bakit hindi umuunlad ang pilipinas? well sari-saring blogs na rin siguro ang nagtackle sa issue na ito at sa tingin ko cliche na nga siya eh. kahit na. kasi hangga't hindi tayo umuunlad hindi matitigil ang mga blog na tinatalakay ang nasabing issue. hay syempre given na ang issue na corruption chu chu at kung anek anek na problema ng gobyerno pero sa aking pananaw hindi lang naman sila ang may kasalanan. so sa aking pananaw bakit nga ba hindi tayo maunlad?
- masyado kasi tayong magaling, idealistic at mayabang.
how ironic no? dahil sa ating kagalingan hindi tayo umuunlad. idealistic at mayabang. yan ang mga karakter na imbis na dalhin tayo sa taas, hinihila tayo pababa. lahat gustong magpatalbugan at magpataasan, pero dahil lahat nga naguunahan sa itaas ang nangyayari walang nakararating doon at naiiwan tayo sa baba. hindi na rin kataka-taka na kahit na third world country tayo aba acheive na natin ang first world luxury dahil ayaw nating patalo. - we want it in an instant.
kaya nga patok sa atin ang instant noodles, sachet, 3 in 1 coffee dahil bentang benta sa atin ang instant. eh ang masakit niliteral na natin sa lahat ng bagay eh gusto natin mabilisan. kaya nagsisisali ng wowowee, gusto mayaman agad. gusto paggising donya na and it boils down sa ayaw din nating magsipag. naisip ko tuloy, totoo bang walang mahanap na trabaho sa pilipinas o walang naghahanap ng trabaho sa pilipinas? - masyadong mapamahiin at makaluma!
hala naniniwala tayo sa hula, talisman, pampasuwerte at chain mail, ayaw ng kumayod para mabiyayaan. ang idinidikta ng simbahan ang laging tama kahit na tila humahadlang sa pagsulong ng lahat. paano yun? hindi talaga madalas nagkakasundo ang agham at simbahan pero paano tayo susulong kung magpapatali tayo sa lumang tradition? sana magrisk din ang gobyerno na kontrahin ang simbahan sa tamang paraan. naway makita natin ang separation ng church at state. hindi rin magandang nangingialam ang simbahan sa bansa at vice versa. - puro reklamo, wala namang ginagawa.
naku hobby iyan ng ibang pinoy eh. magmaasim lang ng magmaasim pero wala namang ginagawang katamisan. nakakainis lang. minsan welga lang ng welga, eh ano ba ang ginagawa nila? minsan ang mahihirap pa ang madalas magreklamo eh duh? nagbabayad ba sila ng buwis? okey lang sanang dumada ng dumada eh basta ba may ginagawa.

Agree na agree ako dito!! magaling magaling :]
ReplyDeleteisa pa, ang mga Pilipino nuknukan din ng tamad. kayang dumiskarte pero ayaw gumalaw.
ReplyDeletebatukan ko mga pinoy na iyan eh. haha
ReplyDeletetama ka magaling ang pinoy sa reklamo, kulang naman sa gawa. umpisahan natin sa ating sarili ang pagbabago.
ReplyDeleteililink ko ito sa facebook :)
ReplyDeleteparang napagusapan natin ang ilan dito sa starbucks rockwell?oh well. yes. CHANGE. it's up to us now.
ReplyDeletenako jimboewan ko talaga!
ReplyDeleteyep singer=nurse napagusapan natin. hehe