four days to go halloween na! isa ito sa mga exciting na kaganapan sa taon. next nun syempre ang undas. well wala naman kasing trick-or-treat dito sa pinas. good luck naman kung pumunta ka sa kapitbahay mo with your costume and all baka habulin ka lang ng bawang o worst, ng tabak. sa mga villages at malls pwede pa kasi pauso sila. haha. pero gusto ko sanang maexperience ang pagcocostume and all. pero solve na ako sa mga ghost stories sharing at mga takutan sa tv. ngayon pa nga lang may kababalaghan na akong isheshare eh...nagchecheck ako ng friendster sa net... biglang pag-open ko ng profile ko...
(ano ang nakita ni kalansay sa kaniyang account?)
a. death threat
b. isang duguang mukha ng isang girl
c. wala lang.
d. none of the above
sagot d. none of the above kasi ang nakita ko ay... sino siya? hindi ko siya kilala. basta ang alam ko hindi ako ang nasa larawan at hindi ko profile iyon. kabaliw hindi ba? hehe. kaya deadma na lang ako at mas minabuting magblog na lang.


pag-usapan na lang natin ang undas. dahil excited ang mga pinoy na magjamming sa sementeryo, imbis na november 2 dumalaw sa puntod ay pumupunta ng november 1. noong bata ako hobby ko talaga ang sumama sa sementeryo every november one sa pampanga, para madalaw ang paboritong tita ko, kapatid na bunso, mga pinsan, mga malalayong kamag-anak at ang aking lolo at lola. ngayon, hindi na masyadong patok sa akin kasi mainit and all. dati talaga kahit hindi november 1 go kami ng mga pinsan ko sa sementeryo hindi para dalawin ang mga puntod kundi para maglaro. haha. wala magandang playground ang sementeryo eh. dalawang magkatabi iyon, yung public at private cemetery. yung public, the famous apartment type at yung private yung memorial keme. nagtataguan kami sa apartments at sa memorial naman habulan. hehe.
tuwing undas noon hobby din naming magpipinsan ang mag-ipon ng kandila tapos bibilugin ito. then ibebenta. so kung tuso ka, lalagyan mo pa iyon ng bato para mas mabigat mong mabenta. ayun masaya kasi may kita ka. kaso you have to deal with matataray na bantay ng puntod. haha. tapos kailangan masuyod mo talaga ang sangkasementeryuhan para more more candles for you. so malapit sa puso ko ang undas kasi nga dahil sa childhood memories ko. mas masaya talaga noong bata ka. mas simple lang ang lahat. ngayon kasi ang dami ko nang arte sa katawan. ahaha. hindi ko noon iniisip ang init basta kailangan may mabilog lang akong kandila. masaya ang adventures ko sa mga sementeryo noon kasi nga wala pa akong pakialam sa init and all basta dapat maging masaya lang. after naming magtirik ng kandila at mag-alay ng dasal at bulaklak, doon na magsisimula ang ligaya... ngayon? tila nagtapos na ang pakikipagsapalaran. hanggang sa kabataan na lang siguro ang mga iyon.
pero masarap maging bata paminsan.
***
kandila, bulaklak at dasal
...para sa aking bunsong kapatid
...sa kambal kong pinsan
...sa paborito kong tiyahin
...sa mga lolo ko
...sa lola ko
...sa malayong kamag-anakan ni hindi ko man lang minanuhan kailanman
ako neng iba ang hanap ko pag sementeryo days na! u know haha kinky adventueres!
ReplyDeletebaka may guapos sa sementeryo... guapo hunting ba, yun gawin mo new hobby!
ReplyDeletewoof!
tumigil ako sa pagpunta sa mga sementeryo nung nalaman ko na nakakakita ako ng mga multo.
ReplyDeletenung college ako, nagkataon pa na yung ginagawaan namin ng thesis ay nasa harap ng norte (sa may blumentritt). kung sinuswerte ka nga naman diba?
ngayon, hindi na ako ang dumadalaw sa mga patay.sila na ang dumadalaw sa akin.
malagim hindi ba?
ikaw pa mrs.j?! hahaha. magtataka ako kapag multo ang hinanap mo sa sementeryo.haha
ReplyDeletebryan naku sana nga at may guapo sa sementeryo para mapakanta ako ng i wanna lay you down in the bed of orchids with candles. hehe
nurse ruff hay minsan isama mo naman akong magghost hunting. hehe. ewan. minsan gusto ko ring matakot at makakita. pero not all the time naman.
ang lagim nga ng sinapit mo na ikaw ang dinadalaw nila. anong sinasabi nila sa iyo?
"four days to go halloween na! isa ito sa mga exciting na kaganapan sa taon"
ReplyDeleteexciting ba? eh screen name mo pa lang.. parang 364 days ang paghahanda sa okasyong darating.. mabuhay ang araw ng mga patay!
thanks sa blog hop
ang 3 pinakamaliligayang araw sa aming pamilya:
ReplyDeletea) kinabukasan ng january 1
b) good friday
c) november 1
pero ang undas ang pinakamasaya. tama ka, kelly.
minsan may mga nagaganap pa - to think andaming taong nakapaligid...
nakakaaliw naman ang post mo, i think i have seen this page somewhere in my blog before. anyways, happy halloween sayo Kalansay. Be safe and practice safe ....
ReplyDeletedavenporthehe. salamat at napadalaw ka rin. love ko talaga ang halloween eh. hindi nga halata sa blog ko. ;p
ReplyDeletehahaha tiya kiks meron nga raw nagaganap na kababalaghan sa mga nitso. alam ni mrs. j ito. hahaha
talaga lawstude? salamat naman at naligaw ka sa aking blog! nawa'y patuloy na ika'y dumalaw. ;p
hehehe. actually kalansay aka ****, they don't usually talk. they communicate in a different manner. hindi dapat siguro ako magkwento since gabi ko ito tina-type pero ganun sila actually. they don't need words to speak to us. their presence is enough.
ReplyDeletehappy halloween ****. pardon my non-existent text life. im bad at texting. hahaha.
Talking about wearing halloween costume, gusto ko rin. Infact, may halloween party kami ngayong gabi (as of this writing). Guess what? I'll be playing either Sadako or a ghost bride. I'm preparing two costumes actually. The wedding dress is provided by my wed friend. The Sadako dress is that the white dress worn by my mom everytime she reads the gospel in the church. I need the black wig to complement the Sadako get-up.
ReplyDeletenaku okey lang iyon nurse ruff! basta kung kelan ka free go go lang. ;p
ReplyDeletetalaga? mas scary ang hindi nagsasalita...
lalo na ang nakangiti.
uy pageant buff gusto ko ring maexperience mga ganyang factor. trick-or-treating! kaso kasi naman sa mga exclusive villages lang pwede. hay pero why not? pwedeng magset next year! hehe