march 6, 2019.
yan ang last post ko dito. ang opening?
gusto mo ng surreal feeling?
1999.
twenty years ago.
imagine how different the world was.
ang sabi naman ng 2020, hold my beer. lol.
a year ago, imagine how different the world was.
imagine your june last year, sa june natin ngayon. it feels like decades ago. sobrang magkaibang mundo.
actually, imagine your january 2020 sa june -- buwang nasa iisang taon pero tila ang layo layo ng kanilang agwat. binago ng pandemic ang buhay nating lahat.
sa isang iglap, may ibang kahulugan na ang mga yakap, ang mga halik, ang pakikipagkita sa labas, ang mga chat, ang mga vidcalls...
mas lumalim ang kahulugan ng lahat. ang bawat araw na lumilipas ay panahong pakikipaglaban -- sa sakit, sa pabayang gobyerno, sa mga issues na tinatakbuhan.
these past few months, we examined ourselves more -- ano nga ba tayo bilang tao. sino ba tayo bilang pilipino -- the lines were drawn.
suddenly, may clone na rin tayo sa fb gamit ang ating mga pangalan. imagine the double fear -- buhay mo offline na any any pwedeng kitilin ng virus at ng mapang-abusong mga pulis, o online life mo na may banta ng mga pekeng account na tila nagsasabing, alam nito ang galawan mo.
ito na ang bagong mundo -- malayo na sa mga mundo natin buwan ang lumipas.
pero sana sa kabila ng daigdig na pilit nating iniintindi -- sana wag tayong matakot.
bago man ang ating ginagalawan, pwedeng mangapa, pwedeng kililanin ito -- pero wag na wag magpapagapi. sabi nga ng post sa twitter, manginig tayo nang sabay-sabay para ang mga yanig nito ang maramdaman nilang lahat...
sa'ting paghahawak kamay, mapapawi ang takot.
sa'ting pagkakapit-bisig, walang ibang boses ang mamumutawi kundi ang ating mga sigaw.
hindi tayo papatalo sa kanilang lahat.
#JunkTerrorBill.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
Ilang linggo na lang Pasko na, subalit heto't lugmok pa rin tayo sa kabulukan ng gobyerno. - Mugen
ReplyDeletesobra. di ba nakakapeste. ugh
Delete