Monday, August 22, 2011

kay dami nang winasak na tahanan

namiss ko namang magkuwento rito.
abala kasi akong bumuo ng isang bahay...
yung bahay na matatawag mong akin?
yung bahay na masayang uwian?
yung talagang wala kang kiyemeng ipakita ang tunay na ikaw?
yung masaya ka lang at tunay na mararamdaman mong ligtas pag uwi mo?
yung sarili mong address?
yung iyo...

yung pinaghirapan mo...

pero paano kung ang iniingat-ingatang mong bahay ay masira?
yung wala kang kalaban-laban bigla na lang ikagugulat mo na lang?






hindi ko kaya.




ang saklap saklap. :(






kay dami nang winasak na tahanan!



Tuesday, August 9, 2011

catholic school baby


  1. alam mo ang meaning ng A.C.T.S.
  2. kabisado mo ang apostle’s creed at hail holy queen at alam mong magrosary.
  3. naranasan mong magabot ng thank you, sorry at i want to be your friend letter sa isang recollection or retreat.
  4. santo ang section mo or good deed.
  5. alam mo ang pagkakaiba ng joyful, sorrowful, glorious mysteries at ang bagong mystery of light.
  6. masaya ka dahil cancelled ang klase dahil sa misa.
  7. nagdadasal kayo bago ang start at after din ng class.
  8. may subject kang christian living noong grade school. 
  9. may krus kayo sa noo tuwing ash wednesday at magsisimulang magbabago ang menu ng canteen. from chicken and pork to fish.
  10. may ghost story sa school niyo na pari or madre ang nagmumulto.
  11. may chapel sa school niyo.
  12. ang medyas dapat puti at dapat below the knee ang palda ng mga babae.
  13. takot ka sa confession sa pari at kadalasan di mo sinasabi ang lahat.
  14. may bonus ka kapag sumali ka sa offertory. 
  15. ang name ng school mo may kakabit na santo.

heto ang effect kapag mula grade school hanggang college nasa catholic school ka. 

Sunday, July 31, 2011

the L.U.H.A. project error

nagexpire na yata ang aking mga mata sinta.
nakikita kita,
malinaw na malinaw pa ang iyong mukha
sa aking alaala.
ngunit hindi na sila nadadaluyan,
ng mga patak ng tubig na namuo dahil sa tuwa
at sakit.
o mula sa panibugho
at galit.

pasakit yata ang kailangan kong baterya mahal ko,
para muling bumukal ang ilog ng aking corona,
o kaya'y ang iyong matamis na ngiti,
kuryenteng bubuhay
sa dagat ng tuwa ng aking iris na nanamlay.
dati-rati kasi, ikaw lang ang nagbibigay kulay sa aking retina,
kaya halos bumaha ang batis ng ligaya..
na ngayon ay tila tagtuyot na.
sige na, ipadama mo na baby,
para di na ako magduda
kung nakalimutan ko na ba kung pano ang humikbi.
hayaan mong maramdaman kong muli ang mainit na agos sa aking pisngi.

pero ano ito darling? kahit ilang beses mo akong saktan.
at lokohin.
at bugbugin.
at paligayahin.
mahalin mo man ako o hindi na ibigin,
hindi pa rin nanlalabo ang aking paningin.
dahil sa mga butil ng likidong naiinip nang humalik sa hangin?

hay, oo nga. baka tuyo na ang balon sa aking mga mata.
maging sa vicks sila ay nahiya.
kahit ano pang hakbang mo palayo sa akin
o bantang pagiwang muli,
hindi na sila gumagana.
baka naman kasi nakaprogram na sila
na kahit kailan hinding-hindi na sila iiyak pa.
kaya sana muli mong ipaalala,
kung paano nga ba ang lumuha.


*isang tula para sa katuwaang pakontes na ito. :)

Friday, July 29, 2011

randominic ochoa

so lumipas na nga ang araw na ito na kung ihahalintulad naman sa ibang araw ay wala namang pagkakaiba. ang kaibahan lang ay magdadagdag na ako ng isang taon sa age.

pero kapag nagbebirthday yata talaga ang tao required ang maging emo at senti. haha or baka dahil lang sa weather? wala lang. parang maglalakad ka palabas ng bahay na may iba sa pakiramdam mo pero alam mong normal lang naman. it's like an ordinary day na ginawa mo lang pasko or nalagyan lang ng label na birthday.

wala. ewan ko. normal lang ang araw. trabaho. chikahan. nanood ng isang pelikula sa cinemalaya sa up. kain. normal. ang iba nga lang ay dagsa ang bumabati sayo sa facebook, twitter at sa text. masaya. kasi may mga taong nakakaalala. pero parang mas masaya siguro kung walang facebook no? para test kung sino talaga ang hindi nakakaalala. haha hindi ko naman sa para lang manumbat, pero wala lang. gusto ko lang yung feeling na biglang may magtetext sayo na matagal na kayong hindi nagtetextan tapos babatiin ka. haha surprise surprise! akala mo patay na yung taong yun, hindi pa pala. ang galing lang. hehe

howell 24 na ako. wala pa ring boyfriend. natutupad na ang pangarap. may mga ilang pangarap na sinisimulang tuparin. ganito pa rin. mas nagrow siguro. may mga bagay na iba na ang pananaw ko. panibagong taon na naman ang bubunuin. excited na ako sa surpresa ng pagiging 24.

ang random lang ng post na ito actually. ang peg ko rito random journaling. haha imbento. kung ano lang pumasok sa isip ko. actually inaantok na ako. maaga pa ako bukas e. may class. nakakatamad pero syempre papasok ako.

ano na?

actually ang pinakatumimo sa puso ko? late na kasi akong umuwi at sanay naman ako na maabutan ko ang pamilya ko na tulog na pagbukas ko nang ref... ayun may box ng goldilocks cake. hindi ko alam kung nabuksan na... paano nga ba bubuksan, wala naman ang ihihip ng kandila.

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...