Saturday, February 14, 2009

anatomiya ng isang love story

naalala ko noong prep may crush akong babae (yes tama po) nalaman niya syempre. ayun pinagpepair na kami lagi tapos syempre dahil bata kinikilig kami. haha. kung alam na namin salitang mutual understanding noon iyon siguro ang relasyon namin. naghihingian ng picture, nagpapapicture together at naghaharutan. kulang na lang sex, joke. haha. hanggang sa narealize namin na kalokohan lang ang aming ginagawa at naglalaro lang. noong hindi na kami magkaklase noong grade one natigil na at parang wala lang. sabi nga nila puppy love lang ang naganap.

marami akong naging crushes na babae noong grade school pero i know na there is something in my heart na there is something wrong. hindi ko inaacknowledge ang sinisigaw ng aking puso at iniisip ko pa rin na ang tama ay ang lalaki ay dapat umiibig sa babae at hindi sa kapwa lalaki. pero gaya ng sa mga soap opera at pelikula, kailangang magising ang bida (syempre ako ang bida rito alangan namang ilagay ko kontrabida o supporting role lang di ba?) sa katotohanan at naimbento rin ang man vs man na conflict hindi ba? naging kalaban ko ang aking sarili sa pagtanggap. mahirap.
noong high school ko lubusang tinanggap ang aking pagkatao. naniwala na ako sa kasabihang kapwa ko mahal ko. hehe. natigil na ang ilusyong babae ang mga crush ko at natauhan ako na hindi ako lesbiyana. nagbibilang na ako ng mga boy crush at kinikilig sa mga lalaki. nag-aral ako sa isang co-ed na paaralan kaya may mga kaagaw na girls! tsk. haha. pero noong high school unang tumibok ang aking puso. naging uber close kami at naging kabarkada ko pa nga ang lalaki eh. naging tulay niya sa babaeng nililigawan niya, nag ala jolina na pwede ko ng gamitin ang mga linyang "im so stupid to have the biggest mistake of falling in love with my best friend!" , gumagawa ng essay niya (pero syempre siya bahala sa math. hehe), nagdrodrawing ng mga report niya sa el fili at noli at naging masaya na ako noon. hindi man niya pinapantayan ang pagmamahal na binibigay ko noon, sapat na sa akin na naging matalik ko siyang kaibigan. sapat na sa akin na iyakan niya ako sa kaniyang mga kabiguan, labasan (o bastos. hindi iyon.) ng sama ng loob patungkol sa kaniyang babaeng nililigawan (na matalik ko ring kaibigan), napagsasabihan ng kaniyang mga pantasya at libog sa katawan at syempre maging true friend na lagi naman niyang maasahan.

naumpog naman ako noong malapit na kaming magkolehiyo. (nag-aral kami sa parehas na unibersidad) nagising ako na katangahan lang ang ginagawa ko at wala akong mapapala. at paniguradong magiging teeny bopper flick ang eksena kapag nalaman niya kasi masisira lang ang aming pagkakaibigan. kaya nilihim ko ito hanggang ngayon, though alam ng barkada namin. haha. well nakamove on na ako sa kaniya as in. kaya pag naaalala ko natatawa na lang ako, so high school. may girlfriend na siya at matalik pa rin kaming magkaibigan.

kaya naman i beg to disagree sa kasabihang first love never dies. naibaon ko na nga at nailibing iyong unang pagtibok na iyon eh. nagpatuloy ako sa aking buhay. masaya naman ako dahil friends kami ni perslab. hanggang sa pagtapak ko sa kolehiyo muli na namang tumibok ang puso ko. kainis. tsk. sa isang orgmate na well bading din. mas madali na sana hindi ba? kaso feeling ko hanggang pangarap at panaginip na lang. kinikilig ako, masaya kapag nakikita siya, irreg siya eh kaya naging kaklase ko pa sa isang subject... hanggang sa natauhan ako at tinigil na. i have this ability to stop my heart from loving someone. infairness, magandang powers. eh akala ko natigil ko na nga... farewell nila, may one on one sa mga seniors. senior siya, junior ako noong time na iyon. inamin ko na nainlab ako sa kaniya. nagtawanan kami. basta funny. may inabot akong sulat. noong pauwi na yinakap namin ang isa't-isa at pangakong walang magbabago. wala namang nagbago. namimiss ko rin naman siya paminsan minsan.

oo na. namaster ko na ang unrequited love. pero dahil nga sa aking innate power to stop loving someone naliligtas ko ang sarili ko sa self destruction at kapag kasi alam ko ng walang pagasa titigil na ako. kumbaga hindi na ako magpapakatanga dahil alam ko naman nang hindi nga maaari...

kaya minsan naiisip ko gusto ko namang masaktan. gusto ko namang maranasan ang so-called heart break. gusto kong umiyak dahil sa pag-ibig, gusto kong matulala at hinahanap pa rin ang siya, gusto kong magbura ng number sa fonebook pero deep inside kabisado ko naman ang numero at hinahantay pa ring magtext, gusto kong malango, mahibang at mabaliw, gusto kong magmaakawa na balikan ako... gusto kong makaramdam naman ng hapdi nang dahil lang sa pagibig. siguro may magsasabing hibang na ako o kaya'y mapakanta ng "be careful what you wish for because you just might get it." masisisi niyo ba ang isang taong namanhid na sa aspetong puso?

***
heto patuloy na naghihintay pero sabi ko nga single ako kasi by choice. pero kapag may dumating ang gusto ko lang naman kayang sakyan kajologsan at mga trip ko like go to qc circle at magswing sa playground, kayang makipagkuwentuhan sa akin ng aking mga paboritong anime, teleserye at pelikula, kaya niyang magkuwento ng kung anu-ano habang ako'y kinikilig na nakikinig,kaya akong pangitiin at patawanin sa mga walang kuwentang bagay, kaya akong alayan ng mga tula, kayang magstay sa tabi ko kahit hindi kami nag-uusap, kayang tanggapin ang aking kabuuan, magcompromise at bukas ang isip sa iba't-ibang bagay at higit sa lahat dapat guwapo. joke. haha. take two... at higit sa lahat kayang mahalin ako ng lubusan pero hindi niya makakalimutan ang kaniyang sarili, ang taong aking minahal.

9 comments:

  1. ganito rin yung nangyari sa kaibigan ko. gustodin niya daw kasi maramdaman ang heart ache. ayun, mamatay matay sa unang heart ache niya...aheheh!

    astig ka rin. napipigilan mo ang puso mo. sana ganyan din ako :)

    ReplyDelete
  2. oo no. ang lakas ng powers ko. haha.

    at least nadama niya. gusto kong maging masokista naman. gusto kong maiblog kung anong nararamdaman ng isang nabigo sa pagmamahal. ;)

    ReplyDelete
  3. congratulations on your post dahil dyan maisasama kita sa 8 things for 8 happy days ko ngayong pang 7th day ko na :-P. papangalanan ko din yung lalaking kina-in-love-an mo.hahahahahaha.sabi nga ni Kris Aquino., "NAME NAMES"..but then, ayoko na pala,. hahaha. oh well. Nothing special on this day for me. I was moved by your closing spiel. (moved talaga, to the left to the left kasi nakapaling yung upuan ko.haha.oo nagexplain talaga.)pero nakakapangulila. ampotek oo. buti pa si perslab ko masaya sa lablayp nya ngayon.tsk tsk tsk.

    ReplyDelete
  4. Brilliant!

    Nagkaroon ako ng bagong perspektibo sa pag-unawa sa sitwasyon ng aking kaibigan at kung bakit siya nagpapakamartir at nagpapakamongha sa sidelines pagdating sa pag-ibig.

    Sabi niya: I could be happier but I'll settle on just being happy (less complications daw)

    Salamat salamat!

    ReplyDelete
  5. sana kaya ko rin yan ginagawa mo.. pigilan ung sarili para hindi magpakatanga sa bagay na alam naman na walang patutunguhan. pano un? ahihihi

    nakaktuwa.. kung tutuusin mga simple lang ung gusto mo sa isang tao pero ano ka, ang hirap hanapin nun..

    yun naman talaga ang nakapagpapasaya satin ng todo eh mga simpleng bagay..

    ReplyDelete
  6. pano ba magkaron ng ganyang super powers? hehe! kailangan ko yan! hehe!

    yun nga eh. at least nadama niya. para sa susunod maanticipate na niya. :)

    then, blog it! i'll read!

    ---
    yeah...love is a gamble...pero minsan sa sobrang sakit we tend to become cynical,skeptics.

    ReplyDelete
  7. friends din kami ng first love ko (girl din cya). we see each other sa reunions, etc. at nagkakangitian na lang kami sa aming matamis na nakaraan na naging parte na habambuhay ng aming pansariling kasaysayan.

    ReplyDelete
  8. kamusta naman ang pagmove mo jc nakabalik ka ba sa base? hehe. good for your first love its a sign na dapat ka na ring lumigaya. hehe

    gusto ko yang paniniwala ng friend mo bulaang katotohanan! tama. mas maganda ang happy lang basta kuntento ka pero hindi masamang humiling ng mas ikaliligaya mo hindi ba? ;)

    ReplyDelete
  9. madali lang yanah st ron isang matinding paggising nga lang ng isipan ang kailanganin at kailangang bulagin ng matindi ang puso. kasi puso ang sisira ng diskarte mo pag nagkataon kaya sa mga ganoong pagkakataon hindi maganda ang advice na "follow your heart." hehe.

    hindi na kami nagkita noong kapuppy love ko nurse ruff pag nagkita kami im sure mas maganda ako sa kaniya. joke. hehe.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...