Friday, August 29, 2008

pasko, ulan at paghihintay


hindi ko alam kung umuulan sa labas. pero ang feeling ko umuulan. kahit na hindi naman siguro. nasasalamin na nga kasi ang kalungkutan sa pag-ulan. marahil gaya ng patak ng ating luha, ganoon din ang bawat butil na patak ng ulan o dahil sa mga madidilim na ulap na tumatakip sa masisiglang sinag ng araw. ako na lang mag-isa sa cubicle namin. isang opm rock song ang sumasabay sa huni ng aircon na sobrang lamig ang binubugang hangin. siguro dinedescribe na rin ang lamig na nadadama ko sa aking kaloob-looban.

siguro pagpatak ng "ber" month magiging masaya akong muli. bukod kasi sa isang pagbabagong aking haharapin mukhang naaamoy ko na ang isa sa mga paborito kong kasiyahan sa pilipinas, ang kapaskuhan ay sumisilip na at hindi na makapaghintay sa mga nagaabang. iba kasi ang feeling ng paghihintay ng kapaskuhan. para sa akin mas masaya pa ang pagbibilang bago sumapit ang pasko kaysa sa araw ng pasko mismo. baka kasi dumating na ang pinakahihintay na petsa kaya naubos na sa pag-aabang ang kaligayahan.

paghihintay.

hindi na nga ako makapaghintay sa pagbabago. hindi na ako makapaghintay sa mga buwang nagpapadama na ng pasko. hindi na ako makapaghintay sa mga christmas carols sa radyo. pero syempre bago ang pasko tatakutin muna tayo sa oktubre! (kaso namimiss ko pa rin ang original scare factor ng magandang gabi bayan tuwing halloween season) hindi na ako makapaghintay....

itutulog ko na ang araw na ito at ako'y uuwi na. hindi na talaga ako makapaghintay.

16 comments:

  1. hinihintay ko rin ang pasko...actually yung regalo na natatanggap pag pasko...yung pagkain sa pasko...yung reunion sa pasko...yung christmas party!

    kaya ako, hindi ako mapapagod sa kakahintay sa pasko. never.

    ReplyDelete
  2. wow...time really flies, but it crawls when you want to go faster... how ironic. excited na din ako sa pasko at new year. yun talaga ang pinakamasayang araw ng mga taon ko. weeee! namimiss ko na din yung mga katatakutan sa TV pero parang na out-grow ko na yata.hehe! konting paghihintay na lang...

    you feel cold. chocolates at hot coffee try mo.yan ang karamihang advice na nakukuha ko kapag i'm feeling cold...

    :)

    ReplyDelete
  3. wag mong madaliin ang mga bagay-bagay. be careful what you wish for.

    and para naman madali ang mga bagay-bagay, uuwi ako next week at dapat magkita tayo.

    yun lang!

    ReplyDelete
  4. hmmm. gaya nga nang sa previous entry/post. nothing constant but change.

    ReplyDelete
  5. FLOWERPECKER bonggang bongga nga ang diwa ng kapaskuhan. iba ang amoy ng simoy ng hangin at parang required maging masaya. haha.

    i want hot choc right now RONEILUKE penge. hehe. pero sobrang nakagugulat nga ang bilis ng panahon. parang kanina lang grumadweyt ako tapos pagtalikod ko may trabaho na ako tapos ngayon magpapasko na! shucks.

    ReplyDelete
  6. shet tiya KIKS when ka uuwi rito?

    oo nga BOYING.

    ReplyDelete
  7. naku, huwag kang magsisimula ng topic ng tag ulan... emotional ang mga tao kapag umuulan...

    ReplyDelete
  8. ayaw ko ring pag umuulan, nalulungkot ako. =(

    ReplyDelete
  9. kc.. me i feel dread.. i don't know why.. i mean i know but i don't want to admit i dread the coming of the seasons.. hay

    ReplyDelete
  10. there is something talaga sa ulan no COLDMAN and WANDERING COMMUTER? sa pelikula o tv kasi requirement ang ulan kapag malungkot ang eksena o dagdagan ng kulog kapag nakakatakot.

    kuya DAVE madalas nga tayong magdeny sa mga bagay na makakasakit though alam naman nating wala tayong magagawa kundi harapin ang pain. may sense ba nasabi ko? haha. pero hinestly mas masaya ang paghihintay sa yuletide season kaysa sa mismong araw ng pasko.

    merry merry christmas BRYAN aginaldo ko? ;)

    ReplyDelete
  11. thanks for the comment mate. iba talaga kapag nagmamahal ka..hahaha! ang cheesy ko. hehe!

    anyway, advanced merry krismas! regalo ko ha?! hahaha!

    ReplyDelete
  12. Ay, may seasonal-affective disorder ka ata. Pero marami kayo so don't worry.:)

    I'm excited for Christmas din! Tsaka namimiss ko nga rin ang Halloween special ng MGB. As in kapag nanonood kami nun, nakatakip ung kumot hanggang neck sa sobrang takot. hahaha! I miss those days.

    P.S.
    I miss visiting this blog too.:)

    ReplyDelete
  13. "para sa akin mas masaya pa ang pagbibilang bago sumapit ang pasko kaysa sa araw ng pasko mismo."

    haaaaaaay totoo yan. haha.

    i have a love-hate relationship with ulan. minsan gusto ko siya, minsan ayaw. depende kung nasan ako. hehe. or kung may payong ba ko sa bag.

    ReplyDelete
  14. enjoy the yuletide season RONEILUKE hehe.

    long time no read KEITARO! hehe. oo nga feeling ko may seasonal-affective disorder ako. haha. oo nga madalang na lang pagdalaw mo.

    ReplyDelete
  15. good luck YOSHKE sa pagiging basang sisiw oras na umulan at wala kang payong. hehe

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...