paano mo ba talaga masasabing bastos ang isang tao? kapag nanigaw ang bata sa mas matanda? kapag sumagot ng pabalang sa magulang kahit na ikaw ang tama? o kapag nanakit at nanapak ka ng damdamin ng iba?
wala lang. sa pampanga ako nagsemana santa. so usap-usapan ang aking graduation at ang pagjojob hunt. hetong si lola pinapansin lahat. yung buhok ko raw pagupit ko na at may bangs daw kasi ako at mapagkakamalan akong bading. pft. so i extended my deepest deadma. tuloy lang. hanggang sa nalaman nilang may job exam ako noong monday.
nanonood ako ng tv noon tas payo ni lola, dapat daw maging brusko ako sa interview. ewan ko ba nagpanting ang tenga ko tapos sinampal ko siya. chooos. syempre hindi. nagsnap back lang ako, "kung hindi nila ako kukunin dahil sa ganoon ako, eh di huwag. sila ang nawalan hindi ako." basta parang ganoon ang sinabi ko. si mama naloka at pasweet niyang sinabi na "anak huwag ka namang ganiyang sumagot". in kapampangan pala ang conversation namin. wala lang. naoffend kasi ako ng bonggang-bongga kay lola. wala ba siyang tiwala sa kakayahan ng apo niya? siguro nga mabuti ang kaniyang intensiyon pero well... basta siguro bastos nga ako at sumagot ako ng pabalang sa mas matanda sa akin. pero nasaktan ako eh. facade ang drama. ayun dinrop na ang topic. pagdating talaga sa gender issue sa pamilya prickly talaga ako. madali akong maalibadbaran. for moi kasi tama na ang nagkakaintindihan na alam mo nang ganoon, huwag ng ichorva pa. awkward lang kasi. kaya ako hindi ko talaga inoopen sa pamuli ko at alam ko namang alam nila na ganito ako eh. kaya okey sa akin ang set-up na hindi pinaguusapan. may mutual understanding kami na ganoon nga.
tapos may isa pa na hindi ko alam kung nakakabastos pero natatawa na lang ako noong time na iyon. nagtutulugtulugan ako noong kausap nila yung tita ko sa ameyrica. haha. wala lang para makaeavesdrop. hehe. tapos ayun kinausap si papa regarding my graduation. itago natin sa pangalang chorva si kuya at chorvalin naman ako.
papa: gagraduate na si chorva--
lola: si chorvalin...
papa: ...si chorvalin. naku sinasabi niya na hihingi sana siya kahit panlibre lang sa mga kaibigan niya... (ay excuse me ha? wala akong sinasabing ganoon.)
tapos nagpatuloy usapan nila, walang datung si tita kaya bengga...
papa: oo nga si chorva.... gagraduate na si chorva... si chorva.... ganiyan si chorva... blah blah chorva...
haha puro pangalan na lang ni kuya ang nasabi niya. well sa pagkakaalam ko hindi niya peyburit si kuya at hindi rin niya ako peyburit dahil si bunso ang peyburit niya. okey lang din kasi kay mudang naman akey close. pero siguro mas maikli naman kasi ang pangalang chorva sa chorvalin hindi ba? haha. mas maikli kasi ang nickname ni kuya kaysa sa akin kaya siguro achieve ni pudang na iyon na lang ang banggitin at siguro nagkakaintindihan naman silang ako ang pinag-uusapan. so nasaktan ba ako nun? hindi. nakakatawa lang. nakakabastos? ewan. kaya ayun. nabastos ba ako o nambastos? kapag talaga puso ang pinagana hindi mo na talaga alam kung ano ang mali o tama.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...
medyo mahirap nga nag tanong na ito.
ReplyDeletesiguro abolish censorship na lang! hehehe
a.. okay, so may mga something talaga sa mga last sentences no..
ReplyDeletedito yun pinakalast.. hehe
nahihirapan ako sagutin yan..
ReplyDeletewhahaha!ako ba un bunso dun?joke!
ReplyDeletehayaan na sila..alam mo naman ang totoo at tama at dapat...like you said, matanda na sila...
haha magagalit kasi si chairman laguardia WANDERING COMMUTER pag inabolish. mawawalan daw siya ng trabaho. hehe
ReplyDeleteread between the lines ba ang drama NAPUNDING ALITAPTAP? hehe
naku DAKILANG TAMBAY mahirap nga ata.
ReplyDeletesalamat naman BUNSO hehe. tama. old na sila. hehe
hmmmmmmmm
ReplyDeletesa mga bagay na ganyan.. off limit ako.. hindi ako kabaitang anak eh..
ReplyDelete-DAVE
marami talagang bastusang nagaganap sa araw-araw. at the end of the day, basta maganda ka pa rin .. kebs..;)
ReplyDeleteHarharhar! Nakakatuwa ang story mo ngayon. Haaay...hayaan mo na yong lola mo matanda na 'yon. As what people say in Venezuela, "Nada quever!". As in deadma lang. Kever!
ReplyDeleteIsa lang ang masasabi ko..... Mahal ka nila. Maybe, di nila mahal ang kabaklaan mo, pero mahal ka nila.
ReplyDeleteJessica Soho, pasok!
hmmm nga TURISMO hehe
ReplyDeletetalaga lang kuya DAVE ha. ;p
tumpak JERICHO! hehe
ReplyDeletebaka nga tiya LYKA hindi lang halata. hehe
i think u were hurt
ReplyDeleteintindihin ang magugulong matatanda hay!
tell me again!
yes i was hurt TURISMO haaay... they will never understand na nga siguro.
ReplyDelete