Wednesday, October 22, 2014

replay

press play.

then rewind.

nine months ago may isang lalaking umakyat sa isang shalang condo, may dalang foods.
nabugbog si kuya ng ilang mga kalalakihan.

ang sinabing kakirihan niya, humihingi ng hustisya dahil na-rape.
maraming nakisimpatiya sa lalaki dahil binugbog siya at binabaliktad.

pero may sumisigaw pa rin na buti nga sa kaniya kasi two timer siya.
may karelasyon siya.

karelasyon na maaring ang tunay na biktima.
ngunit mas nanaig ang sigaw ng humihingi ng hustisya kakampi ng lalaki.

dapat mabigyan ng katarungan ang kaniyang sinapit na pambubugbog...
pambababoy... panlalamang...

kahit na lahat naman sila ay putikan ang mga kamay.

press pause.

then forward.

ngayong buwan, usap-usapan ang pagpatay sa isang babae --
pero sigaw nila binabae? lalaking bihis babae? 
lahat sila nalilito kung ano ang itatawag sa kaniya. bakla? babae? lalaki? 
hindi nila nirespeto ang piniling katauhan nito.

-- ang itatawag ko sa kaniya ay isang babae,
isang babaeng nadawit sa isang kuwentong tila narinig ko na.

may isang babae naman ang pumunta sa isang motel kasama naman ang isang kano.
hindi condo. walang dalang foods pero parehas ang pakay.

isang gabi ng paglalaro ng apoy.

gaya sa naunang kuwento, may sabit naman ang babae.
ngunit hindi gaya sa unang kuwento, parang mas malakas ang sigaw ng mga taong tumutuligsa sa kaniya imbis na kumakampi.

dapat lang daw sa kaniya yun.
malandi raw kasi siya.
manloloko.
binabae.
salot.

dapat lang daw siyang mamatay.

parehas lang ang kuwento ng lalaki.
ang kaibahan lang pangit ang kaniyang ending at parang kaunti lang ang kaniyang karamay.

pero bakit mas kaunti ang simpatya ng babaeng napatay sa lalaking nabugbog?
na kung tutuusin mas grabe ang sinapit niya sa kamay pa ng isang dayong pumatay sa kaniya --

press stop.

then play.

then rewind.

ilang beses nang nanalo ang mga hunghang sa gobyerno.
mga kurakot.

mga kriminal na walang takot magnakaw.
mga tarantadong abusado.

jueteng lord pero muntik muling manalo.

isang ngiti, kamay, himas sa likod, madali silang maluluklok, makakalimutan ang lahat.
mabubura ang basura nilang nakaraan.

press pause.

then forward.

lumang kuwento ng panlalamang.
nakikita natin sa telebisyon ang hektaryang lupain.
magarang pamumuhay. lantarang panggagago sa bayan.

alam natin ang kanilang mga pangalan.

press pause.

then forward.

mga pangalang lilitaw na naman sa balota..

...at muli na namang iproproklama sa pwesto

press stop.

hanggang kailan matutong pindutin ang stop button?



nabubuhay tayo sa mga sari-saring replays.



19 comments:

  1. Noong pumutok ang isyu about kay Vhong, hindi ko natutukan. Wala naman kasi akong pakialam sa kanya. Ngayong may narinig akong balita tungkol sa isang transgender(?) na pinatay ng sundalong dayuhan, hindi ko rin natututukan. Hindi dahil sa wala rin akong pake, kundi tumigil na ako sa panonood ng T.V. O pagbabasa ng balita.

    Ang mga hindi magagandang balita, paulit-ulit na lang kasi. Iba-iba lang ng setting at characters, pero ang plot, ganun pa rin. Parang mga telenobela lang natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay hindi ka na kasi nanonood ng tv hindi mo tuloy nakikita pagbabago sa telenobela natin. charot. nyahaha

      pero yeah paulit-ulit na lang ang mga bad news, reincarnated sa iba't-ibang tauhan. sabi nga, history repeats itself.

      Delete
  2. Na-iimahine ko to na parang dula sa teatro. :)

    Wag muna tayo umasa ng pagbabago kung ang nakararami naman ay namumuhay sa makaluma at baluktot na pag-iisip.

    ReplyDelete
  3. hay oo nga naman...
    parang di na tayo natuto sa nakaraan...

    ReplyDelete
  4. maganda ang realization mo KC

    ReplyDelete
  5. Will we all ever learn nalang. :)

    ReplyDelete
  6. Ikaw na na na na na :)

    ReplyDelete
  7. It's like you read my mind with this post. Ang masa kasi mahilig sa drama. Kahit mali, basta dramatic, sige na lang. Sa totoo lang hindi ako masyadong naaawa doon sa nabugbog at doon sa namatay. Matatanda na sila, alam na dapat nila ang ginagawa nilang kalokohan at panlalamang sa ibang tao. Yung mga kurakot, mahabang usapan LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sinabi mo ba glentot.

      hindi ako naawa sa nabugbog.
      yung namatay, well kaunti. kasi pinatay siya and i guess kahit ano pang ginawa niya hindi dapat siya patayin.

      unless mandarambong siya at ninanakawan niya tayo habang tayo ay nagpapakahirap! makibaka!!! hehe

      Delete
  8. Selective realities, I suppose. We sympathize with Vhong because he's easier to sympathize with. It makes people uncomfortable, siguro? And I don't think many of us are willing to denounce the US altogether.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hay i guess city buoy.

      madali nga sigurong kaawaan si vhong bilang siya ang biktima pero ako actually di naawa sa kaniya.

      jusko malayo pang henerasyon ang magkakaballs na idenounce ang us. hehe

      Delete
  9. I agree. paulit-ulit. press stop then rewind tapos play back. ganun at ganun nalang lagi. kelan kaya tayo magfoforward para makita ang next episode

    ReplyDelete
    Replies
    1. tomooooo! lets pray na may control na talaga sa remote ang mga tao. :p

      Delete
  10. Ayos! Medyo late na ako rito. Magre-react pa rin ako. Matagal nang ramdam ang hindi pagkakapantay-pantay at walang pagkakaintindihan dito sa Pinas. Paatras tayo. Habang ang iba ay nag-a-adjust sa pagbabago ng mundo - tinatatanggap ang pagkakaiba ng bawat tao - tayo naman ay nakakulong sa nabubulok nating kaisipan. Hayy. Pero smile lang lagi. Hehe. :)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...