kakagat ka ba sa mansanas? gaano mo kayang pigilin ang tukso kahit na alam mong sasabog ka na? hanggang kailan? paano kung iharap na sayo? hindi ka pa rin ba kakagat?...
...
...
pauwi na ako, matapos kong manood ng sine kasama ang mga kaibigan sa cubao, binabaybay ko ang madidilim, mapapanghi at maduduming sulok ng cubao. sa aking dadaanan may dalawang lalaking nag-uusap, syempre napatingin ako kasi naman hindi naman ganoon kalaki ang side walk para magisnaban. nang palagpas na ako sa kanila... may nag "hi." sabay akbay sa akin. shet. hold up ba ito?! kumabog ang aking puso. hindi pa ako nahoholdup kahit kailan. hanggang sa binasag ni kuya ang pagdarabog ng puso ko...
kuya: gusto mo ng magagandang babae?
so medyo nakalma ako. so babae. okey. napatanong naman ako ng "saan?" as if kukuha. haha. nakaakbay pa rin siya sa akin at tila sanay na sanay na sa kaniyang ginagawa. napangiti ako sabay sabi...
ako: kuya bakla ako, magkukuwentuhan lang kami ng magandang babaeng inaalok mo.
natawa si kuya ngunit hindi kumakalas sa kaniyang pagkakaakbay.
kuya: saan ka ba pupunta?
ako: pauwi na.
kuya: ah... isama ako kung saan ka uuwi!
ako: may ganoon?
natatawa na rin ako.
kuya: check in na lang tayo. kahit na ano gagawin ko. gagawin ko lahat-lahat.
natigilan ako, hindi para magisip kung papatulan ko siya kundi naculture shock naman. kahit na ganito ako no konserbatibo naman ako. haha. so kaya niyang gawin lahat-lahat para makakain? ibinibigay na niya sarili niya sa akin!
ako: naku kuya wala akong pera eh.
sabi ko na lang. pero sa totoo lang kung holdaper siya masuwerte siya kasi kakasahod ko lang. malas ko naman kasi uuwi akong luhaan. kung tutuusin pwedeng pwede naman akong pumayag. hindi ko lang siguro siya type. haha. pero kasi naman no offense meant parang degrading pa sa aking freshness ang magbayad for sex no at hindi naman ako makating bata. so ayun...
hindi pa rin siya umaalis sa pagkakaakbay. hanggang sa nagpabili na lang siya ng kape at 2 stick ng yosi. bente pesos din yun ha. haha. tapos tinanong niya ako ng pangalan ko, binigyan ko siya ng pekeng name tas kinuha niya ang kamay ko at humalik sabay sabi ng pangalan niya. tamis ha? haha. ayun. sabi ko sa iba na lang niya ialok ang mga babae niya.
masisisi ko ba siya kung siya ang manukso sa akin at maging ahas ko? pero suwerte na rin ako kasi hindi siya natuksong gawin na lang ang madiling paraan ng pagkuha ng pera dahil kung tutuusin kayang kaya niyang gawin iyon. parehas lang kaming player sa game of life. kung sino unang matukso at kumagat sa mansanas, talo. katawan niya at pera ko ang mga mansanas at kami ang ahas ng isa't-isa sa malawak at madilim na hardin ng eden.
pero napagtanto ko nung gabing iyon... mukha ba akong maton na hayok sa babae? 3rd time ko na kasing naaalukan eh? at consistent ako na sinasagot kong magkukuwentuhan lang kami ng mga babae nila. hehe. ;)
pakita nga ng kalansay para masagot ko yung tanong mo.. ahihihihi ung close up an kalansay ha..
ReplyDeletehmmmm bakit nung nakaraan hindi ako makabukas ng comment page mo? ayaw mo ko pakomentin noh? hmmmmm
ahihihihihi
wag ka na kase magdadaan sa mga madidilim na sulok...
naku, sang kalye ba yan at makadaan?
ReplyDeletehahaha! si ibig sabihin hindi ka pa kumagat sa mansanas??? hehe!
ReplyDeletegood boy ka pala eh...wohoooo!
---
thanks, sa comment :)
wow naman , i really like u... very nice and entertaining ang story telling!
ReplyDelete--- may basic rule naman eh. even ang mga bata alam yan. YES or NO lang, and sa kaso mo, you just say NO because its ur choice and its your nature...
haha yanah hindi ko rin magets kung bakit napagkakamalan akong maton. ang pasweet ko na nga eh. haha. ayan binalik ko na sa dati kaya mas madali ng magcomment. hehe
ReplyDeletebryan sa may cubao! ;)
haha yun ang akala mo ron aka lucas haha. joke. naku walang anuman.
ReplyDeletei know bleeding angel its all about choices talaga! ;) thanks and you like me. go kabayan. hehe
siempre playing safe lang si kuya kasi kung inalok ka nya kaagad ng katawan nya tapos di ka naman gurl, eh baka nabigwasan mo sya agad. talo, diba?
ReplyDeletemay point ka riyan ate sienna!
ReplyDeleteEto pala ang kabuuan ng story mo., hahaha. ayan kasi. ang hilig mong umuwi ng gabi! kaya nasstress si papa sainyo. hahahaha. (parang ang aga ko umuwi nung/pag nasa manila ako noh?hahahaha)
ReplyDeletesumali ako yffar! haha
ReplyDeletenaku relax pakisabi kay tito jc haha
hinde hayaan mo na sya. hahaha.minsan lang naman nya kayo makita. maarte lang sya talaga.hahahaha
ReplyDelete