap ko rin sa siya FB. *haha*
DeleteSayang, di na siya kasing cute ngayon.
Gustong-gusto ko pa naman yung way niya ng pagsasalita.
Singkit na maangas. :)
Can I trust you to keep my secret? Certified Jolina Fan ako...bwahahaha... dati un... magaling ka sa Filipino ha. In fernez... good read!
ReplyDeletehaha salamat senyor.
Deletetalaga? so bumili ka ba nung butterfly clip o nung jolina doll? hehe
infair naman kay jolina, isa siyang cultural phenomenon! hehe
Marahil ang hihilingin ko ay tanggalin na ang lahat ng kainosentehan sa mundo hehehe :)
ReplyDeletehaha. CHAOS! lol
DeleteThis is so trippy! But I sense a deeper sadness underneath. Anyare, kalansaycollector?
ReplyDeletehaha citybuoy born and raised in south detroit. niresearch ko pa sa dictionary meaning ng trippy. haha
Deletehaha well i dunno. talaga? maybe. ganun naman ang deeper sadness di ba? mahirap iexplain. haha
maybe quarter life drama. haha
Buti na lang intact na intact pa ang innocence ko. Minsan nga nauuto ako na gumawa ng mga bagay na di ko alam na masama eh. :(
ReplyDeletebwahahahaha glentot.
Deletei believe you. haha
To be forever a child is to be forever innocent. We can only wish for it to be back. We can only reminisce but we cannot deny that it's long been gone. Had thrown away itself in to the pits of suffering the moment we allowed ourselves to fall in love.
ReplyDeletei second the motion mam! hehe
Deleteso ibig sabihin bata pa rin ako kasi inosente ako eh promise... ahahaha.
ReplyDeletesabi mo e. hahaha
Delete