hello im back! nagbalik high school alma-mater ako kanina para kumuha ng transcript dahil feeling ko naiwala lang ng uste yung aking transcript. hehe. pero masaya kasi namiss ko naman ang aking alma mater. ayun maraming pinagbago kagaya ng mga mukha ng estudyante run na wala na akong kilala kasi nga yung mga first year noong fourth year kami ay grumaduate na rin. pati ibang mga guro namin ay wala na rin doon. ang gusto ko lang ipoint out pwede na nila kaming makalimutan. parang walang nagdaang kalansay collector sa mga hallway at corridor, wala nang ako na nagbasa at humiram ng books sa high school library... kung baga malapit na kaming maextinct.
in connection sa ating buhay-buhay madali lang din naman siguro tayong makalimutan ng mga tao lalo na kung wala ka namang ginawang bagay na pasabog. well not unless meron kang sex video at kinalat mo iyon at you say it out loud na ikaw iyong nasa video o kung gumawa ka rin ng virus ala iloveyou bug na sisira ng bilyong computers worldwide di ba? well at least they made their mark. masama man ang ginawa nila kahit pa paano maaalala pa rin sila ng mga tao.. gaya na lang ni sis joyce dahil naalala niya iyong archi stude na may sex video at nakasabay pa niya sa elevator sa college nila!haha ("saan ka pa makakakilala ng ganun hindi ba?" proud niyang sabi habang tinatype ko ito! haha) oo nga naman. hehe
kung hindi tayo magiiwan ng mark paano tayo makikilala at mareremember ng mga pips? well siguro lahat naman sa atin gustong may maiwang magandang legacy hindi ba? para kahit papaano hindi tayo malilimutan. basta ako ang gusto ko lang maalala ako ng mga tao na as a real friend na tipong masasabi ng mga kaibigan ko someday na natulungan ko sila sa maliit na paraan at hindi ako nang-iwan sa ere. haha ang emo. wala lang. simple lang naman kasi iyon eh. i made my mark in their hearts kung sakaling ganoon nga ako sa kanila. hindi ba mas madaling matandaan ang nagpataba sa puso kaysa sa utak? sana nga naachieve ko iyon. kung hindi man... meron pa akong 5 buwan para magawa iyon. i want to make my mark at maremember as a true friend. lahat naman siguro tayo natatakot makalimutan.
para sa akin para ka na ring patay kapag nakalimutan ka. mas masakit pa nga iyon sa kamatayan eh lalo na kapag nakalimutan ka ng taong mahal mo! ang saklap nun di ba? kaya mas maganda na gumawa na tayo ng marka. pero huwag naman sanang masama kagaya nung mga nabanggit sa itaas. ang problema nga lang kasi ay iyong masama pa ang tunay na hindi na malilimutan ng mga tao. isa iyon sa kaunfairan ng buhay. kung bakit ba iyong pangit ang natatandaan. isipin mo na lang iyong classmate ko noong elementary na ang tanging ala-ala ko sa kaniya ay siya yung natae sa klase? o kaya noong highschool na siya iyong nabuntis? ang saklap hindi ba?
so someday sana maalala niyo pa rin ako. kasi naman ako hindi rin naman ako madaling makalimot. ayoko rin kasing makalimot. natatakot akong malimutan ang mga masasaya, matatamis at kapanapanabik na mga ala-alang pinagsaluhan nating magkakaibigan. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
ayaw mo talagang magkunek noh? tara kunek da dots tayo wahaha
ReplyDeleteAko, ang mga hindi ko makakalimutan? Yung classmate ko na inaway ko, yung mga classmates ko na inaaway ako, yung kaklase ko na laging natataranta, yung isa na madalas mapagalitan ng teacher kasi hindi nag-aaral, at yung isa na laging semplang sa harap ng pasyente.
ReplyDeleteNung huling taon ko sa kolehiyo, may parte sa akin na nagsasabi na "i should be happy na" kasi atlast eh ndi na ako nag-aaral at tsaka heller, kapitbahay lang naman natin ang lugar ng trabaho ko diba. Pero malungkot din pala kasi parang napakarami ng mga iiwanan ko.
Yung library na meeting place namin ng ex ko. Yung CR sa kung saan ay muntik na .......(censored)....... Yung mga lugar kung saan nag-iwan ng marka ang isang ilusyonadang nurse na pranses na tulad ko. At marami pang iba. =)
Sabi nga ni carrie bradshaw...
"after all things change, so do cities, people come into your life and they go..... but its comforting to know that the ones you love are always in your heart..."
=)
ayaw ko talaga ate aj hahaha
ReplyDeletenurse ruff kamusta naman sa mga cr? hehe. ;p totoo nga iyon na ang mga mahal mo naiiwan sa puso mo. pero ang nakakatakot minsan hahayaan mo na lang ba sila na manatili sa puso mo? hindi ba iba pa rin iyong nahahawakan, nakakausap at nagtatawanan kayo?