cubao ibabaw
nasagap ko 'tong si rugged kuya. nakatagilid yung picture niya. rugged and with tats. hot. my kind of guy. so chinat ko. nag-exchange photo kami. i like what i see and fortunately nagustuhan niya ang nerdiness ko. kaya naman without further ado pinush na namin ang dapat na ganap.
it happened last tuesday.
call centre agent ang ate niya kaya sa gabi pa mababakante ang kanilang place sa cubao area. mga bandang eleven. maagang natapos ang meeting ko nun at pauwi na raw siya galing sa school.
madalang na ang jeep nun mula sa kalayaan pabiyaheng cubao. lagpas alas diyes na ng gabi kasi tapos umaambon-ambon pa. hindi ako nagdala ng payong kasi nakakatamad. umuwi pa kasi ako para ibaba ang gamit ko and besides pauwi pa lang siya galing sa law school.
anyway swerte kasi may dumaang jeep. pinara ko agad. bumaba ako sa ali mall kasi malapit daw siya dun. nalagpasan ko pala ang street nila at nakarating ako sa bandang pa-edsa part ng p. tuazon. kinailangan kong bumalik sa ali mall hanggang sa finally makita ko na ang kanto nila.
umaambon pa rin habang nakatayo ako sa madilim na kanto. may mga ilaw naman mula sa poste. may construction ng isang condo sa gilid. naghintay ako.
i'm anxious. paano kung di niya ako trip sa personal or vice versa? ayokong mapauwi lalo na in this momol weather. lol
sinundo niya ako sa kanto. shaved ang kanyang mga facial hairs na gustong gusto ko sa pic niya. baka di raw kasi siya payagang mag-enrol ni dean. nevertheless he is still attractive in my eyes. parang arabic ang features niya though he is not sure kung may arabic blood sila. or maybe indian? mas matangkad ako sa kaniya pero mas toned ang katawan niya sa akin.
the walk towards their apartment is never awkward. we laugh, we joke around, we make chika. fifth floor yata yung apartment nila. basta mataas na akyatan levels. pagoda. walang elevator. haha. may nag-iinuman pa sa ibang floor. haha. neat ang place nila ng ate niya. sa shared room nila ng kaniyang kapatid, doon kami nag hang out.
we started talking to each other. a nice conversation about ourselves and ako kasi naghohold back sa mga taong minimeet ko, but with him, i'm all out. ang daldal ko nga e, I'm talking about this, and that, and those ---
he suddenly kissed me.
i like being interrupted with a kiss. haha pero nagpatuloy kami sa pag-uusap. i learned na he's a law student, he knows how to play the piano, took music though mas nagpakapractical at nag-law, finished nursing in a good school at naaccelerate noong bata pa. super impressive right, bonus pa na good conversationalist pa siya. then he kissed me again and touched me sa right places. bakit ngayon lang daw kami nagkakilala?
i questioned the gods too, bakit ngayon lang? bakitttt?!
honestly, i fell in love at first sex.
ewan. it felt perfect actually. sweet kisses, those caress. god. i dunno but it's different. we know that something is special.
...but i don't know.
i like him. a lot. we exchanged texts after the deed. but i felt baka it just sex sa kaniya, a special sex or something pero nagkarelasyon na siya dati na nagstart din sila sa bed. i was afraid actually to act on it. kasi baka madisappoint lang ako or baka disillusionment perhaps? nbsb ako and i want my first to be special and yet, if ever, my first relationship ay nagsimula sa kama at sa grindr na i always see as loveless wasteland. it can't be right?
pinigilan ko ang sarili kong magtext sa kanya. i want to test the water first. besides hindi pa namin kilala ang isa't-isa... but i like him.
as in.
cubao ilalim
wala na akong gagawin after gym kanina. kaya naman i decided to go to sm cubao para bumili ng shorts kasi nga nawala yung isang sports shorts ko. haha.
...at since may naka-chat ako sa grndr who works in the area syempre mega text ako announcing my arrival. i told him dapat may engrandeng welcoming committee. charot. anyway nalaman ko asa gay way siya so inalok ko siyang makipagkita.
kasama raw nya workmates niya. i proceeded na lang sa sm cubao. but he asked me out kung trip kong manood ng the gifted. pumayag ako. i'm not expecting anything naman. go with the flow. hanggang sa magkita kami sa bilihan ng tix.
well he's clean cut cute. he is five years younger than me and he is taking up dentistry at parehas kaming kapampangan. eventually nalaman ko rin na mula siya sa isang powerful political family. god. way out of my league actually. lol. grabe siya. haha
nanood kami ng sine na parang magdyowa. holding hands, flirting. he is teasing me by touching my nips. kaloka siya. haha after the film nagkayayaan sa starbucks. pababa ng escalator, we kissed. sweet levels lang. naloka si manong guard. haha. okay lang. he keeps on asking me kung like ko ba siya, yes i like him. he is kinda clingy and well parang demanding. haha. though i don't mind. as if para kaming magjowa. aba dinedare pa ako na ikiss ko raw siya sa starbucks. ginawa ko naman. smack lang naman. lol gabing gabi na at lumipas ang lunes... martes na nga...
magsasara na ang starbucks kaya kinailangan naming lumipat sa iba. i suggested jollibee. habang papunta kami run, may dalawang batang babae na namalimos sa kaniya. take note sinama niya at pinakain namin ng jolly spaghetti (medyo labag sa aking kalooban. haha medyo lang naman! so don't judge me. nyahaha). habang kumakain ang mga bata we hold hands and we smacked pa nga for the whole jollibee to see. kalowka. haha
sabi pa niya sa dalawa boyfriend daw niya ako. tas cute nung isang batang babae na six years old, nine kasi yung isa. hindi raw kami pwede kasi lalaki raw kami parehas. lol. tanong pa niya, sinong mas pogi raw sa'min. yung 6 kami raw dalawa, e pinilit niya na isa lang. haha. so yung 9 tinuro siya, yung 6 sabi ako raw sabay explain na dapat daw piliin yung isa para hindi magtampo. pucha. haha natawa kami. porke ba moreno ako nanalo ang maputi?! haha so binawi ko yung spaghetti. charot. haha pero yeah mas cute nga siya sa akin. hehe hindi talaga nagsisinungaling ang mga bata. lol
hanggang sa umuwi na kami. hinatid ko siya sa sakayan. at oo ilang beses ko siyang inaya sa motel. haha im a slut. again, please don't judge me. haha turn off daw yun sabi niya. syempre hindi ko na pinilit no. haha. papunta sa sakayan, magkaholding hands pa rin kami. ilang beses din niya akong tinanong kung gusto ko siya, binalik ko ang tanong sa kaniya. hindi raw siya makikipagholding hands kung hindi. okay. sabi ko uhm oo.
mahaba pa ang lakaran, ilang beses niya akong tinanong. nabobother siya. binura na niya ang kaniyang grindr. he wants mine erased. e hindi ko binubura. haha. so there, i know he felt my reluctance and i explained to him na nbsb nga ako and i want everything to be sure. magkasama lang kami ng ilang oras. hanggang sa dumating kami sa jeep na sasakyan niya.
i told him to text me when he gets home.
asa jeep pa lang ako pauwi tumawag na siya agad. bothered na baka raw nakipagmeet ako. sa bahay, nagpatuloy ang textan namin.
then he called.
good night daw. groggy, parang antok na antok.
love mo ba ako? tanong niya.
agad-agad? sabi ko naman.
love mo ba ako?
agad-agad?
love mo ba ako?
agad-agad?
love mo ba ako?
ikaw?
ako ang nagtanong.
agad-agad?
yes or no?
natawa ako.
love mo ba ako?
agad-agad?
love mo ba ako?
hindi pa.
okay. good night.
binaba niya ang phone.
hindi ko kasi alam. honestly, natakot din ako, paano kapag sinabi kong hindi mawala siya? kapag oo naman i might lead him on... hay jusko.
i'm not sure if he'll call or text me again tomorrow i mean later. :s
***
ay day good catch silang dalawa at higit sa lahat mas cute sila sa akin! haha feeling ko ako si bella torn between edward (the clean cut student doctor) and jacob (the rugged law student). shet. wow ang aga to think about it at assuming na ako agad e dalawang tuesdays pa lang naman yun. In short dalawang magkaibang araw tas pilian agad at torned na?! haha #feelingmaganda
pero honestly si jacob ang mas trip ko. i felt something more. spark or something. kaso si edward yung nagsabi talaga ng kaniyang intentions though kasi naman atatchiba e hindi pa nga niya ako kilala and vice versa... though ganun din naman status namin ni jacob? wah. pakshet.
maybe I'm just like this because kasi nga somehow i'm looking for that something special na rin?
hay crazy tuesdays.
maybe back to normal na ulit pagsikat ng araw.
or maybe, is this wish granted?
a love story in the making?
bigla kong naalala...
ilang beses na rin akong naloko sa cubao.
hahaha :) ang bait naman nung isang bata, piliin ang isa para di magtampo lol :)
ReplyDeleteTrue. Haha hongkyut. Biba si bagets may upbringing kahit pulubi. Charot haha
Deletepakiwari ko kung nandun ako sa eksena nung sinabi niya yun, hahagalpak ako ng tawa :) parang utang na loob at dapat mo pang ipagpasalamat na pinili ka niya, ganun :) peyborit ko ang part na yun lol
Deletehaha oo jep natawa kami ng wagas sa eksenang yun. haha
DeletePak na pak! Naalala ko ang bagong book ni Noringai. Hahaha. Parang ikaw sya magsulat!
ReplyDeleteAh talaga? Nakakaflatter naman. :) hihi salamat yccos! Hihi
DeleteAlam na alam ko yung mga lugar na binanggit mo. Juice ko, madalas ka pala mapadpad sa lugar namin. Malamang nagkasalubong na tayo once. *hahaha*
ReplyDeleteSo ang dilemma is if Cubao Ibabaw ba o Ilalim? *tsk tsk* Wala bang gitna?
I respect your views and opinions about sa pagiging NBSB mo. Kaso doubtful ako na magiging perfect and ala-Disney movie ang first relationship mo, lalo na't homosexual ang nature. For me kasi mas okay kung may experiences na sa relationships. The first one will always be innocent, awkward, and sweet. But the next ones would be better, and the last one the best. I'm not insulting your capability to be in a relationships huh, KC. Medyo mababa lang kasi talaga ang faith ko sa strength ng homosexual relationships. Just my two cents though.
Nakaka-relate ako kay Ilalim. Parang kapareho ko kasi siya pagdating sa pakikipag-date. *hahaha* Masyadong mabilis. Delikado.
ay dapat ikaw na pala ang pinupuntahan ko eeee! haha malapit lang ako sa cubao! magpakita ka. hehe
Deleteanyway mas gitna ako actually ngayon. haha.
...at well i guess yung mga naramdaman ko sa nasabing post ay dala lang nung mga moment na yun.
actually sep, alam ko naman sa fairytale lang yung perfect love story. realistic naman ako sa mga bagay bagay. pero yun nga bilang nbsb ayoko namang magsettle lang basta basta, kumbaga gusto ko naman na kung shit hole ang mararanasan ko, deserving naman yung lalaking mananakit sa'kin. hahaha
haha well about my capability to be in a relationship, actually I'm doubting myself na rin minsan kung pangrelasyon ba talaga ako. kasi kung hindi ayoko rin naman pilitin ang sarili ko. haha kaso hindi ko naman masasabi yun hangga't di ko pa nararanasan di ba? nyahaha.
haaay. howell.... hahaha
Ang scary ng mabilis. My own opinion, though. Or maybe I'm free spirited that way. I'm even doubting currently if I can be in a relationship.
Deletenakakaloka di ba ryan? hehe hello nga pala. lol
Deleteanyway actually naalala ko dati may gusto ko, ang bilis ko rin. ahaha baka i guess depende talaga sa sitwasyon.
haaay pero yun nga baka hindi pala ako pang relationship. :(
shet.
Ang extreme mo naman, KC. Kung hindi sobrang positive, sobrang negative naman. *hahaha*
DeletePano mo malalaman kung deserving ba ang lalaking mananakit sayo? Ano ang criteria? lol
Hello as well. :)
DeleteIt's not wrong not to be ready for a relationship. What's bothersome is when you insist you are when, in fact, you are not.
As I recently learned.
i know sepsep. I'm so complex. charot. hahaha
Deletewell hindi ko rin alam. haha maybe I'm crazy like that. haha or baka dala yan ng mga insecurities and trust issues ko sa buhay... baka takot lang talaga akong tumalon sa relasyon. :s
...sana may taong handang pawiin ang takot ko. yehes. haha
true ryan! tama! ayokong i-push kung hindi pa naman talaga game. ayoko rin naman ng pilit na relasyon. hehe
DeleteMamili ka na tas akin yung isa yung hindi mo mapili okay?
ReplyDeletepwedeng ako na lang piliin mo?
Deleteyihee. haha #simplengmalandi
haha
It is a pleasure to follow ur blog. I like this post, ure very honest. No pretense saka parang nakikinig lang ako sa isang barkada while i was reading ur post. I love it.
ReplyDeletemabuti naman may napala ka JA. hahahaha
Deletesalamuch salamuch.
:)
Agree, Ron. Very candid. Hashtag: #nofilter. :)
Deleteawww salamat ryan. :p
DeleteI hope to have more dose of that candid story telling... kaabang abang. heheheh
DeleteKids. Sigh.
ReplyDeleteIKR anon. lol
Deletehahaha... punta ka kasi sa hopeless place.
ReplyDeletemalay mo, you find love there ☺
Rihanna lang? lolz
hopeless case na raw kasi ako rix. charot. haha
Deletecubao is an evil, evil place. hahaha!!!
ReplyDeletenice to read your exploits again, kalansay. ;-)
im so glad na nagbabalik ka na sa pagblablog nurse ruff. hihi
Deleteabot parañaque ang haba ng hair!!! :P
ReplyDeleteso sino na pinili mo?
uhm. haha naulit si law stude e. hahahaha
Deletehay howell. haha