Monday, December 8, 2014

one night stand

kulay kahel ang kalangitan sa paglubog ng araw. sinisinagan ang mga ulap na wari'y nagpapakita ng mga imaheng magsasabi ng iyong kapalaran. nakakabingi ang katahimikan at kapayapaan. at bihira iyong mangyari sa kamaynilaan.

yan ang eksena kahapon noong lumabas ako ng bahay. parang may certain anticipation, isang landian ng lungsod dahil alam niyang may parating siyang bisita -- si ruby. a seduction na tila naghahamon, o isang wisdom na handa siyang harapin ang parating na unos. 

si ruby. bida kontrabida. isang precious stone. pulang pula. passionate. may landi.
sa kaniyang pananalasa, animo'y nang-iinis dahil sa kaniyang kabagalan. 
ninanamnam ang pagtama ng kaniyang majestic winds, pinapatikim ang kaniyang pait sa pamamagitan ng walang tigil na ulan. 

tila isang babaeng iniwanan ng pinakamamahal na jowa. 
o isang asawang nalaman na may querrida ang kabiyak.

at ang bansa, ang kabit, na dapat makatikim ng kaniyang hagupit. 
unti-unti, dahan-dahan. binabayo ang kalupaan, humahalik sa mga lungsod na dinadaraanan. 
nag-iiwan ng pait.

parang isang babaeng ubod nang ganda, na lahat nabibighani niya, ngunit matapos makuha, iiwanan na lang basta ang lalaking nahulog sa kaniya. nababaliw sa kanyang pag-indayog at pagbayo, lahat ng mga kababaihan ay hawak ng mahigpit ang kanilang mga mangingisdang asawa dahil baka matakam at kumagat sa kaniyang panlalandi. 

si ruby. ang magandang malandi. handang kunin ang kanilang mga asawa, lulunurin sa laot matapos paglaruan, samsamin ng kaniyang mga matatamis ngunit mababagsik na halik.

kahapon, naramdaman ko hanggang ngayon kung paano siya manlandi. 
ang lungsod ay naghihintay sa kaniyang pagdating, may halong takot at pananabik.
kahapon, tila nahawa sa kaniya ang mga tao, sa hatid niyang lamig, kasabay pa ang simoy ng disyembre at bantang paparating na daluyong. 

parang maraming nakakain ng sili. init na init sa kabila ng ginaw ng panahon. pabugso bugsong mga damdamin gaya ng binubugang hangin. ang daming nag-aaya sa grindr. lol. at naisip ko, talagang sabay sabay silang nalibugan sa gabing ito? 

baka dahil kay ruby.

o dahil sa lamig ng panahon.
lahat gustong may kasamang makatabi sa kanilang mga kama.
maging masikip ang higaan para may kayakap habang binabayo ng ulan.
o sinasampal ng malakas na hangin. 

itong si ruby na malandi na nagsasaboy pa ng maraming landi. 
bakit nga ba hindi? ang lumbay ng panahon ay tumatagos marahil sa kanilang mga puso at puson. 
naghahagilap ng makakalantari. 

walang natuloy. siguro gaya ng bagyo, naisip nila na masyado silang pabugso bugso. basta basta na lang sumasalakay. tutal wala pa naman si ruby.

hindi pa nila mararamdaman ang sumpa nito.

hanggang ngayon, nanunuya pa rin siya, nanlalambing na hindi mo maintindihan dahil masyado siyang nag-eenjoy sa pananalasa sa bansa. 

iiwanan ang mga isla, ang mga barrio at mga mumunting siyudad, mga luhaan. 
lahat sila nakatikim ng bagsik ni ruby. 

ngunit maging siya ay nanghina, marahil kapag nakikita mo ang maraming kalungkutan at tila walang hanggang pagkawasak, madudurog din ang puso mo at ika'y manghihina. 

sa ngayon, ilang puso na nga ba ang dinurog ni ruby? sa pagbaybay niya sa timog katagalugan, unti-unti na siyang nanghina. naapektuhan sa mga dasal, sa mga pakiusap, sa mga daing ng kaniyang mga sinaktan, sa mga galit ng asawang tinataboy siya para hindi niya makuha ang kanilang mga asawa, mga inang mahigpit ang yakap sa kaniyang mga anak...

ngunit sa lungsod ng metro manila, iba, tila hinihintay ang kaniyang pagdating. 
isang lalaking bihis na bihis, handa siyang yakapin at salubungin. 
may ngisi na alam niyang sa gabing ito, siya naman ang magwawagi.

pagsasaluhan nila ang gabing ito.
one on one. walang kaagaw. 

humahampas na sa katawan ng matipunong lungsod ang hangin ni ruby. batak ito sa trabaho at sa pagmamaneho at sa pagbubuhat sa palengke at sa sari-saring hukay kalsada. ang mga ambon ay sensyales na malapit na nga siya, nagpapakabasa lang ang siyudad, ang mga ilaw nito marahil ay tanaw na ni ruby, animo'y iniinis at inaakit din siya. 

ako ang harapin mo. 

tila panglalandi nito. may ngising nang-aakit. 
hahaplusin ni ruby ng kaniyang hangin ang katawan ng lungsod. 
didilaan ng kaniyang nanghinang ulan. 

yayakapin siya ng bisig ng metro manila, sa haba man ng edsa, kulang pa rin ito para mayakap ang kabuuan ni ruby. ngayong gabi, maglalaro sila. magnininiig. mababasa ang mga kalsada. maaaring bahain ang mga kalye. tahimik ang gabi pero malakas ang ungol ng hangin, maging ang pagtama ng ulan sa mga bubungang pinaghandaan ng mga mamamayan para hindi tangayin. 

magiging maginaw ang magdamag. o maaaring mabalot ng katahimikan ito. 
maaaring bukas o sa makalawa, aalis palayo si ruby. 

pero dama pa rin ang kaniyang mga luha, 
luha ng babaeng nagmahal pero hindi siya kayang mahalin pabalik.

22 comments:

  1. Oo nga, ang landi niyang si Ruby, kababaeng tao ang lakas bumayo. Naghasik talaga 'to ng kalandian lalo na't maraming lugar ang na-blackout. Maraming mag-asawa ang basang-basa, damusak (dahil sa ulan, naalis bubong nila, wag ka jang ano, haha…).

    Bet na bet ko 'tong post mo teh, napapa-imagine ako. Si Ruby ay naka-cocktail dress na pula, super sexy with her red lips, ang taray pa ng kulot ng lola mo.
    Ang macho ni metro manila, char!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay akala ko kung anong nabasa. hihihihihi

      hindi ba ang lakas makakontrabidang makiri ni ruby? haha at oo naiimagine ko isang hot brusko itong si metro manila. ang sarap. amoy pasig river nga lang. chooooz. hihi

      Delete
    2. Winner na winner ang pagkaka-react ni AnonymousBeki! Ateng! Kung saan-ssan na blog na kita nababasa! Ahahhaa! Baka magka peymus problem ka niyan @AnonymousBeki

      Delete
    3. hi mc wright! salamat sa pagdayo dito at pagstalk kay anonymous beki. haha

      Delete
  2. Mukhang napagod na rin si Ruby kakasayaw sa mga isla, hindi pa ito nakakaalis ng bansa ay tunaw na ang kanyang bagsik.

    Mugen

    ReplyDelete
  3. si ruby, isa lang siya sa mga darating at aalis sa atin. wala sa plano nya ang magtagal dahil sa simula pa lang, ang paalam nya ay makikiraan lang. maaring ngayon siya ang nasa isipan ngunit kapag dumating na si S, T, U, V.... isa na lamang siyang nakaraan, isa sa maraming nagdaan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti na lang hindi siya gaya ni yolanda na nagdaan man, inukit naman niya ang sarili sa ating kasaysayan.

      Delete
  4. nyahaha natawa ako sa post na ito.

    very catchy ang title huh ahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikaw iba ang inexpect mo dahil sa title hano rix? ahihihi

      Delete
  5. Sabi ni Korina, dun na lang daw sa Japan maglandi si Ruby. Ayan, andami tuloy nagalit. Ayaw nilang mag-Japayuki si Ruby. :P

    ReplyDelete
  6. Tarush naman ni ruby sa post mong ito. Galing bumida hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. lakas niyang makaeksenadoraaaa. hehe merry christmas mac!

      Delete
  7. I so love ang pagsusulat mo te! Kung nabasa lang to ni Ruby natuwa din sya :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. grabe pinalalaki niyo talaga ulo ko. hihihi

      happy christmas zai. :p

      Delete
  8. i love this post but i was imagining someone else playing the role of ruby. hehehehe

    ReplyDelete
  9. Sobrang ganda nito. Sarap basahin ng istilo mo sa pagsusulat. :)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...