Tuesday, December 23, 2008

turning scrooge

ang pasko raw ay para lamang sa bata. syempre tutol ako riyan (dati) at sasabihin ko (noon) na ang pasko ay para sa lahat. oo nga, dapat para sa lahat. sa paglipas ng panahon habang umiinog na rin ang aking kamalayan tila habang nadadagdagan ng taon ang aking edad na sinusulat sa blankong space ng age, mas narerealize ko na ang pasko ay para na nga lang sa bata.

noong bagets pa ako ang tingin ko sa christmas lights ay mga naglalarong ilaw na nagpapasaya na rin sa akin pero ngayon isa na lamang silang ilaw na nagpapatay sindi. noon, ang mga parol ay mga bituin na bumaba sa langit para magbigay ngiti sa mga batang nakadungaw sa bintana, ngayon nagsisilbi na lamang silang dekorasyong gawa sa plastic, papel o kung ano pa mang ginagamit noon sa art class. ang pangangaroling sa akin noon ay hudyat ng dapat magbigay paalala sa mga kapitbahay na magpapasko na, ngayon isa na lamang itong gawain ng isang makulit na yagit habang inip na inip na akong nakaupo sa dyip. sa maikling salita, iba ang pasko noong grade school ako sa pasko ngayong tapos na ako sa kolehiyo. bakit kaya? dahil sa krisis? dahil iba na ang mga tao ngayon? o kailangan ko na lang tanggapin na hindi na ako bata para enjoyin ang pasko?

sa tingin ko, nakalimutan ng magulang ko na iinstill sa akin na ang pasko ay hindi lang tungkol sa handaan, regalo at limpak na aguinaldo. haha. hindi naman sa sinisisi ko sa kanila pero nasanay ako noong bata pa ako na dapat may bagong damit tuwing christmas party, maagang gumising sa 25th para maraming mahingan ng aguinaldo at magpakabusog sa noche buena. nagsisimba naman kami noon, pero sa mata ng isang bata, aanhin ba niya ang pasko kung walang aguinaldo hindi ba?

ang pasko ay para na lang talaga sa mga bata. ang lamig ng ihip ng hangin ay lalong nagpapalamig sa aking puso at inaasam ang dating kaligayahan tuwing pasko. paboring ng paboring kasi ang pasko ko ngayon. noong nakaraang taon nga binulok ko ang sarili sa panonood ng tv na parang normal na araw lang. hay nagaasam naman ako ng milagro. maibalik ang pagkabata sa aking puso nang muling matutunan kung paano lumigaya ang aking pasko.

simple lang naman ang hinihiling ko, hindi snow sa pilipinas o yumaman ang lahat ng yagit sa bansa, kundi madama na hindi lang pala pambata ang kapaskuhan.

maligayang pasko. ;)

2 comments:

  1. emoooowwwch!

    parang pareho tayo.

    ang pasko ay pera lang sa mga bata.

    dapat mabago ang ideyang ito.

    merry xmas friend. kisses from HK!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...