well i had fun kasi nagmuni-muni ako sa isang sloping part ng memorial sa ilalim ng acacia tree. lumayo ako sa aking mga kasama at mas piniling mag-isa. masaya. text lang ako ng text tapos nagoobserve ng mga tao sa crowded na sementeryo.
may umiiyak na bata.
may mga nagchichismisan.
hay i still remember noong unang sakay ko sa ferris wheel ng perya... akala ko ay kukunin na ako ng panginoong may kapal! kasi naman nakita ko yung makapal na wire na may himulmol. feeling ko any time ay mapipigtas iyon sa taas at babagsak ako sa aking kamatayan! tapos ang pilyo ko pang kuya, ay inuuga sa taas! kapag kasi nagloload ng pasahero ang ferris wheel, may stop-over pa sa itaas, kaya grabe kung iduyan ni kuya ang aming pwesto feeling ko ayaw niya talaga na may kapatid siyang bading! haha. pero kapag umandar na heaven! malamig sa itaas at kita mo ang view na priceless.
ay ito ang aking ultimate fave ride sa perya! pwede itong pasweet at pwede ring killer! depende sa nainom na alak ni manong controller! shet! iba ang feeling dito! umiikot talaga lahat at mapapatili ka talaga whether you like it or not! tili fest ang drama habang nasa ere ka at magkandahilo-hilo sa pag-ikot. pero the best pa rin kapag soooobrang bilis! habang tinatawag mo ang lahat ng santo ramdam mo na anytime ay magbubukas na ang langit-- or impiyerno. hehe
huwag na po tayong choosy sa picture and yeah hindi po history ng perya ang binabasa niyo. hehe. eh mahirap maghanap ng pix eh. ang lumalabas literal na caterpillar yung iba bawal icopy. haha nagexplain talaga? anyway appetizer ito kasi dapat ito una niyo itong sakyan sa perya. warm up galore kumbaga. masaya itong mabilis dahil kapag mabagal... ikamamatay mo talaga! suka ang aabutin mo. kaya irequest kay manong controller na faster! manong faster! im coming! bastos. hehe
horror train: mag-ingat sa magnanakaw

again huwag ng maging choosy sa larawan. haha ang original look ng horror train sa pinas perya ay iyong may parang tunnel na puro horrifffffic creatures ang nakaillustrate sa labas. then madilim sa loob. paikot lang naman ang riles ng train. papasok kayo sa tunnel na may mga nakacostume na mga maligno at asuwang. ang gagawin mo lang sumigaw. paglabas mo ng tunnel wala na yung kuwintas na bigay ni mama at wala na rin ang puri mo dahil natsansingan ka na ni manong mumu.
kung hindi mo talaga carry eh di eto na lang sakyan mo para sure na buhay ka pa after...

the famous merry go round. ito ang binyagan ng lahat yata ng bata sa perya. ito ang una mong ride na sasakyan kasi nga takot ka pa sa ibang rides. so ieenjoy mo na lang mga horse.
or kung ayaw mong sumakay tumaya ka na lang sa color games. huwag pink kasi malas. natalo ako kagabi eh. blue panalo. hehe. or sa ball games na ihahagis mo ang bola at kung ang tinayaan mo ang binagsakan, maaaring jockpot o triple te money! hehe. or pwede mo ring bisitahin ang babaeng palaka, ang sirena, ang kumakain ng hilaw, taong ahas at kung sino pa na nabasa mo sa komiks noong araw.
hi kalansay aka ****. i spent the halloween, undas, araw ng mga kaluluwa, etc. at home. i read and reread and reread books, journals and updates hanggang maloka ako kahit sa dreams nagbabasa pa rin ako. wala lang, im just preparing for monday's work. mahirap na, baka makapatay pa ng pasyente, hindi na maihahabol sa undas... hehe.
ReplyDeletebelieve it or not, hindi pa rin ako nakakasakay sa ferris wheel. every christmas merong mini-perya near our parish pero up until now, wala pa rin akong guts sumakay. ewan ko ba, parang nalulula ako eh, kailangan ko pa yatang uminom ng bonamine para makasakay dyan.
but for the merry-go-round and caterpillar? they're just one of life's cheapest thrills... riding in one brings me back precious childhood memories... nostalgic ang feeling... =)
i'll make sure i'll ride this year's ferris wheel. that's a promise. :)
Ay nakaka-miss ang perya. Simula kasi ng natayuan na ng commercial building yung bakanteng lote sa kabilang bayan, wala nang total peryahan experience.
ReplyDeleteNatawa ako sa description mo sa horror train. Dati napagtripan ng mga ka-klase ko na batuhin ng butil ng mais ang mga maligno (kuno).
kuha mo ba yung photo ng ferry's wheel? i like!!
ReplyDeletedami ba guapo sa pampanga??
hello my favorite nurse ruff! hehe. wow ang relaxing naman ng ginawa mo.
ReplyDeletenaku sayang naman at hindi ka pa nakakasakay ng ferris wheel! well nakakalula nga pero promise it is all worth it! lalo na kapag nasa taas ka na while the cold wind is rushing.. nako heaven ang feeling. swear!
haha tama. caterpillar and merry-go-round... nakakatulong na maibalik ang mga memories noong tayo ay mga bagets pa. grabe noon adik talaga ako sa caterpillar! haha.
at sige aabangan ko ang pagsakay mo ng ferris wheel. masaya yan. ;p
***
napanaginipan ulit kita. read my comment sa iyo sa latest mong post. andun details. haha. sakay tayong ferris wheel soon! haha
naku buti naman kc at hindi kayo nakuyog ng mga maligno (kuno)! haha kami ang role namin laging tumili at higpitan ang mga pera, alahas(yes may alahas sa pagsakay? haha) at mga kung anik anik. baka kasi harbatin ng tikbalang eh. haha pero fun ang pagsakay sa horror train. sad nga lang at wala na ang mahal niyong perya.
ReplyDeletetoo bad bryan hinarbat ko lang iyon some where sa net. pero i like it too. hay i want to own my own cam too para makapagpicture-picture. masaya iyon ha! ;p tapos picture tayo. ayan ayan! smile
*click*
p.s. to bryan
ReplyDeleteoo madami namang hidden boylets ang lahar-stricken corners ng pampanga. hehe
bakla, di ko kinaya ang perya moment mo anoh? basta nung tinext mo sakin na nasa perya ka, ang nareply ko na lang ay "eew"..im not a perya person kasi..tatlong taon na rin kasi akong di nakakapunta ng perya sa aming baryo tueing pyesta dahil sa iskulilet..
ReplyDeletekung pupunta man ako ng perya ay nagmamaganda lang ako..never ako sumakay sa peris wil kasi wala talaga akong tiwala sa kanila..at yung mga taya-tayaan, wit ko bet..neber eber talaga..natutuwa lang ako dun sa yung umiilaw tapos pag sa ilaw mo nagstop yung music, wqinner ka ng mga 3 for 25 na plato..tapos yung dj nila kuno nakakinis magsalita tapos yung tugtog palagi yung remix version ng "basang-basa sa ulan" ng aegis..panalo
actually, i miss perya nga..haaayy
haha ate aj! winner nga yung music bulb galore! nanalo sina tita at mudang doon dati ng mga timba, tabo... haha.
ReplyDeleteat syempre ang binggo na mamimili ka ng seat mo na swerte dahil andun nakapinta sa tapat ng uupuan mo ang mga binggo card! haha.
i love perya!
perya kung perya. love ko sya with all the papkorn, fishbols, cotton kendi and the eye candy na tagakabilang baranggay o sa looban.
ReplyDeletemasarap magpunta sa gabi kasi mahangin tapos madilim sa buong paligid pwera kung nasan ang perya.
dito ocean park o disneyland ang katumbas ng perya. parehong di ko pa napupuntahan.
-----
Ninja Kikerlas, paghandaan ang pagatake ng mga hitad na assassins ni KC Kelly - pasakayin sa octopus at ifull blast ang bilis ng mategras!
aba kiks umabot na pala sa iyo ang mga assassins ko. tsk tsk. beware sa night market ng hongkong o sa mga paglakad mo diyan sa tabi-tabi you'll never know... mga kaibigan kong dh sa umaga, assassins sa gabi... hehe
ReplyDeletehay masaya nga talaga ang perya. hay. as in.