Thursday, February 26, 2009

how far will you go the reach the end of the rainbow?


how far will you go to reach the end of the rainbow? sabi nila it entails a lot of sacrifice para makuha ang mga gusto nating marating. hindi raw madali ang daan. sino nga bang may sabing madali? hanggang saan nga ba ang kaya kong lakarin para marating ang dulo ng bahag-hari?
hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang una kong sakripisyo ay ang iwanan ang isang trabaho sa maganda rin namang kumpanya dahil sa paniniwalang ito ang tamang daan patungo sa pangarap kong magsulat. sinunod ang dikta ng puso. naniwala. hanggang sa medyo malayo-layo na rin ang nilakad. iba't-ibang kulay, asul, pula, berde... dilaw... indigo... naglaro-laro. nasilaw sa mga bituin na abot-kamay na lamang. tumakaw sa ulap, nakipagkuwentuhan sa mga ibon, humipo ng eroplanong lumilipad... binagyo, kinulog at kinidlatan... ngunit hindi ko pa rin masilip ang dulo ng bahag-hari... o tama ba talaga ang daang tinatahak ko?
hanggang saan ko nga ba kayang tahakin ang bahag-hari?
  • hangga't napapaniwala ko ang sarili ko na masaya ako sa ginagawa ko...
  • hangga't kaya ko pang lunukin ang pride ko na tama ang decision ko...
  • hangga't kaya ko pang ipaglaban ang aking paninindigan na ito ang gusto ko...
  • hangga't naniniwala ako na ito ang tamang landas patungo sa aking inaaasam na dulo ng bahaghari...
  • hangga't kaya ko pang maghintay at magtiis...
  • ngunit kaya ko pa nga ba kung wala yata akong natutunan at kinukulangan ng growth?
  • ngunit kaya ko pa nga ba kung nasasanay na ako sa labis labis na oras na nailalalaan sa ibang bagay at nakasasanayan na?
  • ngunit kaya ko pa bang kumawala sa daang aking sinimulang tahakin at muling magsimula sa umpisa?
  • ngunit kaya ko pa nga ba kung nahuhuli naman o mas masakit wala ka namang nakikita sa tuwing pipila ka sa bangko at wala ka na lamang magawa kundi tumunganga?

hay. hindi maintindihan ng mga kaibigan ko kung bakit ako nagtitiis sa ganitong kalagayan. ang sagot ko lang, ito ang gusto ko. parang isang matinding paniniwala na hindi ko kayang talikuran, maisasalarawan ko ito sa isang magkaibang paniniwala, hindi maiintindihan ng mga muslim kung bakit sinasamba natin si Jesus na isa lamang propeta sa kanila sa puntong hindi rin natin maintindihan ang jihad. hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nga ba ako nagtitiis. ewan. siguro nga dahil maraming sakripisyo ang kailangan para marating ang dulo ng bahaghari... sa ngayon maniniwala muna ako na ako'y nasa tamang daan, maghihintay ako ng kidlat na tatama sa akin hanggang sa ako'y magising... kailan pa kaya? madalang ang pagkidlat sa tag-araw...

5 comments:

  1. kung nakakaramdam tayo na sakit, hirap ngaun, and if were willing to beat the pain, surely, mararating mo ung kabilang side ng rainbow, and a lifetime of happiness and contentment awaits you. totoo un, hindi hindi madali.. who wants it easy? kapag nagign amdali ang alaht ng bagay para saten, pano na lang natin mararanasan ang mabuhay ng todo..ng tama at masaya? laht ng bagay sa mu8ndo, may kaakibat na negative sides.. nasa atin kung pano natin i-handle para sa bandang huli.. maging masaya tayo at kuntento sa buhay...

    ReplyDelete
  2. question:

    may pot of gold ba sa end of the rainbow?

    etchos! hehe

    ReplyDelete
  3. Brace your heart :) i know you'll make it through. don't pay much attention to what people say. as long as your heart believes and that you think what is says is right, then fight for it.

    ReplyDelete
  4. you gotta do what you gotta do..

    bravo!

    -Auj
    http://www.iamauj.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. may point ka riyan ateng yanah! mas masaya ang mga bagay na pinaghirapan.

    hehe cj! well well meron daw.

    aw ron. thanks.

    hi auj! salamat sa pagvisit.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...