Wednesday, November 7, 2007

now open

libro ang simbolo ng pag-aaral.
at ngayon ang unang araw ng aming klase para sa ikalawang semestre. sushal. handa na ba ako sa pagbabalik ng stressful days? haha. good luck. at ito na rin pala ang huling unang araw ng klase na mararanasan ko. bittersweet ang thought na iyon. kaya ang school may now open sign na sa gate dahil nagbukas muli ang pintuan para sa mga nagbakasyong estudyante.
naaalala ko pa noong grade school, excited pumasok kasi nga malalaman mo ang mga bago mong classmates at kung sino ang magiging classmate mo pa rin. taun-taon kasing binabago ang mga magkakaklase noong gradeschool kami. unless maretain ka poreyber sa second at first section. well nasa lower section ako noon. noong high school lang ako lumevel up sa first section. haha. anyway excited din ako noon pumasok para magamit ang mga pinamiling crayola, jumbo pencil or bensha(heto yung magic pencil), long pad at syempre ang mga note book na at the end of the year ay laspag na. syempre ganado ring tumingin sa mga bagong aklat na pag tumagal ay kaiinisan dahil sa mga mathematical problem, science experiments at kung anu-anong drama. well syempre alam na siguro kung ano ang gagawin sa unang araw niyo sa language class (english namin ito, language lang ang tawag.haha)? essay, "what is your most memorable experience last summer?" lagi iyon.
noong mga first day of class noong high school, landian lang. pagandahan ng suot kasi loser ka kapag nakauniform ka ng first day. haha. ang exciting noon ay kung may nagbago ba sa classmate mo over the summer. well noong second year high nafirst section na ako, tapos poreyber na akong nandun kaya 3 taon kong naging kaklase ang mga tao. tapos chikahan galore sa unang araw. basta masaya ang first day noon. as in.
ngayon ang first day. well wala na ring gaanong magic ang unang araw. well iba kapag first semester kasi mas matagal kayong hindi nagkita ng mga friends mo. unlike kapag sa second sem na. kasi naman parang wala lang. ilang linggo lang kayong hindi nagkita. hmmm... basta okey naman sem break ko kasi nabigyan ko ng oras ang aking sarili. at ngayong pasukan, unti-unti na naman akong mawawalan ng oras para sa aking self. hay kaya paminsan-minsan i will find time to have time. haha redundant.
hay what is in store kaya? exciting din naman kasi panibagong adventures na naman ang naghihintay sa bawat araw. masaya yatang masurprise sa mga bagay-bagay hindi ba?
so paano? malapit ng magring ang bell?
assignment:
essay
1. what is your most memorable first day of class?
five-page essay, font size 8, arial narrow. tomorrow ang deadline.
***
bibliography:
photo

16 comments:

  1. today, indeed, is a day lots of firsts...

    the first day of your last sem & my first off-duty-day, which i so totally dreamt of (imagine, 2 days pa lang ng trabaho parang hindi na ako tatagal, but of course, im still readjusting).

    all good things come to an end, basta i-enjoy mo lang ang iyong pag-aaral, and let the "rest of your life" unfolds before your very eye.

    (and oh, thanks sa pagshare mo ng iyong panaginip, nafaflatter naman ako. hihihi) :-)

    ReplyDelete
  2. nurse ruff naku ikaw pa! kaya mo iyan! ;p hahaha. grabe no? sobrang vivid talaga noong ginawa ko bago ako matulog nun. nagtext ako sayo then naalala ko wala pa si kuya na rakista sa bed niya. hanggang sa ininvade na ako ng antok. then the rest is history, napanaginipan na naman kita for the second time. at least ngayon may mukha na! hehe. pero naremember noong sinabihan kitang parang kamukha mo si dm ng scq? ;p

    ReplyDelete
  3. hala. di nga? yun talaga assignment? hehe.

    pareho pala tayo nang assigned essays noong elementary, e. pag start ng class: summer experiences; pag malapit na undas, iyon ang theme; new year's resolution naman sa january at araw ng mga puso sa pebrero. pagtatapos ang theme pag march. at yang mga yan ay dapat magawan ng essay in filipino at in english. nyeta. hehe

    -padaan lang po-

    ReplyDelete
  4. salamat naman amicus sa pagdaan. ugaliin! haha

    at nako tama ka! bawat pilipinong mag-aaral ay nagdaan sa mga pagsulat ng ganiyan. hahaha.

    ReplyDelete
  5. kalowkah, ako gradec three pa lang pers section na at natanggal pa noong fourth year..siguro ikaw yung ay pakana nun noh? pinakulam mo ko dahil insecure ka sakin dhil gusto mo ikaw lang ang magalnig sa pers section? hahaha taray

    yun nga, panalo yung mga essay palagi "my most memorable summer vacation" kung pwede nga lang ilagay ko dun yung mga na-bj ko noong summer..ayyy bastoooosss!!!

    ReplyDelete
  6. hahaha good luck ate aj pag ginawa mo iyon bengga ka talaga! lagot ka kay sister eumelia! wahahaha

    soshal may conspiracy kung bakit ka raw nabengga noong fourth year! wahaha. naging classmate mo naman si papa rey eh.

    ReplyDelete
  7. honga, pano na yung mga mahihirap na pag summer e andun lang sa bahay at natutulog maghapon o di kaya e na hahanapan ng kuto??

    :-)

    ReplyDelete
  8. i love college.. it's very different at maapreciate mo cia lalo pag nag work ka na dude..

    ReplyDelete
  9. i dreaded entering my first day of class nung third year high school ako. sinabi ko kasing mamatay ako in 7 months time.

    but i mustered all my courage, ironed my uniform really well and entered school.

    the resurrection of the venus fly trap!

    ReplyDelete
  10. may punto ka naman diyan kuya bryan! hehe.

    uy ang cute naman ng rabbit davenport. actually i soooo love college din. as in. pero siguro hindi ba may mga moment din kayo noong college na parang iba ang feeling? syempre pag tapos na, mas mamimiss pa rin natin ang mga masasayang ala-ala. ;p

    ay sushal kiks well buti na lang at hindi mo nagkacourage kang harapin ang mundo. sayang naman ang katalinuhan mo kung hindi malilinang sa paaralan.

    ReplyDelete
  11. haha!
    dude talaga ang tawag sayo ate ni dave! oo nalang ako sa mga cnabi.. hay college college2... grabe last sem na natin! at mga sumpang subjects na!

    ReplyDelete
  12. My first day of class is always an embarrassing experience. Talk about showing my being a dork on the first unholy hours of the subject.

    ReplyDelete
  13. ako naman, ano ako, er, genius (hahaha genius daw oh). pero maloko. maingay kasi ako sa klase eh, tsaka i love contradicting my profs., esp pag alam kong mas tama yung alam ko sa kanila. hehehe.

    i miss going to school. :-(

    ReplyDelete
  14. Ay amen ateng, sobrang laspag na nga yang essay writing na "The Things I Did Last Summer Vacation".

    Parang wala lang din sa akin ang second sem. In short, lokohang bakasyon.

    ReplyDelete
  15. ate mrs. j hindi ko rin kinaya ang dude. haha. tumambling nga ako ng mabasa ko eh. chos. hay nararamdaman ko na ang balik ngaragan days natin. and papaalala ko lang... may thesis pa tayo. haha

    oi keitaro! hindi nga? bakit naman embarassing? shet pero noong first year college feeling ko mukha akong tangang probinsiyano sa uste. haha. tapos pagpasok ko nang room... "HI!!!" sigaw ng mga classmates ko para friendly ang drama. hehe

    ReplyDelete
  16. hahaha nurse ruff! naku gusto ko ring gawin iyan kaso minsan hobby ng ibang prof ang mamersonal. kaya imbis na bumagsak ka, kakainin mo na lang ang pride mo at idadaan na lamang sa papel. petition! haha. hate ko talaga ang mga prof na feeling magaling pero in the end wala naman akong natutunan sa klase niya.

    tama ka riyan ateng kc! siguro sinusuka na natin ang paggawa noon ng mga essay na ganun. haha. pero kakamiss iyon ha? pati na rin yung mga formal essay noong elem at hs na may formal essay writing book pa na may dapat sunding indention at kung anu-ano. ;p

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...