Wednesday, June 29, 2011

supot ka pa no?

finally nagsimula na ang aking first MA class bilang natatapat lagi na holiday tuwing monday. so ngayong monday this week lang kami nakapagklase.

mga tauhan:

isang magaling na nobelista bilang aming propesor.
isang pari na isa sa aking tatlo lang na kaklase.
isang babae, ang rose among the thorns.
isang propesor ng kolehiyo.
at isang mayumi, dalisay at tunay na busilak na nilalang. (hint, ako yun)

chors. in fairness interesting ang aming mix hano? fun naman ang first day though kailangan kong makinig ng mabuti kasi nga dahil matanda na si sir, medyo mahina na siyang magsalita. nagkaroon ng on-the-spot na tanungan halimbawa kung anong topic ang nais isulat... ako ang unang tinanong at dahil dalisay ako, busilak at mayuming tunay ang sinagot ko ay...

ang TULI.


yes. eh bakit? haha pero seryoso fascinated kasi ako sa kapangyarihan ng tuli sa ating lipunan. kapag hindi ka tuli, alam mong may stigma ka.

so dahil doon umikot tuloy ang usapan sa well.. sa ano pa ba... sa bagay na tinutuli. hihi. personally, kebs lang pero parang may awkward moment dahil nga may babae at may pari sa klase. haha pero maganda naman ang mga insights na nabatuhan.

mula sa mata ng relihiyon, ibinahagi ni father na noong unang panahon nirequire na kailangang matuli lahat ng mga katoliko or else hindi sila magiging tunay na kristiyano pero of course dahil lang iyon sa pulitika ng mga relihiyon noon na may kinalaman sa pagiging hudyo and all.

tas syempre nagalugad din ang punto ng syensiya na mas hygenic daw ang supot at mas masarap daw sa sex... shet naalarma ako for father. chos lang. and then ang sumunod ay ang mga pamahiin na sa probinsiya daw ni sir, kapag hindi raw tuli ang ama, ang mga magiging anak ay mutain. funny.

ayun.

so doon iikot ang assignment ko for next week. though pwede naman daw baguhin. well i think i will stick with it. shet tumatambling ako ngayon balancing school and work, sana totoo na lang yung time turner ni hermione para ako na ang best in multi-tasking.

anyway imagine kung ano kaya ang distress na maibibigay sa taong supot lalo na sa isang society na kinahihiya ang pagkasupot? parang hindi niya maexercise ang power ng kaniyang phallus. or the other way around? na siya pala ang pinakamakapangyarihan? ang sinasamba dahil sa sarap na kaya niyang ibigay sa mga dalaga (at binata. chos) sa kanilang nayon?

***

howell, naalala ko lang noong bata ako na sobrang big deal kapag hindi ka pa tuli bago mag-grade 5 at kapag maaga kang tinuli ang yabang yabang mo na. pakiramdam mo ang tapang tapang mo na dahil nakaya mong harapin yun sa kabila ng pagpalahaw ng ibang bata. feeling mo tatangkad ka na at magbibinata.. well in my case, nagdalaga ako. chos. right of passage ika nga nila, coming of age at tunay na lalaki ka na raw kapag tuli ka na.

tinuli ako bakasyon bago mag grade 5. kailangang langgasin kung ayaw mangamatis. haha thanks to dahon ng bayabas. pero ang pinakamemorable noon habang tinutuli ako ng doktor sinasabi niya na dapat sa girls daw ginagamit ang pototoy at hindi sa boys. eh ang dami pala niyang alam e. chos. haha syempre hindi sa lahat ng bagay susunod ka sa mga doktor di ba?

Wednesday, June 22, 2011

titser, may i go out?

desk ko nung persday

bagong mundo.
bagong mga mukha.
bagong simulain.

mula nursery hanggang college namulat ako sa paaralang de uniporme, nagdadasal bago magsimula ang klase at block section. masasabi kong elementary to college education talagang laking catholic school ako. kaya naman excited ako sa aking MA. kumbaga, lalabas na ako sa kumbento at haharap sa panibago kong mundo.

first day of class, excited ako at feel na feel back to college dahil kailangan kong kumuha ng undergrad subject e so ang mga kaklase ko mga bagets talaga. ayun sa unang araw ng klase, walang prof. haha laos. so nagstart talaga ang klase ko friday na pero ang inaasahan kong babaeng prof iba pala, dahil lalaki ang nakaupo sa teacher's table na kinagulat ko naman.

actually maaga pa si sir sa 10 am na sched namin sa class. akalain mong nagdidiscuss na siya. so pagkaupo ko may i tanong agad. kung dapat ko raw alamin kung sino ang mga national artists sa literature sa UP, san daw dapat ako magtatanong... so ako: sa NCCA? san daw dun? sabi ko sa department na nagagawad ng award... sino raw kakausapin ko run, janitor? sabi ko chairman, eh malay daw ba ng chair dun. sa UP nga raw... er so i think he starts to become impatient na. i feel so bobo. hahaha pakshet... so sabi ko sa department of filipino? pwede raw kaso filipino lang daw yun.. so nagbigay siya ng ilang samples... so ito ang highlight ng q and a portion na yun...

prof: so saan ka nga magtatanong?
ako: (medyo nastrestress nako. haha) er sa may alam?
prof: (mas nastress siya. haha) ay ang talino ng studyanteng ito!

haha. eh well ang hinahanap lang niyang sagot ay UP Creative Writing Center... okay fine ang dali lang sana ng sagot. hello? common sense lang sana. haha pero dahil dayo palang ako sa unibersidad aba malay ko ba. haha. so much for first impression di ba? haha

well terror si prof pero okay lang naman kasi magaling naman siya at dama kong marami akong matututunan sa kaniya kaya excited ako.

namiss kong magkaassignment.
namiss kong gumising ng maaga.
namiss kong mangarag dahil sa school.

well bukas ng umaga papasok ulit. at dapat tulog na ko ngayon. haha
pero grabe minsan ang switch mode ng utak ko, biglang magwawander sa school stuff.. tapos sa work.. tas sa porn. chos. haha basta  naguumpisa na siyang mahati hati.

haist. ang excited na akong pasukan yung MA class ko, hindi pa kasi kami nagkaklase run kasi natatapat na walang pasok ng lunes. well next week magsisimula na kami, can't wait to meet my classmates. shet, this is it, unti-unti ko nang nararanasan ang panibago ko na ng mundo.

since panibagong mundo... baka dito naman ako magkalablayp? haha naisingit talaga e no... howell sana mapaninidigan ko at hindi ako magtitser titser may i go out forever.

Monday, June 13, 2011

a tale of two universities

natatakot ako ngayon.
natatatakot ako sa panibagong mundong papasukin ko.
actually hindi ako natatakot sa bagong mundo, ang kinatatakot ko lang baka hindi ko ito mapanindigan. alam ko kasing hectic at erratic ang sched ng aking trabaho at hindi biro ang desisyong ito na magsingit pa ng isang bato sa mundong naguumpugan na nga ang mga bato.

pero i just did a big decision. 
matagal ko nang pangarap ito... 
at ito na yun, i just hope right ang timing. 



alam kong hindi biro ang maging isang working student. 

***
naaalala ko noong grade school kapag tinatanong ako kung saan ako mag-aaral ng college, sinasagot ko na gusto ko sa UP. then high school came, tatllo sa mga kinuhanan kong college exam (UST at ateneo), isa roon ang UP.

to make the story short, hindi ako pumasa sa diliman. sa baguio pasok ang quota ng upcat grade ko pero dahil pumasa na ako sa UST at naniniwala ako sa huwag nang ipilit kung hindi ka naman talaga pumasa, sa UST ako nagcollege at hindi ko naman ito pinagsisisihan. i fell in love with UST unang tapak ko palang dito noong nagentrance exam ako kaya i think we are meant to be. 

june 10, isang araw na kung saan magkrukrus ang landas ng aking nakaraan at hinaharap. natanggap ako sa MA ng UP at sa araw na nabanggit ako itinakdang magenrol. habang binabagtas ko ang school, hindi ko mapilitang alalahanin noong mga panahong pinangarap kong mag-aral doon. tapos hindi lang ako makapaniwala na nakapila na ako kasama ang mga estudyante para magenrol. totoo ba ito? siguro nakangiti ngayon ang aking grade school self, sino nga ba ang magaakalang matutupad pa ever ang kaniyang pangarap na makapagaral sa pinangarap niyang paaralan?

paid. matatawag na nga akong UP student, iskolar ng bayan, isko, iska... ang weird lang. totoo na nga, pinagmamasdan ko na ang aking form 5, hindi na ito panaginip. pero dahil wala akong original transcript, kailangan kong magbalik sa UST.

...ang aking UST.


bumalik ako sa unibersidad na minahal ko at patuloy na minamahal. nalungkot ako sa totoo lang. wala. parang may pakiramdam kasi na para na akong nagpapaalam. may bigat sa mga yabag ko noong magaapply na ako ng transcript. tinanong kung para saan... para sa grad school.... para sa isa pang university... para sa panibago ko nang mundo... it's surreal, it's overwhelming because in just a day, parang nagcross ang aking past at future.

yeah. my past. and my future. 
big words and big worlds. 

this is the part where dream and fear collide.

hmmm. 

heto na nga.

wala nang atrasan to. 
nawa'y handa na ang isko na tomasino.

Tuesday, June 7, 2011

just for ke(e)ps

hanggang saan ang kaya mong gawin para pigilan ang kati? kaya mo bang tiisin ang temptation? pero sadyang marupok ang tao. kapag tumatawag ang laman, sinasagot mo ba? o binabagsakan mo? hanggang kailan mo kayang tiisin ang init? ang alab ng iyong nagbabagang damdamin?

ililigo mo na lang ba?
hot shower?
or sa bathtub with more bubbles?

you just can't get enough of his or her touch...
ang mga haplos na kumukuryente sa iyo, ang mga bulong na kumikiliti sa iyong tenga...
kapanapanabik na mga gabi...

pero you just have to stop.
you feel it is not right....
feeling mo magagalit si jesus, o ang teacher mo sa values education...
then you will feel the guilt...
hindi mo ito pwedeng maramdaman...
you just can't....

buti na lang may sagot upang humupa ang iyong kakaibang nararamdaman....

horniness removing foot bath salt..
don't ask me how it works...
 ayoko yatang subukan. chos.
pero kahit anong gawin mo, mahina ka talaga sa tukso...
halos ipagpaligo mo na nga ang bath salt e... or kulang na lang sawsawan mo ng mangga at kainin...
kaso ganiyan talaga, yan ang kaisa-isang kating hindi mo gustong kamutin...

binigay mo pa rin ang sarili mo...
nang paulit-ulit...
nang maraming maraming beses...
walang tigil...
walang pinipiling araw, oras o panahon...

ikaw na....
ang kaso maluwag na yata ateng?
kayang-kaya mo nang iire ang kambal na bata ng sabay!

nasayang lang ang horniness removing bath salt sayo...
buti na lang nandiyan si doktora...

need to say more?
***
mabibili ang bath salt sa inyong suking tindahan. chos.
clipper, trinoma (japanese store)

Wednesday, June 1, 2011

falling in love in four days

daig ko pa raw si imelda papin sabi ng isa kong friend kasi wala pang isang linggo ang pakikipagharutan ko sa pag-ibig na ito. malay ko bang sa apat na araw, muling titibok ang puso ko?

noong biyernes palang, hindi ko ito inasahan, pagkakitang-pagkakita ko palang sa'yo na love at first sight ako. hindi mo rin naman ako masisisi, sa gitna ng makulimlim na panahon hindi ko maiwasang mabighani sa taglay mong ganda... napatigil ako e, siguro ito na yung cliche na sinasabing you take my breath away...

spell green? c-o-r-o-n
ngayon ko lang narealize na ang kulay pala ng pag-ibig ay luntian. walang hanggang luntian. ang iyong hubog, mga linyang nabubuo sa aking mga imahinasyon... the curves, the greens, the camera did not give justice sa iyong natatanging ganda.


si heidi na lang ang kulang
kinakapa ko pa ang mga magagandang salita na nais kong sabihin sayo... pero walang bumabagay, walang pumapantay sa taglay mong ganda. ikaw na!

sabado, hindi ko inalantana ang ulan, masaksihan ka lamang. hindi rin matutumbasan ng ilang kagat ng lamok ang aking pagtitiis makapiling ka lamang. mula sa mga lawang hindi ko masisid, o pakikipaglaro sa mga isda... lahat ng surpresa, fine, huling-huli mo na ako. ako'y iyong-iyo na.

paraiso
sabi nila, makikita mo ang langit kapag ika'y namatay pero salamat naman pero nung linggo pinakita mo na sa akin kung ano ang langit. hindi ko inaasahan, so ito pala ang tinatawag nilang langit?

pero ang lahat daw may hangganan, ang matamis nating pagiibigan ay nakatakda rin palang matuldukan. wala lang, naipaglaban na natin to sa malalakas na ulan at napagdasal na sana lumayo na ang bagyo...pati langit, nakisabwatan na sa ating pagmamahalan.

luntian
pero wala e. lunes noon, humakbang na ako palayo. kaulayaw ka pa rin, kahit sa isip ko. ang kaso wala akong laban sa panahon at tadhana. oras na para mamaalam na.

ambilis ng pangyayari. sinubukan mo akong pigilan, pero mas malakas sila sa'yo... oras na para tayo'y magkalayo... pero alam ko naman na meant to be tayo. 


oras na para magbalik sa lungsod... sa lungsod na hindi kita nakilala. heto na. kaharap na naman ang mga makinarya, nasasabik na muli kang makaulayaw.

paalam, hanggang sa muli.
salamat sa mga ala-ala.

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...