Saturday, November 22, 2014

SOS

Anybody there? 

It has been 36 days from now noong nagkaroon ng lindol na yumanig sa Metro Manila. The power is still down and Im surprised na may nasagap akong 3g signal to post this. Thanks to my powerful powerbank at nagsurvive ang phone ko for days. Actually naka-off lang siya since nawalan ng kuryente nung day 34. Pawala wala actually. Pero ngayon wala pa rin. Nakakatakot kasi kahit alas ocho pa lang ang dilim na sa labas. Ang sangsang na ng amoy dahil sa mga bangkay na hindi pa natatanggal at narerecover. Actually kaunti lang ang casualty ng lindol, kasi napaghandaan ito ng mga tao dahil paulit ulit na paalala ng gobyerno dahil sa mga sunod sunod ding lindol sa asia bago ito. Kaya ayun, naging alerto ang mga tao ang kaso yung mga nasa gusaling corrupted at mahinang klase, kahit handa sila nangamatay pa rin 


Sorry. Naputol. Ang tanga ko kasi. Dahil sa pitch black darkness may nakakitang zombie sa'kin dahil sa liwanag ng phone ko. At oo. Zombies. Kasabay ng paglindol may kung anong sumingaw sa lupa na naging cannibal bigla ang mga tao. Ewan. Basta nung day 3 habang may nirerescue sa rubble ng Congress, biglang boom inatake na lang mga rescuers ng  mga survivors doon at kinagat sila and gaya ng mga napapanood natin sa hollywood, kumalay ang sumpa in a snap. Ayun. Mas napabagal pa ang rescue dahil sa mga zombies. Tapos 

Ok. Interrupted again. Hay. Well normal silang tignan, malalaman mo lang na zombies sila kasi red ang mga mata. Parang adik at naglalaway. Narabies ang peg. At hindi gaya ng sa hollywood, hindi sila mabagal or mabilis tumakbo. Normal lang. Unless yung zombie na hahabol sayo dating nagmamarathon. So pag obese ang zombie, swerte ka kasi ang bagal nun. Ligtas ka agad. Or ag old man or old hag. Effortless sa pagtakbo. Pero yun parang may rabies nga kapag nakagat ka mahahawa ka. Unless nakain na major organs mo syempre patay ka. Pero pag nakagat ka lang. Alam mo na. Anyway bakit ko ba pinopost ito? 

Well 1. To ask help. 2. Awareness. 3. Para sumikat. Eh di ba si pigafeta ba yun yung kasama nina magellan sikat kasi naging chronicler siya ng mga navigators. Eh ganito lang yun. Para bago man lang maempty ulit itong phone may mapost akong observation na mababasa ng mga tagalabas worldwide. Unless may zombie invasion na rin sila. Pero i doubt. Feeling ko nakaquarantine na ang buong pinas ngayon. Laman ng cnn at trending topics. May magtwitweet kaya ng proud punot dahil sikat na sikat ngayon ang bansa? Alam mo na? Yung mabalita lang ang isang pinoy stuff sure na proud pinoy comments agad. Di ko naman issue yun noong normal days pero ngayon kasi weird lang pag may nagattempt. Pano kungabuanhcixa 

Alam na. Naputol ulit kasi may nakakita ulit sakin. Pilay naman na zombie kaya mabilis akong nakatakbo. Bulo na kasi mga paa niya kaya habang hinahabol niya ako natutumba siya kasi yung talampakan niya magpipiraso sa lupa. Wasak. Solid. Hay. Sinusubukan kong magpakanormal for my sanity. Hay. 

Kaya kung sinoman ang nagbabas anito across the world, help us. Send anti-rabies vaccine or whatever. Experto pr kung sino man. US  this is your chance to help. At china please wag niyong samantalahin ito. Hay stress. 8% na lang bat ko gtg. 

Wala lang. Excuse na post ito dahil perstaym kong magpost using mobile. Lol
*this portion is written via blogspot mobile app.



***
sos.

wala akong mapost.

anyway bored lang ako kanina habang hinihintay ko ang friends ko sa morato kaya nagblog ako sa mobile. ayan. kasalukuyan kong dinadagdagan ang random post na ito sa aking laptop. isang buwan din pala akong hindi nag blog. 

dahil ang naisip ko dapat na i-post ay mga simpleng bagay na nakaka-cloud nine! (and please hindi lahat about love. lol #bitter). well bukod sa marescue sa isang zombie apocalypse hano? lol

1. ang makapasa sa surprise quiz ng prof. oh yeah.
2. matanong sa class recitation na ang tanong ay saktong sa mga chapters lang na nabasa mo. destiny is working!
3. makakita ng pera sa bulsa mo ng bag o shorts o pants in a snap.  nakakakilig lalo na pag poorita ka as of the moment.
4. unang kagat sa pagkain pag gutom. yum. or unang sayad ng tubig sa bibig pag uhaw. aaay heaven.
5. last set ng exercise! whew!
6. ang tunog ng frizz ng coke sa baso. fizz. fizz.
7. ang malamig na hangin sa mainit na hapon. or ang singaw ng aircon na lumalabas sa pinto.
8.

wala akong mapost. sos!

***

i like my things dirty. i mean my bag. my shoes. haha ang dugyot ko. lol hindi rin issue sa'kin kapag may dog ears ang books ko or nalukot or naputikan. basta. gusto ko mukhang gamit na gamit ang mga bagay na pag-aari ko.

ewan. mas nagkakaffinity ako sa gamit kapag mukha siyang naluma o nahulas na. kapag bago napepekean ako or something artificial. haha parang hindi pa kayo magkakilala. ganun.

ang labo lang talaga ng post na ito.

***

survey:

1. anong weapon na pipiliin mo sa zombie apocalypse? a. bote ng suka. b. bentilador. c. door knob.
2. sinong gusto mong makagat/makain ng zombie? a. ex. (taray ang bitter) b. boss. c. cynthia luster.
3. kapag ba nakipagsex ka sa zombie ang tawag pa rin sa'yo ay necrophiliac? true. false. why? why not?
4. pano ba idisable ang autocorrect dito sa blogspot? kairita.

***

nakakataranta kasi ang dami kong sinusubaybayan ngayon:
the newsroom season three na last na nila.
how to get away with murder na patay na patay ako kay jack falahee aka conner.
ang charming na jane the virgin.
awkward season four na chaka actually.
ang least fave season ko so far ng american horror story na freak show.
teenybopper kilig na faking it.
balik subaybay sa survivor blood vs water san juan del sur na pinanood ko lang ulit nung nagpunta sila rito.
season 2 ng legend of korra. labs it.
at ang the voice of the philippines, ang aking fave local tv show ngayon.

bored lang talaga ako.

***

mema lang ang post na ito.

sos.





12 comments:

  1. High ka ba nung sinulat mo ito? *hahaha!*
    Tagal mo rin nawala ah.

    May autocorrect pala ang Blogspot? Parang wala naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha oo high sa boredom! Lol
      E bat sakin meron? Haha baka dahil sa safari or something. I hate it. Haha

      Delete
  2. kakamis ang pagbisita at pagbabasa ng mga posts mo... dami ng inactive noh? hayst

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. Hahahahaha ok lang yun wala ka namang namiss kasi mema lang haha

      Delete
  4. Nakakaaliw ka talaga mag sulat. para lang akong nakikipag usap sa kaibigan sa isang cafe. papalit palit ng thoughts pero masaya. very random nga naman. dami taung parehong series na pinapanuod. hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hihi kinikilig naman ako dito. See baka soulmates tayo! Hahaha soulmates agad lol. Anong mga series pinapanood mo? :)

      Delete
  5. in fairness, naenjoy ko tong trip mo ha. lolz

    ReplyDelete
  6. hehe, di ko alam kung anong main topic neto, pero naenjoy kong basahin.

    anyway, sasagutin ko yung survey:

    1.) a. bote ng suka
    2.) not a (wala pa akong ex, NBSB akiz), not b (i'm still young at hindi nagka-experience magkatrabaho), not c (babae kasi), my answer is letter d (pwede mag-imbento? yung crush ko!)
    3.) inferlalu, naguluhan na naman ako. di ko alam. ang alam ko lang tawag diyan maniac kasi pati zombie chinunurva pa, ahahahah
    4.) di ko din alam (churi, di ako nakatulong)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...