Friday, January 16, 2009
paano nakikinig ang panginoon?
bilyong-bilyong text ang dumadaan sa smart at globe, isama mo pa ang sun kada araw. pwede kayang maging kahalintulad iyon ng bilyong-bilyong dasal mula sa iba't-ibang paniniwala na dumadaan sa iisang diyos na may milyong pangalan? imagine, parang isang malaking post office ang langit at siguro may mga levels din kung saan nababagay ang sulat kung sa priority mail ba o sa kayang maghintay. ang hirap ng trabaho ni god no? lahat ng mga dasal naririnig siguro niya, hindi na rin ako nagtataka kung bakit tinanong ni shaina magdayao sa lola niya sa tanging yaman kung nahihirapan ba ang diyos dahil hindi lang naman iisa ang kaniyang dasal na pinakikinggan.
sabay-sabay kayang pinakikinggan ng diyos ang mga dasal natin? o depende siguro kung gaano natin kakailangan ang mga ito? baka naman kung lagi ba tayong nagsisimba, dumadaan sa templo, kung gaano kadalas magbasa ng bible o koran o baka naman kung gaano karami ang inalay nating itlog? sino ang mauuna? sino ang dapat matupad ang kahilingan? pinakamabait ba? yung nagbago? palasimba? relihiyoso? ano ang category 50% creativity ba ng paggawa ng dasal 40% beliefs at 10% audience participation? hay. ang hirap nga siguro ng trabaho ng diyos no? imagine paano siya magrereact sa mga evil prayers like "sana lord, mamatay na kapitbahay naming masungit.", " please lord sana pag namatay si lolo sa akin mapunta ang mana niya." o "sana matalo po siya sa singing contest at ako ang manalo..." kaloka hindi ba?
naisip ko lang din kasi kapag nadedelay yung mga wishes natin may favoritism ba si god? o baka naman unfair kasi sa america's next top model yung top two doon wish talaga nilang manalo at they badly want it pero syempre kahit iisa lang ang kanilang dasal yung sa isa lang ang mas matutupad, besides isa lang naman dapat ang manalo. ang ibig kong sabihin bakit hindi na lang parehas tuparin ni god yung mga pangarap nila hindi ba? haha. yung mas malakas bang magdasal ang mananalo? haha.
natatawa ako sa thoughts. hindi naman ako bitter kay lord kasi marami naman siyang mga hiling na tinupad. malakas yata ako sa kaniya paminsan. haha. curious lang kasi ako sa power ng prayers. infairness siguro nga tinutupad niya kung ano yung talagang dinadasal ng ating puso't kaluluwa hindi yung binubulong lang ng ating isipan. siguro mas tinutupad niya ang mga dasal na kailangan natin at hindi lang yung kagustuhan. sige kapag angel na ako magaapply akong kartero ni lord god at aalamin ko kung paano siya sumagot ng love letter, notice of disconnection, credit card bills at ng pen pal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...


tapos paki-ayos na lang ng mga credit card bills at lovelife ko kapag nauna ka... hehehe. peace.
ReplyDeletehey i really like you blog...
ReplyDeletehonga noh! tapos iisipin mo pa, pano kaya nafifilter talaga yung mga prayers?saka pano nya kaya nababasa or napapakinggan lahat... by day? by hour ba? may scanning machine kaya si Papa Jesus dun sa itaas... baka kailangan nya ng PA>. o kaya ng executive secretary... makapag-apply kaya... ahihihih
ReplyDeletenapadaan lang naman... may nakitang bago kaya ngtagal hehehe
haha sure wandering hehe.
ReplyDeletewow thanks bleeding angel keep on visiting! ;)
chalamat yanah pero ang challenging nga ng role ni God. ;)
ang natutunan ko noon sa Sunday School, may 3 katangian kasi si Lord.
ReplyDeleteOmniscient.
Omnipresent.
Omnipotent.
ayun lang po. napadaan lang. nice post!
i couldn't agree more. eto madalas ang ginagawa ko kapag depressed. hehe!
ReplyDeletethis is nice,and its my first time to read a blog about god...and its refreshing to stop at ur post and read it after a while of reading some post on gayness and other issues
ReplyDeletesalamat sa mga nagkomento. ;)
ReplyDeletedude ako yung blgger dati na prinzhottie, taga cabanatuan ako!
ReplyDelete