babala mga ate may spoiler!
roxxxanne: ang drama sa likod ng mga sex scandal
tickets ng roxxxanne na kinuha ko sa site ni jun lana
(si marrrlon na lang pag-usapan natin.)
hindi po si roxanne ang bida. dahil ang bida ay si marrrlon na ginanapan naman ng batang guwapo na si jay aquitania na nagaaral sa unibersidad ng santo tomas. si ms. elizabeth oropesa, ang kaniyang ina, ay may paupahang bahay na inupahan naman ni sheree aka roxanne. doon na magsisimula ang kuwento ng pumasok si roxanne sa komunidad na iyon.
si marlon ay mahilig mangolekta ng sex videos na pinapakita naman sa kaniyang friend na si jonnnas,(na si janvier daily ang gumanap) pariwarang bata na isang pedicab driver. dahil hobby nga ni marlon na ipakita ang mga sex vid kay jonas para magpasikat, gumagawa siya ng paraan para makakuha ng mga latest na vids. kaya bilang isang magaling at makadiyos na tomasino, nakaisip siya ng magandang paraan... nagpapablowjob siya sa bading na parlorista na si mel martinez kapalit ng mga latest sex vids. pero hindi kuntento si jonas sa nakuha niya. kapag daw nakuha ni marlon ang sex video ni diana zubiri, may libre na siyang sakay sa kaniyang pedicab ng 1 taon.
nachallenge ang ating bida kaya humingi siya ng tulong kay parloristang mel. eh nandoon ang friend na bading ni mel na isang press. jockpot si bading pero si marlon hindi dahil matapos ang hadahan hindi naman naibigay ni press bading ang diana scandal. so kaysa nga naman madisappoint si bagets, binigyan niya ito ng sex video ng isang unknown girl. sabi pa ni press bading, "basta pag sinabi mong siya iyan maniniwala na ang mga tao.." (chos. hindi iyon ang eksaktong dialogue. basta yun na yung point.hehe.) so ayun.
so enter na sa eksena ang best cameo role na si ms. hanni miller as marrry graccce na mahalaga ang karakter sa istorya. nalove at first sight kasi siya kay marlon ng makita ito sa housewarming ni roxanne dahil kamukha nito ang ex niya. kaya kinulit niya ng text si bagets. then ayun nakipagmeet din sa wakas si marlon kay mary grace at nagsex sila. eh after nung sex nakalikot ni mary grace ang fone ni marlon at ang nakita niya ay.... masyado akong natuwa sa pagkukuwento ng film hano? manood ka na lang. so magmove on na tayo sa review proper. hehe.
revvview!!!
nabasa niyo naman na ang plot na putol. haha. basta sa pinutol ko doon na nagsisimula ang mga umaatikabong eksena. ang pelikula ay maganda para sa akin. maganda ang plot nito at pasabog ang ending. iyon kasi ang mga tipo kong ending. pasweet man ako pero i like it bloody and tragic. hehe. wala namang bago sa narrative ng movie dahil traditional naman ang paglalahad nito ng kuwento na beginning-middle-end pero walang kaso run dahil naintindihan naman ng mabuti ang istorya. interesting ang premise na umiikot sa sex video. crucial ang role ni sheree na si roxanne pero hindi nga siya ang bida ng pelikula dahil si marlon nga.
maganda ang editing dahil may mga scenes na nagsplisplit ang screen o may nagpopop up na mga eksena na nageenhance lalo ng flow sa narrative at sa feel ng film. something new kumbaga. pero may mga transition na hindi maganda dahil parang yung ibang transition effects ay makikita lang sa dokyu ng isang college student. ayos din ang look-and-feel. pasok na pasok ang location sa kuwento at parang nagbleblend ang surroundings sa lahat-lahat, meaning dinitalye. may ensemble kumbaga. ang scoring ang cute din.
maganda ang pinakita ni jay aquitania bilang isang baguhan. papasa na siya para sa isang confused boy role. kaso hobby niyang pumiyok-piyok habang nagdedeliver ng lines. memorable sa akin ang ending ng pelikula para sa akin. at doon niya binigay ang lahat-lahat at magaling siya roon. si janvier daily okey din ang acting. hindi superb pero hindi naman chaka. si sheree naman bagay sa kaniya ang role na mysterious and all pero sobrang hinhin niya minsan sa pagsasalita parang hindi na bagay sa eksena. unless ganun talaga ang role niya. kulang pa pero okey naman. commendable naman ang cameo role ni hanni milller bilang mary grace. maiksi man ang labas, maaalala mo pa rin si ate. kaya kudos to her. ang ending! talaga namang panalo! paglabas mo ng sinehan ay damang-dama mo ang awa kay roxanne. mababaliw ka sa mga pangyayari sa huli na talagang mapapatayo ka sa upuan mo dahil mismong ikaw ay nininerbiyos sa magaganap. magaling magaling magaling talaga ang mga huling eksena. nadevelop ang mga character at ang kuwento. iyon na ang sukdulan ng lahat!
all in all enjoy ang movie. maganda para sa akin. paakyat talaga ang aksiyon at okey na gay film. pero kung ikaw ay isang tao ang hinahanap ay more more sex sa pelikulang may pagka gay ang genre, you will be disappointed kasi walang masyadong sex sa movie. teasing lang lagi. but for art sake? papatok sa iyo ang roxxxanne. hindi masasayang ang panonood mo.
***
ansaya ng sem break opening ko no? as in! nobela na pala itong post ko eh! hehe. anyway maiba tayo, bigyan natin ng dangal ang pilipinas! suportahan natin si marcos antonio torres para maging torch bearer sa olympics sa beijing sa 2008. naku malaking karangalan ito! ako bumoto na, dali ikaw din.. punta ka lang dito. then cast your vote para sa ating karangalan!
nakakainis..!
ReplyDeletemay nalimutan kang ilagay! si MUTYA NG MASATODA!
shet. oo nga! waaaah!
ReplyDeleteano ba yan nabitin ako sa kwento mo.
ReplyDeletesayang di ko napanood...
ReplyDeletety for droppin by...
ReplyDeletenice blog..
tc pow
kalansay, unang una, mabuhay ka dahil sembreak na. (relevance?)
ReplyDeletealam kong mamimiss mo ang pagboblog pagdating mo sa tahanan ng iyong pamilya sa probinsya kaya't mag-iiwan na lang ako dito ng mga mensahe para hindi mo ako mamiss. hahaha. =)
after all, im just a text message away (try ko magreply kahit hindi ako pala-text at nuknukan ako ng late kung mag-reply). =)
roxxxanne? mukang maganda. napanood ko ang trailer sa blog ni direk at mukha namang maganda. cyempre i have to watch it muna kaya i'll reserve my reviews before make a critique. =)
based on your review naman eh, nag enjoy ka, so i think my reaction will be the same as yours.
see you soon and advance happy halloween.
(may flight of ideas na naman ako. HALDOL please.) =)
di ko pa napanood. soon!(=
ReplyDeleteYou've seen this? Wait ko na lang sa Indie Sine kasi sabi nung friend kong taga-peyups, ipapalabas daw sa Rob ito. Sana nga.
ReplyDeleteplz visit and vote for ust-socc at www.aosicextreme.com tnx! go uste!
ReplyDeleteninang gari watch ka! sabi ni keitaro, see below, na baka ipalabas sa indie sine!
ReplyDeletebryan sayang! abangan mo rin sa indie sine!
thanks miss hanni!
nurse ruff! abangan mo nga rin sa indie sine! maganda naman ang film. and yeah i miss blogging! kaya magpopost na ako now. hehe
coldman hindi pa huli ang lahat! hehe
keitaro oo napanood ko noong premiere night. maganda siya!
oks mrs. j