Wednesday, September 19, 2007

mga kataka-takang bagay na nakakapagtataka sa buhay

sa wakas! after 48 years na pagkawala sa blogging world, ako'y nagbabalik! kasi naman ewan ko ba sa mga professors ko. naging hobby nilang lahat magpagawa ng kung anu-ano! patapos na nga ang semestre hindi pa kami pinapatahimik! daig pa ang mga ligaw na kaluluwa kung maggambala!(well malapit naman na ang halloween kaya siguro... fave ko pa naman ang halloween.hehe) kaya naman pagod, puyat at panlalata ang naeexperience ko sa araw-araw! syempre hindi lang sa acads ako nabebengga, malapit na ang play namin so dapat go go go! so... napaisip tuloy ako ng mga kung anu-anong topic...



anyway ang naisip kong topic of discussion ay mga misteryo ng bagay. i mean mga simpleng bagay pero big mysteries ang kaakibat. hindi ito kalevel ng alien life in the universe or kung bakit laging katulong ang role ni mel kimura... basta mga misteryo na talagang naapply ko sa aking normal life... heto na nga... tapusin na ang intro na ito!




  1. first life mystery: the agony of what ifs

    naku naman. minsan paranoid ako sa what ifs... lalo na kapag hindi nagwork yung decision kong pinili. parang what if kaya kung burger ang inorder ko, mas mabubusog ba ako? di ba napakamysterious nun? hindi mo alam kung ano pa sana ang naganap... what if hindi ako sa manila nag-aral? what if hindi ako bading? what if sa macedonia ako pinanganak? hindi ba ang sarap sigurong alamin kung anong nangyari sa akin kung ibang path ang pinili ko. ang galing nun no? after mong makita ang kakalabasan ng lahat ng choices mo, saka ka naman mamimili ng tamang desisyon. ayan dinadaya na natin ang destiny! hehe

  2. second life mystery: the searching sorrow

    well feeling ko lahat naman tayo ganito. ang isang misteryong hindi natin maalis ay ang paghahanap! kalevel nito yung kung kelan ka nagmamadaling pumasok saka naman naiisipang magpagasolina ni manong! naku anyway ewan ko ba kung bakit naghahanap tayo ng alam naman nating wala sa atin. pero im sure pag nagkaroon naman tayo non, maghahanap na naman tayo ng bago. choosy kasi tayo eh. hehe. at isa pang nakakabaliw sa misteryo ng paghahanap, sa tuwing hinahanap mo, hindi mo makita! pahirap masyado hindi ba? ala lang. mananatili pa ring misteryo sa akin kung bakit sa tuwing naghahanap tayo hindi natin nakikita at kapag hindi na saka naman dumarating...

  3. third life mystery: the human anatomy

    heto talaga ang pinakamataray na misteryo ng mundo! ang galing na nakakakita tayo sa mata, nakakatikim sa dila... nakakagalaw at nakakapagisip.. parang sobrang perfect ng design ng human body na hindi kayang magaya. akalain mo bang napakadaming nangyayari sa utak? o ang effect ng digestion ay talagang kamangha-mangha... ang galing naman ni god sa paggawa ng kaniyang blue-print... pwede naman kasing maglakad tayo ng kamay ang gamit hindi ang paa, o bakit kaya hindi binigay sa lalaki ang pagbubuntis? so talagang pinagplanuhan ang paggawa sa ating katawan. very mysterious huh?

  4. fourth life mystery: the control of destiny

    wala lang. hindi pa ba misteryo sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyo mamaya? after mabasa ito? o anong meron bukas? akalain ko bang isang gabi ng bumili ako ng tide sa may kanto ay may makikita akong unusual happening simultaniously? sa left side ko may nag-aaway! as in sigawan galore ha? at sa aking right sa may waiting shed, aba may nagkikiss... pero syempre smack lang na matagal... ang amazing dun yung irony ng pangyayari. may nag-aaway sa kaliwa then nagmamahalan sa kanan.. oh di ba? ano kayang mangyayari paglabas ko ng library? hmmm... basta ako mas gusto ko yung biglaan kaysa pinaplano...


ayan. well life is a mystery actually... talagang hindi natin mabasa kung ano ang meron sa buhay. mas misteryoso pa nga ito kung ikukumpara mo sa mga hauntings ng mga multo o kung tao o alien nga ba talaga ang gumawa ng pyramids. pero iyon naman ang dahilan kung bakit masarap mabuhay! nakakasurprise kasi ang mga bagay na hindi natin inaasahan. sa bawat pagmove ng kamay ng orasan, may mga bagay na nagaganap na hindi natin akalaing nangyayari... nakakapagtaka no?


12 comments:

  1. Ang mga misteryo na toh ang magpapatunay na meron talagang Diyos... at hindi sya natutulog!

    I hate Joross!

    ReplyDelete
  2. minsan iniisip ko rin yung mga could-have-beens sa buhay ko. what if hindi akez nakipag-break kay e*$? or what if nag-aral pa ako ng mabuti? or what if pinanganak akong babae? and so on. pero naiisip ko rin na, siguro ang buhay ko ngayon ang tunay na nakatadhana. siguro kung iba ang nangyari, hindi ako ganito kasaya, hindi ako ganito kapayapa, kabuti, katalino, at iba pa. sa huli naiisip ko na lang na kung anuman yung nangyayari sa kasalukuyan, sobra akong nagpapasalamat, dahil kung hindi sa mga nangyari sa buhay ko, hindi ganito ang aking pagkatao. =)

    ReplyDelete
  3. lyka: sinabi mo pa ate! naku ewan ko ba kung makatulog pa ang diyos sa dinami-dami ng tumatawag sa kaniya 24/7! at take note, ilang lengwahe ang bumubulong sa kaniya? kailangan pa yata niya ng translator. hehe

    ruff: very well said nurse ruff! pwede ka ng maging miss. universe. hehe. seriously oo nga... siguro kaya ganito ang kinahinatnan ng buhay natin ay dahil dito tayo naging masaya... pero paano naman kaya ang mga hindi naging masaya? tama kaya ang naging path nila?

    ReplyDelete
  4. Nakapagtataka... ang ating kapalaraaaaaan.

    I once thought about that nung bata pa ako. Iniisip ko kung iniisip din ba ng ibang tao yung very thought na nasa loob sila ng katawan nila tapos ano ba ang susunod nilang gagawin kapag may nangyari. Parang out-of-body experience pero gising ka.

    Weiiiiiird. Well, I don't think I was able to articulate what I wanted to say. Hahaha.

    Basta ganun.

    ReplyDelete
  5. @KALANSAY COLLECTOR: (copied from my post to yours) =)

    thanks friend! i'm glad you liked it. based on your description, i can say that you treasure spontaneity very much. you're very altruistic and selfless, you value your relationships to your friends, families, and loved ones to the point of sacrificing personal happiness for their sakes. you are sensitive, but you’re not afraid to show your true self to the world. you are special, and you deserve to be loved. =)

    ~the sorry and the sad icon are for my meanness to al salle’s fanatics, hehehe. =)

    ReplyDelete
  6. kiks:gets ko yang chinichika mo! grabe! may ganyang mode din ako. minsan iniisip ko naman kung ano ang iniisip nila kunyari sa puntong ito... wala lang feel ko lang manghimasok sa mga isip ng mga tao. haha tsismosa...

    ruff: aawww... (actually ito rin yung reply ko sa post mo. haha)

    wow. hindi ka lang pala nurse, psychologist ka rin pala! or guidance counselor?hehe.

    i deserve to be loved? hmm.. i think love naman ako ng mga friends ko.. hehe. pero... NBSB ako kasi.haha well maybe because im not that good looking... yuck magbitter ba bigla? hehe. wala lang. sa mundo kasi nating ito they value the face more than the heart. ;p kaya waiting lang ang drama ko. kung darating, darating di ba?

    and yes. i love spontaneity very much! as in.

    ***

    naku huwag ng magsorry. haha ansama ko! haha

    ReplyDelete
  7. @SKELETON COLLECTOR: hehehe :) of course skeleton you deserve to be loved. on being NBSB, minsan feel ko mas okay pa nga siguro kung naging NBSB na din ako eh, unlike now na meron na akong (at least) 3 failed relationships and i'm starting to sense a cynical cycle over again. =(

    ang lagi ko na lang iniisip, the right one will come, for sure. and as for the moment, i'll definitely have fun muna. =) and yup, darating siya.

    ReplyDelete
  8. Oo nga may mga bagay na hindi tayo maintindihan. Siguro kaya tayo nabuhay eh, para alamin kung bakit nagkakaganyan ang mga bagay. Ewan. Malanding teorya ko lang...

    Agree ako sa #2. =)

    ReplyDelete
  9. ruff: naku im sure naman nurse ruff na may natutunan ka sa mga failed relationships mo. hindi man naging happy ending at least may moral ang story di ba? ;p

    and yeah, kaya nga ako naghihintay kasi alam kong may darating. haha. (or baka wala naman talaga at umaasa lang ako. may reverse pyschology dito? hehe)

    kc: haha. ang landi nga ng teorya mo. pero ang boring nga naman sigurong mabuhay kung alam na natin lahat. ayoko naman sigurong mabuhay na lahat na lang ng tao sa paligid mo ay nagmamagaling! haha. magugulat na lang tayo na ieexplain na lang ni manong driver na ang sun ang center ng solar sytem na kokontrahin naman ni manong surbitero na ang sun ay naging center dahil lang sa blah blah... hmm magiging maganda kaya ang mundo nun? ;p

    ReplyDelete
  10. Hi skeleton! i'm back! =)

    Of course kalansay, ikaw talaga yung naisip ko habang tina-type ko yung entry na iyon. Siguro hindi talaga natin kayang ibaon sa limot ang mga malulungkot (at masasayang) mga pangyayari sa buhay natin, kasi kahit anong pilit natin, lalabas at lalabas din ang mga ito --- maging sa panaginip man o hindi. =( Nakakainis lang kasi kung bakit kahit anong gawin natin, mayroong mga bagay na hindi pa rin natin lubos na matanggap. At habang tayo’y nabubuhay, tayo’y mumultuhin ng mga alaalang hindi natin makalimutan.

    Sa Waiting part: Marami akong natututunan, totoo yan, pero ang problema sa akin, gumagawa pa rin ako ng mga bagay kahit na alam ko ay mali. Parang hindi na talaga yata ako matututo eh. Parang kailangan ko na namang masaktan at masaktan para matuto. Kung sa bagay, experience is the best teacher nga naman diba? =)

    ReplyDelete
  11. bryan:kamusta naman sa pagrorosary? ;p well next month ay rosary month naman. hehe

    ruff: katouch naman at naisip mo pa ako nung mga panahong iyon. :) yeah. hindi talaga maiwasan na ganun.

    siguro dahil sa paulit-ulit na pagkakamali mukha ka lang hindi natuto... pero im sure natuto ka nun. kaya ka nga nagmamahal uli di ba? and yes experience pa rin ang best teacher! ;p

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...