Friday, March 13, 2009

end of the line

kasama sa listahan ko sa buhay ang makaexperience mag audition sa isang reality show pero hindi necessary na makapasa, kumbaga maexperience lang. so ang napuntirya ko ay ang pinoy big brother season three audition sa metro manila na ginanap noong march 27 sa pda concert hall. may mga friend din akong interested kaya ayun nagtrip kami. so 9 am ang usapan. tinamad kaming gumising ng maaga kaya naging ten. ayun. ten am nadama na namin ang haba ng pila. as in. katamad. nagstay kami sa starbucks sa may abs-cbn. tumanga at nilibre niya ako ng cinnamon something na masarap.

10 am

nakilala namin si bing. pangalawang try na raw niya dapat iyon. ayaw pumila ng sobrang haba kaya nagpapalamig din sa starbucks. sa pbb teen edition season two raw siya unang sumali. aba pagdating daw kay direk laurenti dyogi aba pinangiti lang daw sila at pinapose. after noon, wala na, uwian na. haha. so nakakaloka raw at mas mahaba pa raw pinila niya kaysa sa tinagal niya sa audition room. ayun nagbabasakali siya ulit. isa siyang nursing senior sa isang unibersidad sa ubelt at nagcut lang daw siya buti't blessing in disguise dahil nawalan daw sila ng pasok. pakiramdam niya its a sign daw iyon. masaya naman siyang kakuwentuhan. lunch time umalis siya para kumain, kuntodo outfit si ateng infairness. kinuha niya number namin para sabay daw kami sa pila.

1 pm

pumila na kami ng friend ko. nagdadalawang isip na siya. sabi ko naman sayang ang paggising ko ng maaga kung walang mangyayari. so nalaman namin hiwalay pala babae at lalaki so humiwalay ako. chos. haha so pumila kami sa mga lalaki na kay haba. nakatengga lang kami. nakikipagchikahan sa mga tao. nagtetext si bing. kumusta raw ba ang pila bumalik siya sa starbucks. text text hanggang sa may bagong tauhan namang pumasok sa kuwento.

si tup kid ang tawag namin ng friend ko sa kaniya kasi sa haba ng usapan namin hindi namin nakuha mga pangalan ng isa't-isa. hobby na ni tup kid magaudition! nagaudition na siya noong pbb season 2, teen edition season 2, pda season 2 at survivor philippines! marami raw siyang nakilalang personalidad sa mga pila na naging kaibigan na rin niya. balak pa nga raw niyang magaudition sa survivor philippines season 2 at nagtanong na rin siya sa akin kung paano raw bang magaudition sa wowowee at kapamilya deal or no deal. tanong ko kung bakit siya nagtiyatiyagang pumila sa init ng araw o sa kaling bumuhos ang ulan? nagcut lang din siya sa araw na iyon, nagpaalam din sa pinagtratrabauhan niyang fast food chain na may gagawin siya at nilaan talaga ang araw na iyon para sa auditions. para sa kaniya challenge daw ang pagpila ng mahaba at masaya rin daw na nagkakaroon siya ng mga kaibigan. wala raw kasi siyang kaibigan sa kanilang eskwelahan. frustration din pala niyang kumuha ng mass communication kaso wala sa tup na ganoong kurso. sana nag masscom na lang daw siya tulad ko.

...at umusad ang pila

2 pm

mas mabilis pa ang pagong kung umusad ang pila. may mga sumisingit, lahat na ng klaseng amoy naamoy muna at kung nakakapagreklamo lang ang mga paa paniguradong naburyong na sila. pampalubag loob na lang sa pila ang huntahan at syempre ang mga cute guys na naghihintay. hehe.

...at nagpapahiwatig ang panahon
...humahangin
...umaambon

3 pm

...at nakatali pa rin kami sa pila na tila isang obstacle course

nauubos na ang mga dapat pagkuwentuhan.

4 pm

sa wakas abot kamay na namin ang bahay ni kuya! nakikita na ng kaunti ang magulong dulo ng pila. ngunit bakit may sigawang nagaganap? may pumasa ba on the spot? hanggang sa kinutuban na kami ng kaibigan ko ng masama...

CUT OFF TIME NA PO, PASENSIYA NA PO IAANNOUNCE NA LANG PO NAMIN ANG SUSUNOD NA AUDITION...

hindi ko man lang nasilayan kahit kamay ni direk lauren.

... at hindi ko rin nacheckan sa listahan ko ang "nagaudition sa isang reality show"

4 comments:

  1. hays...i'm sorry to hear. there are still alot of opportunities :)

    yung kuya ko sasali sa PDA. hope he makes it.

    ReplyDelete
  2. good luck sa kuya mo. hehe
    okey lang yun, hindi ko naman goal na makuha ang goal ko makapagaudish na hindi ko nga rin naman nagawa. haha

    ReplyDelete
  3. nagtataka ako.. allowed kayo sumali if ever.. or trip nyo talaga?

    ReplyDelete
  4. yep kuya dave basta magreresign kung makukuha. haha.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...