makikita raw sa guhit ng mga palad natin kung what is in store sa ating future. sa bawat linya nakatala raw ang mga kaganapang magaganap pa lang...
bored. kakatapos lang ng creative meeting namin at dahil naghihintay ng sundo ang aking friend, we decided to stay sa tapat ng isang coffee shop. past midnight pero gising na gising pa rin ang lungsod. nasabi na niya sa amin dati na she can read palms at tarot cards. walang magawa, sabi ko sige nga hulaan mo nga ako...
gamit ang flashlight ng kaniyang cellphone, inusisa niya ang mga linya, bawat guhit, pilit na sinisilip ang aking kapalaran.
"may papatay sa'yo!"
she exclaimed. nagulat ako. joke. dagdag niya. haha. aba unang forecast palang sumpa di ba?
hanggang sa sunod sunod ng nagsilabasan mga bagay na gusto niyang makita. makulay daw ang buhay ko. yayaman ako(buti naman) at i will live a double life, meaning may daladalawang buhay baka isa raw business, isa career... basta double up! hehe. ok naman ang puso ko at health... then the juicy infos came up.
magkakaroon daw ako ng dalawang anak. isang babae at isang lalaki. gusto ko actually kaso paano? haha. baka raw artificial insemination. haha. good luck.
magkakaroonn daw akong tatlong mamahalin. hindi niya sinabi kung lalaki o babae. basta ang una, kilala ko na raw at mahaba raw magiging relasyon namin, like for ten years. susyal. hehe. naintriga ako, sino itey? kakilala ko na? hmmm. then yung second, magtatagal din daw kami...
until pasok ang pangatlo... ito raw ang magiging dahilan ng aking kamatayan. so hindi pala joke na may papatay sa akin? haha. hala. nakakatense. pangteleserye naman, ang mahal ko ang papatay sa akin. pangatlo. shet. magbibilang na ako ng karelasyon. dahil diyan, hanggang dalawa lang. haha.
so abangan na lang kung matutupad ang mga yan.
***
uy malapit na valentines. cool. infairness sa mga valentine post ko. balikan nga natin!
posted feb. 13, 2008
self love
posted feb. 14, 2009
anatomiya ng isang love story
effort ang mga valentine post ko ha. bilang ang pag-ibig ang isa sa mga pinakamadalang na topic na tinatackle ko, haha. naku mukhang dapat kong paghandaan ang aking valentine post this year...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...
No comments:
Post a Comment
Magsalita ka mortal!
Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!
bwahahaha!