- mula sa puso
- esperanza
- mara clara
- kung mawawala ka
- sana ay ikaw na nga
- maging sino ka man
- encantadia
- mulawin
at ang mga pinapanood ko ngayon ay ang walang kapalit, impostora at ang lupin sana pero not totally ang lupin kasi hindi ko talaga natututukan. syempre balak ko ring panoorin ang ysabella. sana magkareplay nang first week! hehe.
***
signs na kailangan mo nang marehab dahil addict ka na sa soap opera
- alam mo ang classification ng soap operas from teleserye, fantaserye, sineserye at kung anu-anong serye pa yan.
- kinakanta mo ang "mula sa puso", "maging sino ka man" o "kung mawawala ka" theme song habang nagluluto ka o naliligo.
- mas uunahin mong panoorin si ate judy anne o ate claudine habang umiiyak ito kaysa gawin mo ang assignment.
- pagpasok mo bukas sa trabaho o klase ang bungad mo ay: "lumaban na si mara kay clara!" at nabunutan ka ng tinik ng makita mong masaya ang lahat.
- hindi ka mapakali kapag may namiss kang episode, kaya text o tawag ka agad kay friend para malaman mo ang mga nangyari.
- nirerecord mo every night ang mga episode.
- maaga kang umuuwi from work or school para lang maabutan mo ang tarayan ng bida at kontrabida.
- umaarte ka sa salamin na ikaw ang kinakawawang via laban sa mataray na si selena or vice versa.
- tumitigil ang mundo mo kapag ending na ng soap opera.
- minumura mo ang kontrabida sa tv at sinisigawan mo nang boba ang bida kapag hindi ka makapag-pigil.
ilan lang yan sa mga signs na kailangan mo nang marehab for soap opera addiction. well tayong mga pinoy kasi ay talagang ariba sa panonood ng mga soap opera. nakikiiyak at nakikisimpatya tayo sa mga bida at naiinis sa mga kontrabida... kaya patok pa rin sa ating kultura ang mga soaps.
kabisado na nga natin ang mahirap-in-love-na-sa-mayaman-na-hindi-naman-pwede plot or ang ampon-na-nalaman-na-anak-pala-siya-ng-mayaman plot... at least ngayon ang mga makabagong soap opera ay tumatalakay na ng iba pang mga topic. may mga ibang twist na at kwento ang pinakikilala.
basta ako hangga't may mga panalong soap opera, manonood at manonood pa rin ako! kaya naman aminadong soap opera fan ako! jologs man sa paningin ng iba ako pa rin ang bida ng aking kwento!(parang bea of pbb 2 lang.haha)
Thanks for visiting my blog!
ReplyDeleteits an honor na napadaan kayo sa blog ko! yey!
ReplyDeletePangako sa yo? Wala?
ReplyDeletenako hindi ko kasi nasubaybayan ang pangako sa'yo...
ReplyDeleteLOL...funny but true..thanks for visiting my blog...
ReplyDeleteno prob ninjathet! hehe..
ReplyDelete