Sunday, November 29, 2009

don't cry for me argentina!

halos isang buwan... actually isang buwan din pala akong hindi nakapagupdate. ewan, wala kasing inspirational thingie na sumasapi sa akin lately para mainspire magblog. haha.

ang dami ng nangyari. kung anu-anong whirlwind of emotions. .

nasa UK na si misizj for his christmas vacation at isang teleseryeish reunion with his mom after eight years and sa january 2010 pa siya babalik. (at may chance na hindi siya bumalik agad actually).

i think i'm strong enough naman for goodbyes pero syempre nakakaiyak din.

ito na yung mga eksena na tatalunin pa ang mga teleserye at kakabugin pa ang paglipat ni claudine sa siyete...

...yung araw na huli kaming magkasama last saturday (na sunday na) umiyak ako bago pumasok ng trabaho. haha. mushy. i just miss crying. ang eksena nawili kasi kami ni ateng sa glee (we are sooo GLEEKS!) at natuwa kami sa rendition ni rachel at kurt sa defying gravity kaya naman ayaw naming paawat sa pagkanta. duet effect! part ni rachel sapilitan niyang binigay sa akin at kaniya yung kay kurt. haha. so ayun yung musical scoring ko nun...

INT. ROOM. HAPON
naghahandang maligo si kalansay papasok ng opisina. naalala niyang iyon na ang last public appearanc ni misizj sa pilipinas bago lumipad sa london. unti-unti ng pumapatak ang kambal na luha sa kaniyang mga mata at naalala ang mga huling araw na magkasama sila. Enter Music, Defying gravity. (naiimagine kong kumakanta rin dapat si misizj sa UK nung part niya. haha nagiintercut yung eksena namin sa Pinas at sa UK) haha.

INT. CR. SAME HAPON
hindi mapigilan ang pagpatak ng mga luha, habang jumejebs, nagbubuhos ng tubig, nagshashampoo at nagsasabon lumuluha pa rin si kalansay at inaawit ang part niya sa Defying Gravity. haha.

sobrang maramdamin ko noong araw na iyon. like hello? aalis kaibigan mong nakasama mo sa buong apat na taon mo sa college at nakatrabaho mo pa at may chance ng hindi bumalik hindi ka ba maiiyak?

hay ang sarap umiyak after so looong. excited na ako sa pasalubong. babalik ka di ba misizj? :)

***

ang tagal ko pala bago nakapagpost ulit... may maguindanao massacre na, lumipat na si claudine sa seven, nagannounce na ang mga kakandidato, lumabas na si rob sa bahay ni kuya, naeeLSS na ako sa hindi ka nagiisa at sa dahil ikaw bro ang star ng pasko, at nakapagsulat na ulit ng isang play para sa org. oh well.

***

maligayang pasko! hehe.

3 comments:

  1. crying is nice..

    ika nga: people cry to wash away the pain and make room for a happy heart.

    nice one.

    ReplyDelete
  2. gusto ko yan eye_spy hehe. madaliu ng makamove on pagkatapos umiyak! haha

    ReplyDelete
  3. tse!

    dedmahin daw aq sa ym?
    wa-i kang pasalubong dahil dyan! hmpht!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...