Monday, February 4, 2008

paano ako kukunin ni lord?

naglalakad ako minsan isang gabi biglang may humablot sa akin at ginahasa ako. nakilala ko siya. hinampas niya ako ng bato sa ulo at pinaanod sa pasig river.

arghhh...

hindi iyan kuwento ng isang white lady na nagpakita sa akin habang nanonood ng walang tulugan with master showman, naisip ko lang paano kaya ako mamamatay? definitely ayokong ikwento sa isang psychic ang ganoong kapalaran hano? dapat kapag naglaro ng ouija board ang mga apo ko sa sakong magandang death story ang ilalahad ko sa kanila. yung multo ko dapat fulfilled at satisfied sa buhay niya at inembrace ang death.

siguro nakakakilabot pag-usapan ang isang kamatayan lalo na't kung mismong kamatayan mo pa ang pag-uusapan. eh well lahat naman tayo walang choice at madedead soon pero please lang god hindi pa ako handa. hindi naman porke isinusulat ko na itong post na ito ay papasundo niyo na ako. huwag naman kayong excited. hehe. please lord marami pa akong pangarap sa buhay. magiging first gay president pa ako ng pilipinas. chos.

anyway ayun nga. gusto ko naman na kapag dumating ang araw na kukunin na ako ni lord dapat handang-handa na ako. ayokong magaya sa mga multo na workaholic kasi may mga unfinished business pang tinatapos. hehe. pero paano nga kaya ako magmumulto? papagalawin ko ang mga bagay o kaya'y sasapi sa isang bagets. chos. ano ba iyan hindi ko pa nga naiisip kung paano ako madededbol ay pagmumulto na agad naiisip ko. hmmm. basta sosorpresahin na lang ako ni god 96 years from now. haha.

paano ako mabubura sa listahan ng sangkatauhan?
a. mistaken identity. akala isa akong celebrity na adik.
b. sa kabusugan.
c. kukuyugin ng mga inggitera dahil sa aking cuteness.
d. makakalimutang huminga.
e. kukulamin ni voldemort.
f. wala lang.

***

heto ang post na ginawa ko sa pagitan ng gutom at cluelessness(yes may ganito bang salita?) kaya weird. heto ang nagagawa ng malawakang gutom. nasa computer lab ako at inaabuso ang internet ng unibersidad. kabayaran sa pagabsent ng propesor. gusto ko pang magbyuti sleep.

anyway may we all rest in peace... someday after 96 years.

21 comments:

  1. naisip mo na ba assumption, yun bang go ka ng heaven ng di namamatay?

    or parang sa celestine prophecy...maglalaho ka nalang na parang bula then you become part of the universe

    ReplyDelete
  2. ay sushal ang celestine prophecy effect na iyan BRYAN! pero mas trip ko yata ang magpakavirgin na umangat na lang sa langit ng walang kalaban-laban. hehe

    ReplyDelete
  3. hirap ah... what if di ka kinuha, nakalimutan at di tumanda.. immortal.. shett... goddess na ito!

    -davenport

    ReplyDelete
  4. Hahaha. Pagbayarin ang mga prof na mahilig umabsent.. Bago lang dito sa blog mo. Daan ka din minsan sa blog at magbasabasa.

    ZKEY

    ReplyDelete
  5. tumambling ako sa post na to. about the after life na happiness ever.

    kung ganito ang naidudulot ng gutom at cluelessness, magsulat ka pa!!!

    ReplyDelete
  6. i want money BARB hehe but i think i cant afford (dobol ef ba ito? anyway..) to join. thank you for your offer.

    ay cool yun kuya DAVE at least nagmamataray hindi ba? hindi tumatanda ang drama. masaya iyon. hehe lalo na't marami ang gusto ko pang gawin sa mundo...

    ReplyDelete
  7. uy KAUSTE nakabisita na ako sa blog mo. anyway uste ka rin? panalo.

    tama ka sa mga prop na hindi pumapasok! kuyugin! hehe

    tiya KIKS para maiba naman. lagi na lang kasing malungkot kapag about sa death eh. for a change di ba? hehe.

    salamat muli sa papuri! ;p

    ReplyDelete
  8. gusto kong mamatay sa kaligayahan! dyuk.

    love life ka muna. ok?

    ReplyDelete
  9. darating din ako run COLDMAN hehe. hindi pa siguro oras. ;p

    masarap ngang mamatay sa kaligayahan. hehe

    ReplyDelete
  10. Ay morbid ... pero with flair ha in fairness!

    ReplyDelete
  11. haha. aliw.
    pero anytym pede kang mamatay diba? so embrcae death para layuan ka niya. parang kapag masyado kang attached sa isang tao tas dikit ka ng dikit, lalayuan ka nun at maiinis sau. kaya kug ayaw mong mamatay ng maaga, embrace death as early as now. hehe

    ReplyDelete
  12. share ko lang kay coldman, meron kaming in-admit sa ICU na nag-heart attack (MI or myocardial infarction) dahil sa sobrang kaligayahan (oo, nag-a-ano sila ng asawa niya nang atakihin siya sa puso at muntik na cyang mamatay)...

    ngayon, everytime they do the nasties, ewan ko na lang kung ano yung tumatakbo sa isip nila. hehehe.

    basta ako, mamamatay ako at age 69. due to stroke. :-)

    na-stroke habang nakikipag-toot. hahaha. just kidding. :-)

    ReplyDelete
  13. thanks JERICHO! susyal dapat hindi ba? hehe

    naku BULITAS baka masyado siyang mapamahal sa akin kapag inembrace ko siya at isama na niya ako agad. mas gusto ko ang love-hate relationship. para may drama sa buhay namin. habulin niya ako... hehe

    NURSE RUFF! you're back!!! anyway kaloka ang namatay sa pagkekeme ha? sayang. oh well at least namatay nga siya sa kaligayahan! hehe and talagang sa age na 69 mo gustong madead? ayaw mo ng 70? 78? 89? hehe

    ReplyDelete
  14. hindi siguro masaya kung malalaman mo kung papaano ka mamatay.

    mabubuhay ka'ng praning all your life... parang final destination. hehehe

    ReplyDelete
  15. may point ka riyan WANDERING COMMUTER kung malalaman mo nga namang mamatay ka sa pagkalunod hindi ka na maliligo or worse matatakot ka sa tubig. hehe

    well iyan ang isa sa mga misteryo ng buhay. kung paano tayo madededbol.

    ReplyDelete
  16. yup, sure, add me up. :-)

    mas feel ko ang 69. para akong vindicated for being, you know, hahaha. wala lang. mas cute kasi, eh.

    dead at 69

    sige i'll post some actual pics on my facebook account, para naman may personal touch. hahaha.

    ReplyDelete
  17. gusto ko mamatay gracefully hehehe! pano kaya!

    ReplyDelete
  18. multong workaholic. lol. adik ka.
    wag naman sana. ako. gusto ko...
    mareincarnate. hahahaha sana sa next life ko babae na ako. nyahahahah

    ReplyDelete
  19. sana maging handa lagi tayo pag dumating na ang time na ito. sae hae bok manhi badeuseyo. happy lunar new year. :)

    ReplyDelete
  20. haha NURSE RUFF! sige aabangan ko yun sa facebook ng matapos na ang misteryo sa iyong faceless pic. ;p

    mataray iyan TURISMO ala graceful exit ang drama. hehe

    ReplyDelete
  21. haha at least busy-busyhan ang multong workaholic THESOCIALCRITIC! cool nga sigurong mareincarnate hano?

    tama ka riyan COACH ayoko rin kasing umalis ng mundo ng hindi pa handa. dapat ala boyscout, laging handa. wehehe

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...