Monday, December 29, 2008

spell 2008

grabe ang taong ito pero maisasummarize ko siya in 26 letters!

Anathema
im so happy na natupad namin ni maldita ang aming pangarap na magsulat together. happy naman kami sa aming naisulat. napamahal na rin sa apat na tagapagmana at kay mudra na naitanghal ng aming theater org syempre!

Born to be Wild
naging environmentalist ako rito ha at wildlife caretaker! hanapin ang mga hayop ang naging mission. naging memorable ang taon ko dahil sa mga ups and downs ko sa born at talagang learning experience. marami akong natutunan sa show na ito. thanks btw team! ;)

Cabanatuan
siguro mabibilang lang sa daliri ang paguwi ko sa aking pinakamamahal na lungsod. nevertheless ang bawat paguwi ko ay sobrang suliiit! thats magic.

Dean's Lister

ang talino ko kasi eh kaya bago ako umalis ng kolehiyo dapat maging DL ako. haha yabang kainis.

Edward Cullen
everybody is talking about twilight. nakihop ako sa bandwagon at well napaibig ako ni edward at sinumpa ko naman si bella. sino ba ang tatangging maging boylet ang hot vampire na ito? roar!

Fire
isang madaling araw ng mayo nang gisingin kami ng mga panic na katok at amoy usok sa penthouse nina tito sa QC. aba nasusunog ang opisina! buti nalang hindi nasunog ang buong gusali pero grabe medyo traumatic yun ha kasi andun din si mama at ang aking kapatid.

Graduation
need i say more? natuldukan na ang 17 years na academic life. well i still miss school though. syempre masayang makatapos at nakakaproud!

Habang May Buhay
matapos maging wildlife caretaker at environmentalist, sinuong ko naman ang pagiging nurse. sa aking paghohospital hop at pagiinterview sa mga nars at duktor, ang dami kong natututunan. abangan sa 2009 ang dramang ito sa primetime bida syempre sa abscbn lang!

Internet
buhay na buhay pa rin syempre ang aking internet life. well net adik na ako. hehe

Job Interviews
syempre dahil nakatapos na naranasan kong maging isang pilipinong naghahanap ng trabaho. salamat sa diyos at hindi ako masyadong pinahirapan. masaya ang mga job interview na pinuntahan ko sa mga ad agency, realty, corporate world, film outfit, publications at syempre sa mga tv network! sobrang saya ng experience!

Kapamilya/Kapuso
sinong magaakalang magiging kapuso at kapamilya ako sa span lang ng isang taon? i feel so blessed na matanggap at makapagtrabaho sa gma news and public affairs dahil sabi ko nga marami akong natutunan at namulat ako sa maraming bagay. hanggang sa nagober da bakod ako, so far so good at ang kapamilya ay nararapat lang sana sa bahay ng kapamilya.

Love of Siam
ang pelikulang bumago sa pananaw ko sa pag-ibig. ilang araw din akong minulto ng depressing ending nito ha. sobrang hot ni tong. grrr. come to me baby. haha. magandang pelikula na representative ng thailand sa oscars. isang family drama with innocent gay love intertwined... hmmm perfect combination i think!

Motorcycle
well nagiba ang paningin ko sa mga motor....

Newsmakers
syempre madaming gumawa ng chika ngayong taon like karylle vs marian, pagkakasuspend kay cristy fermin, pagbabalik ni gabby concepcion sa showbiz. ang dami di ba? humahabol pa ang takipsilim o ang twilight remake issue na feeling ko fake which is fake nga.. haha. controversial din ang pagkamatay ni marky cielo at ayaw pang sabihin ang sanhi ng pagkamatay nito. hmmm...

Oblation
first time kong makapanood ng oblation run sa live aids ng samaskom! grabe thanks judee for the complimentary tix. pangarap kong makapanood ng oblation ng live! haha. hindi inaasahan na bigla na lamang maghehello ang mga nota sa live aids! funny.

Para Kay B
ang kauna-unahang nobela ni ricky lee ay isang inspiring na akda. sobrang ganda at binago rin nito ang paniniwala ko sa love. gusto ko ang mga bagay na nagpapayanig sa aking mga paniniwala. nainspire akong lalong maging isang writer. naku giniba ng nobelang ito ang kumbensiyon sa pagsusulat.

QTV
maganda ang channel na ito. naacheive niya ang lifestyle at pagkasusyal this year for their 3rd year anniv. fave ko ang pinaka, moms, sweet life, the beat at ang survivor gabowwwwn. haha. kaso natatalo na sila ng tv5 na maganda rin dahil sa mga fresh ideas nito.

Researcher
two-time researcher ang aking trabaho. sa born to be wild at sa habang may buhay ay isa akong mananaliksik. napamahal na rin ako sa mahirap na trabahong ito! hmmm kailangan ko na bang hanapin ang mga bagay bagay na hindi ko iniisip hanapin? hehe

Suweldo
ang sarap ng unang sahod! iba ang feeling parang ang galing galing. haha. pinaghirapan na ang salapi kaya talagang ang hirap gastusin. mas lalong naging mature ako pagdating sa money matters at naging mas matipid!

Thesis
isang milagro ang naganap sa amin ng aking groupmates! ang saya kasi naman hindi kami nagdefend. hehe. at mataas pa ang binigay sa aming grade. hay mahal kami ni lord! hindi rin kami masyadong nageffort pero masasabi kong naging test of friendship sa amin ito nina jason at miles. haha.

Unang Hirit
unang show ko sa gma news kaso nagpalitpat ako matapos ang tatlong linggo dahil feeling ko hindi para sa akin. hay syempre kailangang kumilos agad para matagpuan ang tunay na gusto though lovable ang mga tao rito. ;) learning experience!

Victory
victorious ang pakiramdam ng year na ito dahil umani ng parangal ang pinoy kina arnel pineda dahil na pagkakatuklas as new vocalist ng journey, kay charice pempengco of course, charlie green, manny pacquiao at syempre victory ng mga friends ko na nagwagi sa board exams sa nursing at cpa! congrats naman!

Writer
ito ang pangarap kong maging ang magsulat ng teleserye, pelikula at makasulat sana ng isa sa mga episode ng shake, rattle and roll. hehe. sa aking pagiging kapamilya as a researcher ang next step ay writer, sana'y makamtan ko.

X
ang shake, rattle and roll x ang nagbabalik ng ningning ng srr horror series. haha pinilit?isa kasi akong srr baby at srr nine lang ang hindi ko napapanood sa sampu. ang ganda ng "class picture" episode!

Year ender
kapanapanabik ang aming year ender ng highschool barkada ko na gossip girl ang theme. sa december 30 pa iyon o bukas pero im sure pasabog iyon. annual na namin siyang ginagawa at talagang uber saya niya.

Zodiac
hay sinong makakalimot sa isang taxi driver na nakasakay namin one time? grabe kaya niyang manghula gamit lamang ang birth date. hay hobby siguro ni manong magbasa ng horoscope. hehe.

thank you kay god sa umaapaw na blessings at salamat sa lahat na nagbigay kulay ng aking taong 2008. sama-sama tayong muli sa 2009! happy new year!



6 comments:

  1. hahaha.... ang creative naman ng new year ender mo. at infairness sa akin, masasabi ko palang nasubaybayan ko halos lahat ng mga nandito...

    well stay happy and happy new year!

    ReplyDelete
  2. hanep..ang daming mga pangyayari sa buhay mo, mate...i could say na fruitful ang taong ito para sayo. congrats! :) kamusta naman ang oblation??? hahaha!

    happy new year! ingat sa mga paputok. baka maputukan. heheh!

    ReplyDelete
  3. pwede ba kong gumaya?

    para mapadali oo gaya gaya ako pwede na?!

    :P

    ReplyDelete
  4. thanks wandering salamat sa pagsubaybay. ;)

    salamat lucas and yes fruitful ang taong 2008 sa akin!

    mrs. j hindi mo naman nagaya. haha

    happ new year luis!

    ReplyDelete
  5. thanks wandering salamat sa pagsubaybay. ;)

    salamat lucas and yes fruitful ang taong 2008 sa akin!

    mrs. j hindi mo naman nagaya. haha

    happ new year luis!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...