ano ba ang mukha ng relasyon sa taong hindi pa nagkakarelasyon sa buong buhay niya?
maitim? maputi? masalimuot?
maitim? maputi? masalimuot?
madrama? maputik? nakalulula?
maliit? ano nga ba? matayog? mabangis? mailap?
malungkot? malaki?
masaya? makulay? masukal?
busangot? nakabibingi? matulis? madugo?
mataray? mabagal?
madilim? pangit? nakakapaso? nakamamangha?
maganda?
guwapo? maliwanag? nakababaliw? kapiraso? nakalilibog?
hindi ko rin alam.
blur.
sa aking mundong ginagalawan, mas mahirap makahanap o makatagpo ng karelasyon. knowing the pihikan taste of filipino gay society and mga prejudice at discrimination sa mismong loob ng circle, mas lalong nakakalito, mas lalong lumalabo ang paningin ko ukol sa isang relasyon.
mahirap ang umibig at ibigin sa mundong aking ginagalawan. mas masakit humusga ang kapwang queer, bi, bakla, vadaf, silahis... kung ano mang tawag na iisa lang naman talaga ang kahulugan... lalaki ka na nagkakagusto sa kapwa lalaki.
mahirap umibig at ibigin sa mundong aking ginagalawan. kung saan puno ng pagkukunwari at mga ideal man na hinabi lang naman sa panaginip.
mahirap umibig at ibigin sa mundong aking ginagalawan. kung saan ang mukha ng relasyon ay walang mukha. walang hitsura puro ilusyon lang o dili kaya'y nakamaskara, inukit lang sa kapirasong tabla.
mahirap umibig at ibigin sa mundong aking ginagalawan. ang mga naghihintay ay walang aabangan. ang mga naghahanap walang makita. ang walang pakialam, wala talagang pakialam. ang umaasa, walang mapapala.
mahirap umibig at ibigin sa mundong aking ginagalawan. kahit na ako'y citizen feeling ko isa pa rin akong alien. anytime pwedeng maexport pabalik sa mundong hindi ko naman tahanan.
mahirap umibig at ibigin sa mundong aking ginagalawan. kaya ako? hinahayaan na lang. bahala na ang kapalaran. kung darating, aking papapasukin. kung ako'y mababangga ako'y magpapaumanhin. basta nasa waiting shed lang ako. hindi ako naghihintay ng pag-ibig o ng relasyon o ng fling o ng sex na tatapos ng aking 20 taong tagtuyot. naghihintay ako ng jeep na magdadala sa akin kung saan dapat ako magtungo.
ano
na ba talaga
ang mukha ng relasyon
sa taong hindi pa nakararanas ng relasyon?
hindi ko na talaga alam. siguro wala naman talagang mukha.
basta ang alam ko mahirap umibig at ibigin sa mundong aking ginagalawan.
*****
sinong matitira? sa mundong ito na tunay bang may mukha ang relasyon at hindi init lamang ng katawan ang basehan? nakatatakot. baka unti-unti na pala akong pinapatay, ngayon pang isa akong taong hindi makita ang tunay na mukha ng relasyon. kasalanan ko bang hindi makaranas masabihan ng "mahal kita" kailanman?
choose the weapon of your choice.
sana huwag masakit ha?
ayokong masaktan bago ko ipikit ang aking mga mata.
sabi sa avatar,
ReplyDeletelove shines brighter in darkness.
so basically, walang makakapagsabi o makakita nito. mahirap mag expect ng whats ahead. its better to expect nothing at all or probably the worst. at least yuou have nothing to lose.
your post is indeed realistic. at pusta ko lahat naman ng tao het o homo ganyan din ang mga katanungan ngayon. its just finding the right person who is asking the same question at the right time and in the right place.
goodluck!
"wow" lang ang nasabi ko...
ReplyDelete-sabay hawak sa nalaglag na baba-
kaya mo yan! :)
very well said ms. malaysia WANDERINGCOMMUTER! hehe. mahirap talagang magexpect sa mga bagay na hindi mo hawak. basta kung dumating siya eh di palakpakan, eh di kung hindi palakpakan pa rin. my life will go on pa rin naman. at mas magiging mas masaya ang buhay kung puno ng pag-asa at hindi ng pagasa. ;p
ReplyDeleteAMICUS, salamat hehe. naku pulutin ang nalaglag na baba. salamat muli sa pagbisita! ;p
love is hard. we sometimes make it harder. is it the gay in us?
ReplyDeleteno, wala kang kasalanan...
ReplyDeletelove will find a way sabi nga ni celine
ang lalim sobrang lalim...
ReplyDeletemakakaya mo yan bossing.
yes some people make things harder JERICHO eventhough it is simple as it may seem.
ReplyDeleteyeah, without bitterness, wala talaga akong kasalanan BRYAN hehe
thanks DAVENPORT sana hindi ka nalunod sa kalaliman ng isang kababawan. ;p
wag mong isiping masakit. when we live vicariously, we tend to embrace the pains of others rather than what we can offer and get.
ReplyDeletewhen you get there, just make the most out of it. makinig kay mandaya.
Oktuwalee, dumarating ang pag-ibig o relasyon sa mga di-inaasahang pangyayari. Mas mabuti nang huwag mag-effort sa G4M (ewww...mga mabababaw ang utaw doon) at hayaan na lang mamuhay nang masaya't matiwasay. Malay mo, sa isang ordinaryong araw, matisod ka't nailigtas ni Kuyang Pogi. O...sey?
ReplyDeletepag handa ka ng magmahal, dapat handa ka na ring masaktan =)
ReplyDeletehintayin mo lang tamang oras.
ReplyDeleteit will be worth the wait, i promise you.
aktuwali tiya KIKS hindi ko iniisip na masakit. apathetic na nga ako eh when it comes to love. i mean hindi ko siya priority pero siguro nga mukhang hurtful at bitter ang aking post. haha. pero yeah im contented na sa paghihintay.
ReplyDeletegusto kong maganap iyan for a change tiya MARUJA! hehe
COLDMAN hindi pa siguro ako handa kaya hindi pa dumarating. hehe
ReplyDeletenaku GODDESS ikaw ang living testament sa statement na iyan. hehe
mahirap umibig at ibigin sa mundong aking ginagalawan. kung saan puno ng pagkukunwari at mga ideal man na hinabi lang naman sa panaginip.
ReplyDelete---
Totoo ang sabi mo.
Pero gaya nga ng tinuro ko sa puso ko noon pa, ang umibig ay katumbas ng paghahanap ng sakit. It goes side by side bro.
Mabuti na ang hindi mo maranasan iyon, kung ang puso mo'y hindi handang tumanggap ng pagtarak ng punyal ng pag-ibig.
haha naman MUGEN siguro nga hindi pa oras. well hinahayaan ko namang lumipas ang mga panahon, malagas ang mga dahon... basta naghihintay ako pero hindi umaasa.
ReplyDeleteayaw natin ng mga malalalim na reply hano? hehe
sobrang naappreciate ko ang mga reply niyo at mga advice... ;p