Wednesday, October 19, 2011

hindi pinupulot ang 500,000 pesos

kahit magpabalik-balik ka mula quiapo hanggang cubao, i doubt kung makakapulot ka ng 500,000 pesos.
well unless sobrang swerte mo, bow na ako sa'yo.

kahit magkanda-kuba-kuba ka sa pagtratrabaho sa kaka-OT sa isang buwan, asa ka pang makasahod ng 500,000 pesos.
well unless mayabang ka at mataas ang sahod mo.
palibre naman day!

kahit na tumaya ka ngayon sa lotto, one in a million chance na ika'y manalo.
well unless ikaw ang the one.
balato naman!

500 pesos manapa posible kang makapulot sa daan.

sa 500 pesos makakabili ka ng limang libro sa book sale (or more).
sa 500 may isang t-shirt ka ng bago sa mall (or more sa tiangge at ukay).
sa 500 busog ka na panigurado sa maghapon at sobra-sobra pang panawid gutom.
sa 500 pesos makakapanlibre ka pa ng isang tao sa sine.
sa 500 pesos may dalawang kape ka na sa starbucks or kahong-kahong 3 in 1.
sa 500 pesos makakakuha ka ng 500,000 pesos.

ano?
teka nga...
paulit?

500 pesos tapos makakakuha ka ng 500,000 pesos?!

well posible.

at ito ang natutunan ko ngayong araw na ito. :)

ang kailangan mo lang ay 500 piso at limang kaibigan, posible ng kumita ng 500 thousand pesosesosesoses!

siguro naman mas posible ang may 500 ka sa bulsa (or sa bangko) kaysa makapulot ka ng ninoy sa kalsada hano?

at di lang yan sa limandaang piso may accident insurance ka ng worth 50,000 pesos tapos possible pang kumita ka ng kalahating milyon! grabe di ba? walang talo! 500 lang at laway ang puhunan posible ka ng kumita ng triple-triple sa puhunan mo.

kaya kung ikaw kagaya mo akong nais kumita ng 500,000 aba'y halika't mag-usap tayo. sana yung seryoso lang, masipag at talagang interesadong yumaman. lets go at magchikahan tayo at sabay-sabay tayong umasenso.

and guess what, kung masipag ka at maabilidad, posible itong mangyari sa loob lang ng isang buwan! :)
how cool is that? haha

so if you are interested, leave your contact details sa comments so i can contact you or email me at myfansclub@gmail.com kung shy kayo. :p

pramis, walang stir to. bago palang ito kaya mas magandang magsimula na ngayon.
tandaan it only takes P500 and 5 friends to earn P500,000.00! :)

for more information, please do visit this site.

or pwede rin namang sama-sama tayong maglakad mula cubao to quiapo at mag-abang ng 500,000 sa kalsada. finder's keepers ha? at touch move! hehe so ano na? dali na! sabi ng horoscope mo, today is your lucky day. :)

Saturday, October 8, 2011

a teleserye love story


gusto ko ng love story na pangmainstream, ayoko ng pang-indie.
sa mainstream, sure ng magkakatuluyan ang magkasintahan(karamihan), e sa indie? either hindi kami mag-end up together o patay ang isa sa amin. 
paging direk cathy garcia-molina.
i want my wig. handa na po ako sa aking take.
...
sa mainstream, special ang first meeting.
...muntik ng masagasaan ng bida.
...mapapasok sa maling banyo at doon makikita ang tadhana.
...makakabunggo sa daan habang nagmamadali.
sa indie, normal lang.
you know, talk lang. haha
...
sa mainstream, special ang sex.
...dapat sweet.
...dapat romantic.
...dapat may fireworks.
sa indie, marahas.
well masarap.
choooorssss. hehe
...
sa mainstream, siguradong gwapo ang boypren.
sa indie, not sure.
...
sa mainstream, ideal.
sa indie, makatotohanan.
...
sa mainstream, fairytale-ish.
sa indie, reality.
... 
sa mainstream, imposibleng magkatatotoo.
sa indie... :(
...
sa mainstream pwedeng magkatuluyan ang gwapo't pangit.
sa indie, pwede naman pero harsh ang katotohanan.
...
sa mainstream, gumaganda ang pangit.
sa idie, asa.
...
hindi ko alam kung may love virus ngayon.
or baka dahil sa bagyo.
hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
baka siguro dahil nga 24 na ako wala pa ring nagmamahal sa akin.
nakailang post na ba ako about love this year?! 
hay.

pero ito ang sigurado, mapa-mainstream o indie...

kapag dumating na, tatanggi ka pa ba sa offer?

Wednesday, September 28, 2011

bagyo diaries

september 2007 milenyo.


walang kuryente noon habang sa kadiliman dinig na dinig ko ang ugong ng hangin sa labas.
nakakatakot.

hindi makatulog sa init.
paikot-ikot sa sopang aking tinutulugan.
pagbungad ng umaga, animo'y gabi pa rin dahil sa kadiliman.

nasa ika-limang palapag kami ngunit pilit na pinapasok ng tubig ulan ang kuwarto.
basa ang kurtina.
basa ang kama.
basa ang sahig.

sumunod na araw makikita ang iniwang bakas ni milenyo.
nagmistulang nagkaroon ng kagubatan dahil sa mga sanga ng puno sa daan.
binabaybay ko noon ang kalsada ng qc at maynila patungong ust.
bakas ang kasiraan sa lahat ng madaanan.

wala kaming pasok noon.
pero kailangan pa ring pumunta sa paaralan.

dapat kasi noong araw na iyon ay ipapalabas ang aming play sa aming theater org.
espesyal sana yun kasi iyon yung kauna-unahan kong three act play na naisulat.

sakto.
pre-hispanic philippines ang setting ng dula.

mula sa mga nagbagsakang puno sa unibersidad, kumuha kami ng mga sanga.
ng mga dahon.
ng mga kalat.
basta para maisiksik ang kapirasong gubat sa entablado.

iyon si milenyo.
nanalasa noong nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo.

september 2009 ondoy.


hindi namin inalintana ang sama ng panahon.
kebs.
sa aming trabaho, bihira ang free time.
kaya oras na may free time, sunggaban na bago pa mawala.

kaya ayun kung makapunta kung saan-saan parang walang bagyo.
maulan noon.
pero ano nga ba ang kaibahan noon sa mga nararanasan nating ulan hindi ba?

sanay na tayo sa ulan.
nasa starbucks kami noon sa araneta habang hinihintay tumila ang ulan.
madaling araw na pero as usual buhay pa rin ang cubao.

magaalastres na yata noong nakauwi ako.
dahil sa lamig, napasarap ang aking tulog.

hanggang sa kinabukasan,
tanghali na akong nagising para pumasok sa opisina.
nagulantang ako sa balitang tumambad sa akin.

ang inakalang ordinaryong ulan ay kumitil na pala ng higit 500 katao.
maraming nalubog sa baha at walang pinili ito mapaordinaryong tao man o sikat na artista.
naging burak ang marikina.

dati siguro binabalewala ng mga manilenyo ang pagdating ng bagyo dahil kadalasan sa mga probinsiya ang tama nito.
pero nawindang ang lahat noong ondoy.
wasak na wasak ang lungsod.

nagkaroon din ng telethon noon sa telebisyon at nakibahagi naman ako.
masaya, iba ang experience.
public service kung public service.

at dahil sa ondoy, isinilang ang isang dula na pinlay muli sa aming theater org.
iyon ang pinakapaborito kong dula na isinulat namin ni xi.
ang timely din noon e.

hanggang sa lumipas ang dalawang taon, naging alaala na lang si ondoy...

september 2011 pedring


ang nakakatawa, sa mismong araw kung kailan nanalasa si ondoy, isang mapanirang bagyo na naman ang dumating.
may dala itong mabagsik na hangin.
iyong tipong pwedeng scoring sa horror movie.
nakakatakot.
parang may sariling buhay.

kasama nito'y malakas na ulan.
nasa loob lang ako ng bahay.
may tinatapos habang nanalasa ito.

naulit na naman.
hindi ko alam kung natuto na ba tayong mga pinoy.
ang mahirap kasi ang dali nating makalimot.
lahat yata tayo may selective amnesia e.

kapag dumaan na move on na agad.
wala namang masamang magmove on agad,
pero may point kasi kung bakit nangyayari ang mga dapat mangyari.

howell.
pero kung ikukumpara sa bilang ng namatay, malayong-malayo ang pedring sa ondoy.
kung ito ang sukatan, e di maganda.
nakapaghanda na nga.

howell.
habang isinusulat ko ito, umuulan sa labas.
isang bagyo na naman ang dumaan.
hay kay daming winasak na tahanan...

hindi naman siya si tukso.

Monday, September 12, 2011

ewan ko

bigla akong napaisip.








baka kaya wala pa akong boyfriend kasi hindi ako boyfriend material?

ano nga ba kasi ang boyfriend material?
actually hindi ko rin alam.

pero masasabi kong okay akong kaibigan.
anong connect nun?

kapag okay bang kaibigan ibig sabihin okay ka rin pagdating sa pakikipagrelasyon?

hindi ko alam.
never pa akong nagkakabf e.
so hindi ko alam.
honestly, gusto kong maranasan na.
pero natatakot ako.

what if hindi pala ako bf material?
pano kung hindi ko maibigay ang mga dapat maibigay?

hay wala pa nga e ang dami ko ng alinlangan.
ang choosy ko kasi hindi naman nababagay sa ganda. lol

pero seryoso.
may trust issues kasi ako.

kaya it's hard for me to reach out.
pero ironically i like meeting strangers.
ang gulo no?
pero may trust issues.

hindi ako madaling mainlove.
pero minsan tinatamaan naman ng love at first sight.
matagal akong maging ease sa isang tao pero nakakapagopen ng bigla bigla sa stranger...

ewan.
pero minsan kasi mas maluwag magopen sa taong hindi mo kilala.
kasi hindi ka nila agad-agad majudge.

ewan ko.

actually hindi ko na rin alam ng punto ng blog na ito.
siguro kailangan ko lang ilabas ang aking pagaalinlangan.

...sa buhay.
...sa bahay.
...sa puso.

ewan ko.

baka kailangan ko na ngang magkaboyfriend. haha
sus.

parang ang dali no?
nasabi ko na gusto ko pero hindi ako naghahanap.
sabi ng kaibigan ko bakit hindi raw ako maghanap kasi weird daw na gusto pero hindi umaaksiyon.

ewan ko.
pakiramdam ko hindi naman kasi ito basta-basta goal lang.
hindi kagaya ng paghahanap ng trabaho.
weird talaga kapag gusto kong magtrabaho pero hindi ako naghahanap di ba?
eh heto ibang level.
ang pagmamahal hindi hinahanap di ba?
kusang dumarating.
pero alam kong dapat maghanap pa rin kahit papaano.

ang gulo.

ewan ko.






bahala na no?
bakit ba kasi?
hay.

ewan ko.

Monday, September 5, 2011

magkano ba si happiness?

magkano nga ba si happiness?

piso?
sampung bilyon?
isang daan at animnapung piso at bente singko sentimo?

hindi raw nabibili ang kaligayahan. well sabi ko nga sa fb status ko the great things in life are free and the greatest are.. well expensive. truly, money can't buy happiness. :p

naniwala rin ako na hinding-hindi mabibili ang kaligayahan.

pero noon iyon. naniwala ako na hindi mabibili ang kaligayahan. oo totoo pa rin naman na the best things in life are still free pero minsan the bestest are expensive. haha. sa mundo na puno ng commodity, pati ang kaligayahan nagiging produkto na rin.

ang pera papel lang daw yan.
sige nga sulatan mo ko gamit ang pera tapos ipadala mo sa akin. i'm very glad to read your letter. hehe. pero aminin man natin o hindi, pinapaikot tayo nito.

pero syempre nasa atin iyon kung paano nating gagamitin ito para sa tunay nating ikaliligaya.

nabibili na rin pala ang kaligayahan ngayon.
magkano nga ba ito?

sa pulubi mura lang.
ang piso at limang piso ay malaking halaga na para pumukaw sa kaniyang nagugutom na sikmura.

sa estudyanteng walang pangtuition, libo-libo.
depende sa pinapasukang paaralan.

sa misis na nais dugtungan ang buhay ng naghihingalong si mister, ito medyo mahal, siguro aabot ng milyon. gayon din sa inang nais iluwal ang anak na nanganganib na hindi makita ang mundo at sa lalaking walang hinangad kung hindi matupad ang dream wedding ng babaeng pinakamamahal.

iba ang dulot ng unang sweldo sa iyong unang trabaho mas lalo na sa iyong mga magulang na unang pinagabutan mo nito.

sa kaibigang nangungutang at nangangailangan ng tulong, paniguradong saya at kapanatagan ang loob ang maitutulong ng ilang ube o asul (basta ba kamo magbayad siya or else kaligayahan mo naman ang mawawala. nyahaha).

ang perang pinaghirapan, talaga namang nakakapagbigay ng ngiti at seguridad. isang gumuguhit na fulfillment na talaga namang magpapatumbling sa iyong puso.

hay taon-taon o araw-araw nag-iiba ang price tag ni happiness. sumasabay yata sa inflation, pagbagsak ng piso laban sa dolyar o sa paglalaro ng mga stocks. gulatan. grabe rin ang ekonomiya ni happiness no? erratic at tunay na mapaglaro. minsan magugulat ka ang mura-mura at kung makabargain at maka-buy one take one panalo pero kung makapagtaas naman ng presyo daig pa ang bombay!

hay naku kaya simula ngayon, kasama na ang kaligayahan sa aking pag-iipunan.



guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...