buong buhay ko sa pribadong eskwelahan lang ako nag-aral simula nursery hanggang college pero hindi naman kami mayaman. buong buhay ko rin sa katolikong paaralan ako nalinang ngunit hindi naman ako palasimba.
eh ano ngayon? wala lang. magpapasukan na kasi eh. paniguradong kung nag-aaral pa ako ngayon, uber excited na akong pumasok kinabukasan para lang maipagmalaki ang aking bagong school supplies.
walang taon akong buburahin sa aking academic life. masasabi ko namang naenjoy ko ang aking buhay mag-aaral.
...
dahil balat mayaman nga ako (chos) at hindi nabahiran ng pampublikong paaralan (haha mayabang?) meron akong kakaibang fascination sa mga public school. bukod kasi sa iisa lang naman ang structure nila at sa pangalan palang masasabi mo na agad na pampubliko (*insert barrio name here* elemntary school/*name ng bayani* high school/*name of province* university) hindi ko alam kung bakit nahuhumaling ako dati na bumisita lang. curiosity hit me noon, bilang mga kapitbahay namin sa cabanatuan ay nag-aaral sa public at naging kaibigan ko na sila, sila ang ginawa kong tulay upang malutas ang misteryo sa akin ng kung ano ang meron sa public school.
dahil halfday lang sa aming private school at whole day sa public, uwian ko na nasa paaralan pa rin sila. kaya may i sama naman ako kunyari recess nila. ayun section 1 to forever meron sila sa dami ng students. malawak din naman at mapuno. manghang-mangha naman ako. meron silang science garden, math garden at meteor garden (weh patawa. hehe). nagtatanim sila ng gulay sa school at iba ang kanilang desk (yung mahaba na magkakatabi 2 to 3 students). higit sa lahat, pink ang kanilang uniform.
hindi lang doon natatapos ang lahat, ginagawa naming pasyalan ang school nila kapag weekend. doon naglalaro sa kanilang playground o nagtataguan. nagkukuwentuhan ng katatakutan na bumabalot sa kanilang pampublikong paaralan. enjoy naman parang private school student goes to a charity ball in a public school ang drama. joke. haha.
...
dahil inaabot ng abril pasok sa public school nauuna akong magbakasyon sa mga pinsan ko. kaya naman sa pampanga, naroroon na ako't nagmamaganda may pasok pa rin ang mga pinsan ko. take note dahil sa boredom nagseat in na ako sa klase nila. haha. well patapos na ang school year noon tumulong na rin ako sa paglilinis nila ng school. sushal charity work na naman ng isang private school student. nagdadamo, nagwawalis din, parang pulitiko lang. dahil hindi nila ako studyante, sa pinsan ko kinredit ang aking puntos kaya doble ang bonus grade ni cousin. akalain mo no? syempre after ng linisan laro na! takbuhan. tapos umaakyat sa puno ng mabolo na may makating balat ang prutas nito. hindi ko na maalala ang lasa ng mabolo basta bet namin na akyatin ang mga ito para lang malasap ang katas.
...
lahat na lang yata ng public school dating sementeryo. ewan ko malamang urban legend lang iyon. ilang beses ko na kasing narinig ang kuwentong iyon eh.
naalala ko, si mama naengkanto sa school nila dati. sa public school siya nag-aral noong elementary siya, tapos ayun nga malapit lang yung school nila sa bahay nila. eh heto namang si inay hindi raw makauwi, inabot na ng hapon at tila paikot-ikot lang siya sa school nila. hanggang sa sinundo siya ni lola at pinabaligtad ang damit niya. nakakarinig kaya siya ng "psst! psst!" noong time na iyon?
...
hay. i just miss school.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
ako public nung elementary, parang mas masaya pag batang public ka eh, mas madami kasi kayo, tapos parang di masyado uso ung mga bully hehe!!
ReplyDeletei mizz zkul!
ReplyDeleteituloy mo na kasi ang MA mo sa state U. hehehe
ReplyDeletesa public ako nag-aral nung elementary ako then lumipat na lang ako nung HS till college. malaki talaga ang pinagkaiba, lalo na sa CR. hays...noong elementary ako pinipigil ko ang ihi ko kasi napupuno ng masasamang ispiritu ang mga kasilyas. hahaha! kaya sobrang nakakarelate ako dun sa book ni Bob Ong yung Abnkkbsnaplako.
ReplyDelete---
nakakamiss ang schooling pero ayoko nang bumalik sa pagiging estudyante. nakakapagod maxado. hehehe!
totoo daw yung urban legend na public school, dating sementeryo..kasi mura o halos ipamigay sa gubyerno ang lupa...
ReplyDeletesamen sa batangas, halos lahat ng public school, may istorya na sinaniban..huwaaaaa
cool, haha, ako naman eh public from elementary until college so perhaps i'd never know the difference.
ReplyDeleteabout CRs sa public schools, hmm, sa makati it's not that bad. you can actually sleep sa floors ng CR sa school namin dati dahil sobrang malinis. :)
at any case, i do miss school. yun lang. amen. :)
homer oo nga may mga bully sa private schools. eh deadma hindi kasi ako ang biktima. bwahaha!
ReplyDeleteme too cj
oo tutuparin ko iyon someday wandering naudlot lang kasi this year.hehe
ReplyDeleteron ibang iba nga. grabe minsan naiisip ko kung paano nakakapagaral yung mga nasa public sa ganoong estado ng kanilang paaralan... oh well hindi talaga hadlang ang kahirapan sa taong gustong magpunyagi.;) naku... i sooo miss school! sobra!
ay panghaloween special yan period!
ReplyDeletetaray tomato cafe masasabi mong "ganito kami sa makati!" hehe.