Tuesday, January 29, 2008

isa akong batang dekada nobenta

pinanganak ako noong late 80s, isa akong batang dekada nobenta. sa dekadang ito ako nahubog, namulat at lumaki. at masasabi kong im so proud na sa panahong ito ako namulat sa mundo. kaya naman inihahandog ko ang post na ito sa dekadang aking kinamulatan. ito ang listahan ng dekada 90!


ang dekada nobenta sa aking mga mata
  • baduy ba talaga ang mga soap opera?
    noon ewan ko ba kung bakit pilit na nililihim ng mga bagets na nanonood sila ng mara clara o ng mula sa puso o ng esperanza sa telebisyon. baduy daw kasi at pangmasa. may mga statement pa na "yuck nanonood ka nun?" pero pag-uwi naman halos mamatay matay kapag hindi naaabutan ang palabas. unlike ngayon na open na tayo na pag-usapan ang nangyayari sa maging sino ka man o sa marimar pero dati parang taboo pa ang topic kapag pinag-uusapan ang mga soap opera. haha. nababaduyan pa tayo noon at ayaw pang aminin na nanonood ng soap opera sa gabi! haha. well basta ako nasubaybayan ko ang mara clara, esperanza at mula sa puso kahit na nagdeny siguro ako noon. hehe belat!


  • tayo na sa sineskwela at tuklasin natin ang siyensiya
    ay naman bawat batang dekada 90 ay nanood yata nito! pustahan alam pa ng mga ito ang opening song ng sineskwela! umaga ko na yatang routine noong grade school na manood nito at marathon pa ng mga morning cartoons na remi, cedi, princess sarah, heidi at georgie. pag-uwi naman sa hapon go go go dahil magsisimula na ang btx, blink, magic night ray earth at iba pa... sinong makakalimot kay sailor moon at syempre sa mighty morphin power rangers! kilala mo pa ba sina jason, billy, zack, kimberly at trini? isama pa si tommy. hay i miss those shows na! hehe paborito ko rin noong bata ako ang hirayamanawari(na ewan ko ba kung anong ibig sabihin) at bayani na alam ko pa rin ang mga theme song hanggang ngayon. hehe. sayang kasi wala ng masyadong educational kiddie shows ngayon...

  • nakilala ng luma ang bago
    isang mahalagang kaganapan sa ilalim ng dekada 90 ay ang pagbabago at ang mga transition years. ito kasi ang post-martial law era at pre-millenium galore. kumbaga naranasan ko pa ang mga traditional pinoy games at the same time naeenjoy ang bagong offer ng technology! naglalaro ako noon ng piko, patintero, tumbang preso, putubong 123, luksong lubid, jackstones, chinese garter, taguan, text(yung cards), pog(parang mga chip) at kung anu-ano pa pero doon din sinimulang iintroduce ang computer technology noong mga late 80s to early 90s. kaya naman kilalang kilala ko sina ryu, ken at chun li at syempre pilit tinatapos ang 8 worlds sa super mario sa family computer. panalo! dahil naging parte ako ng transition stage ng mga taon parang nahubog lalo ang aking pinoy identity. haha gumaganun ba? hehe.

  • ang teknolohiya at ang y2k bug!
    naalala ko pa noong elementary nagsusulputan ang mga aliw na technology. ang gameboy, play station at syempre ang ever famous na cellphone! noong una parang pangkayod ng yelo sa laki hanggang sa nilabas ang 5110 noong grade 6 ako na babago sa mukha ng cellphone culture sa pinas! kay mahal ng 5110 non ha! at ang sim card na kung ngayon ay 30 pesos lang ay makakabili ka na, aba noon thousand ang halaga! 300 din ang prepaid load at di pa uso ang unlimited texting. hanga ako na natitipid ko pa ang 300 load noon sa isang buwan. haha. ayun umusbong ang pagtetext, ang drop call at ang pagmimiskol.

    syempre ang pinakamalaking issue noong dekada 90 ay ang y2k bug. babalik daw sa zero ang lahat ng may connection sa computer kaya malaking epekto nito sa daigdig talbog ang global warming dahil digital sa bilis ang effect. magdadown daw ang mga atm machines, mawawala sa ruta ang mga eroplano at bapor, masisira ang mga computers sa stock market, titigil ang mga elevator... well kung tutuusin parang over acting lang pala ang mga sangkatauhang nasa likod ng y2k bug kasi wala lang. pagsapit ng 2000 hindi naman bumagsak ang isang eroplano sa aming bakuran . pero panalo kasi millenium graduate ako noong grade school. ikonek ba? hehe

iba talaga ang dekadang aking nakagisnan. ang sarap magbalik tanaw sa dekada nobenta kung saan maraming bago ang umusbong. ngayon kasi parang nagiging mababaw na ang mga kabataan, namulat sila sa panahon kung saan mabilisan ang lahat. kasing bilis ng pagpapalit ng mga usong cellphone at kasing-iglap ng pagdagsa ng mga bagong teknolohiya. wala na ang mga pambatang palabas na kapupulutan ng aral at wala na rin ang paglalaro sa ilalim ng bilog na buwan ng taguan.

15 comments:

  1. 80's baby din ako, kaya di pa ako ganun katanda. hehehe

    parang kailan lang nanonood lang ako ng dog of flanders at iniyakan ang asong si patras...

    Hay..

    ReplyDelete
  2. Hmm.. Magkasing tanda lang ba tayo? Hahaha.. Parang iba kasi ang 90's culture na kinagisnan ko..

    Hindi talaga ako nanunuod ng soap opera--nagkakataon lang na yun ang kinahihiligan ng mudang at pudang ko noon kaya napipilitan akong manuod.

    Pero swak yang Sineskwela at iba pang mga educational shows ng ABS-CBN.. At correction, tuwing Linggo lang ang Ray Earth.. :P

    At may computer na kami sa bahay bago pa ako pinanganak.. Feeling ko nga eh may long-lost twin ako na monitor.. ^_^

    ReplyDelete
  3. weird ba na sabihin na kahit mukhang isang dekada ang tanda ko sa'yo eh nag-enjoy pa rin ako sa Sineskwela? yikes!

    ReplyDelete
  4. HAHAHA. ang tanda ko na pala. pinanganak ako ng mas maaga sa yo. highschool na ako nung maenjoy ko ang mga naenjoy mo nung musmos ka. shet ang tanda ko na!

    ReplyDelete
  5. COLDMAN nakakaiyak nga iyan. si nelo at si patras na nagtitinda ng gatas. hehe.

    excuse me? masmatanda ka sa aking isang buwan ELECTRIC ITLOG! kala mo ha?! hehe at oh-so-nerd ka pala agad dahil techy ka na noong may gatas ka pa sa labi. hehe ah talaga tuwing linggo lang ray earth? oh well...

    ReplyDelete
  6. isang dekada? so 30s ka na JERICHO? oo enjoy pa rin talaga ang sineskwela. marami kasing kaalaman. hehe

    ooh binatilyo ka na pala COACH noong may gatas pa ako sa labi. haha

    ReplyDelete
  7. ako din 80's baby

    1984 to be exact

    hehehehe!

    i love sineskewela, panghapon me nung elmentary and thats my cue na dpat magbihis na for class hehehe!

    tapos naaalala ko c nelo din, ung little women, ung von trapp family, ung princess sarah

    tapos ang parang mtv lang natin nun ung video hit parade ba un tsaka movie hit parade for movies naman, wla pang myx at mtv at channel v nun eh hehehe!

    oo nga pla im a big fan din of tgis and gimik hahahahaha! kaso medyo preteen na ko nun,

    ReplyDelete
  8. ambabata naman ng mga bloggers, leche.

    pero bilang isang batang ina, nawili talaga ako sa sineskwela, hirayamanawari, bayani, sailormoon, mara clara, Ang TV at yung ABS-CBN version ng Dawson's Creek.

    kolehiyala na ay watch pa rin ng ray earth. ito yung me bayot diba?

    at jusko, 2001 na ako nagkacellphone. spanish bread lang ang kaya kong dalhin sa iskul noon.

    ReplyDelete
  9. hay,, i remember my chilhood..! chos!

    ReplyDelete
  10. magkasing tanda kaya tayo o nagkataon lang nadaanan ko na rin yun? hehehe...sineskwela!!!

    ReplyDelete
  11. haha oo ako rin TURISMOBOI naging sign din na kailangan ng gumayak sa afternoon class noong gradeschool kapag sineskwela na ang palabas. hindi ko alam yung mga hit parade thingies... sang channel mga yun?

    haha tiya KIKS at least feeling bagets pa rin hindi ba? at masarap ang spanish bread kahit na hindi naman galing spain. yung dawson's creek ng abs-cbn ay ang tabing-ilog with kaye abad. hehe

    ReplyDelete
  12. excuse me GODDESS! haha.

    kailan ka ba pinanganak WANDERINGCOMMUTER? baka tayo pala ay si julio at julia ang kambal ng tadhana. wehehe

    ReplyDelete
  13. panalo! haha! i remember then, the world was so young wahaha...

    peyborit ko rin un mga shows na yun...tska un takeshi's castle at crystal maze sa RPN9!...

    pero di lang puro TV Shows ang pinapanood ko sa TV, pati un mga Commercials hehe...

    naalala mo un "nano nano" na commercial?...

    bago pa nauso ang "iPod Nano", eh may mas naunang "nano" na "sweet, spicy and salty", na take note 3 buwan ata in-air un tv ad na un, pero mga 1 buwan lang sa market un produkto dahil talaga namang "sweet, spicy and salty" ang lasa... =P

    ReplyDelete
  14. nako oo namang JIGGY! benta sa akin ang nano nano na iyan hano! at oo panalo ang crystal maze. hehe. pnapanood ko rin iyon pero pasensiya hindi ko alam na channel 9 pala iyon haha.

    eh ang commercial ng jollibee na umaga, tanghali, gabi nina donna cruz, geneva at sheryl ata yun. haha. at ang i love you sabado ni boy 2 quizon.. hehe. ang masasabi ko lang ay.."i can feel it!" haha

    ReplyDelete
  15. baka dekada otchenta.80's. at ang nobenta ay 90's. hehe!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...