Tuesday, January 8, 2008

the hottest reality show in town

ito ang hottest reality show ngayon na umeere sa television. kapuso o kapamilya ka man, masusubaybayan mo ang bawat aksiyon sa palabas na ito. nagsimula na siya at hinihintay na lang ang katapusan.

versus


hindi ba't ang reality show ngayon ay ang labanan ng abs-cbn at gma sa telebisyon?! sino bang hindi mababaliw sa banggaan ng dalawang rival network? at ang pinag-ugatan? ang agb nielsen at ang kanilang mga panel homes na sinusuhulan umano ng mg isang station. inaabangan ng bayan ang bawat mensaheng ieere ng dalawang higanteng istasyon. at dahil naglaban nga ang dalawang panginoon, kaninong salita ngayon ang masusunod? kaninong boses ang dapat pakinggan? actually isa akong kapamilya. nanonood naman ako ng mga shows ng siyete. pero hindi ko alam kung kanino ako maniniwala. parehas silang naninindigan sa magkaibang paniniwala.
***
naniniwala ang gma na binaluktot ng abs-cbn ang sinabi ni maya reforma ng agb na sinasabing gma ang nasa likod ng mga panunuhol samantalang ang abs-cbn sinasabi nila na ineecho lang nila ang sinabi mismo ng agb. so paano na? sabi nga sa book na "like water for chocolate" ni laura esquivel na tinatapos ko pa lang basahin, anything could be true or false, depende na lang kung sino ang maniniwala rito(syempre ingles ayun hano tinagalog ko lang.ahihi). ang stand ko? hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan. sukang-suka na rin ako sa mga statement na ineere ng 2 at 7 tungkol sa issue. at take note, mahaba ang mga iyon at laging pinapalabas kaya nakakasawa. kung tutuusin baka nga agb nielsen tunay na may kasalanan e. bakit nila hinayaang mapenetrate yung mga panel homes nila? eh di ba responsibilidad nilang mapangalagaan ang secrecy ng panel homes? ayan syempre ratings yun kaya ang apektado ng todo ang mga tv network. hay kung magdedemandahan sila huwag na nilang iere pa. pinapalaki nilang parehas ang issue at syempre ayaw magpatalo ng dalawang iyan kaya hahaba pa ang reality show na tinalbugan ang pinoy big brother.
***
hanggang kailan kaya ang bagong reality show na ito? gusto pa ba ng mga tao ang napapanood nilang bangayan? good luck. kung sino man ang manalo, wala namang 1 milyong premyo o bahay at lupa mukhang parehas naman yata silang maeeliminate sa mata ng taong bayan. kaya 2 points sa agb at 1 point sa gma at abs-cbn... pagkatapos ng lahat ng demandahan at so much drama, sa mata pa rin ng iba ang gma ay nandaya at ang abs-cbn naman ay nagmanipula.

22 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. i'm blessed i have cable subscription

    funny they quarrel over ratings when Philippine TV in general is... argggggh

    ReplyDelete
  3. Sumasakit ulo ko sa network war na ito... At hindi na siya entertaining...

    ReplyDelete
  4. ilang oras na naman kaya ng airtime ang sasayangin nila dyan. as if naman people care about them.

    ReplyDelete
  5. Kasi naman there's just basically a Duopoly in our local televsions and media. Dapt payagan ang mga foeriegners to set up TV stations here in the Philippines. Kung nagkaroon ng deregualtion sa oil and transport industries. Why not Media? To think that these two networks are churning out some basuranovela which simply romances poverty and do nothing about it. This situation is simply appaling

    ReplyDelete
  6. manood na lang ako ng DVD. ang gulo e. =)

    ReplyDelete
  7. manuod na lang kayo sa youtube ^^

    ReplyDelete
  8. of course the hearty station would deny such allegations. pero in fairness ha, guilty-ng guilty ang gozon side of the ring.

    and kudos to the tri-circle station for hitting two birds in one stone.

    buti na lang walang TV sa ICU. hehehe. :-)

    happy new year KC! :-)

    ReplyDelete
  9. Ay naku nakakairita na nga sila. Pareho lang nagpapa-awa effect sa publiko.

    Thank God for cable TV! =)

    ReplyDelete
  10. bryan ay naman salamat nga sa cable! well kapag ineere na ang mga drama nila nililipat ko agad! haha.

    sinabi mo pa keitaro. kay rami na nilang winasak na tahanan. chos.

    naku alimuom talagang inaaksaya nila ang airtime. eh kung commercial na lang yun eh di sana kumita pa sila! yung mga tao bias din naman mga yun. syempre kung kapamilya sila, sa 2 sila kakampi at kapag kapuso syempre sa 7 kaya deadma lang mga yan.

    ReplyDelete
  11. naku gripen nakakabaliw talaga. kaya kapag mga isteytment na nila ang eere talagang ililipat ko na.

    shet coldman walang dvd sa aking tinitirhan. well salamat na lamang sa cable tv na aking tagapagligtas sa mga irita moments. hehe

    sad coach banned sa library namin ang youtube. haha

    ReplyDelete
  12. happy new year nurse ruff! well ligtas ka sa mga benggahan moments sa tv dahil wala nga sa icu. naku buti na lang wala kundi kailangan niyo pang gamutin mga pasyente sa sakit ng ulo. hehe

    thank you talaga sa teknolohiya ng cable kc pero baliw ako sa mga teleserye ng 2 eh. maging sino ka man at ysabella. haha. ilipat kapag ieere na ang mga kabaliw na moment. sayang nga sa airtime.

    ReplyDelete
  13. mahusay itong post na ito.

    dapat chumochorva din ang mga bakla sa mga netwars na yan.

    haaay, leche kung leche. the truth shall prevail ba dito? kailangan bang pumanig ang mamamayan sa kung kaninong channel?

    kung me eleksyon ngayon, tyak, blag ang byuti ng democrats at republicans sa bangayang ito. Ever!

    ReplyDelete
  14. basta ako, mag-you-youtube na lang ng mga videos ni mariah, whitney at britney. :)

    pati na rin ni sean cody, randy blue at marami pang iba. :-)

    hahaha.

    ReplyDelete
  15. salamat tiya kiks sa iyong papuri. anyway feeling ko syempre bias ang mga mamamayan. kung anong channel love nila doon sila papanig. hay ako nga kapamilya pero hindi ko pa rin alam kung kanino ako maniniwala.

    naman nurse ruff! haha ang cable at you tube ang tagapagligtas ng mga mamamayang api. charot.

    ReplyDelete
  16. they are both guilty in promoting a culture of division..

    they should be sued for corruption of minors and economic sabotage

    ReplyDelete
  17. In fairness, ganun ang ginagawa ko: nililipat pag paawa effect portion na. Medyo trip ko pa naman din ang Patayin sa Sindak si Barbara at Maging Sino Ka Man. Haha! Yoko na ng MariMar..umikot na ang kwento

    ReplyDelete
  18. davenport sabi nga ni anne curtis as celine kay angelika panganiban as lena sa maging sino ka man 2, "very well said". hehe. uy congrats nga pala at nawala na ang bitterness sa iyong buhay. ;p

    dati kc pinapanood ko ang marimar ngayon deadma na. coffee prince na lang pinapanood ko sa gma telebabad. hehe.

    ReplyDelete
  19. hai.... sana next tym isali nmn nila ang ABC 5 PTV4 RPN9 at IBC 13... ahahaha... d na sila nasawa sa pagiging front line channels hahaha....

    ReplyDelete
  20. ever since, we learned to watch tv, my entire family has always been a kapamilya. so i'd rather keep my biases away. hahaha.

    ReplyDelete
  21. pinapaikot lang nila tayong lahat.

    ReplyDelete
  22. sinabi mo pa celphis! hehe para maiba naman magdemandahan ang RPN 9 at IBC 13.

    wandering commuter kapamilya rin ako. hehe.

    jackie ganun talaga sila...

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...